AKALA

57 6 0
                                        

Nung AKALA kong may TAYO pa, ang saya saya
Saya na hindi mo makikita ang sakit na nadarama.
Ang sarap balikan ng mga ala ala
Nung panahon na AKALA kong may TAYO ay nagpapalitan pa ng mga salitang "MAHAL, ingat ka!" "MAHAL, mahal na mahal kita!" "MAHAL,ikaw lang! Walang iba!"
Ang sarap balikan ng AKALA kong may TAYO
TAYO? Teka lang mahal!
Tanong ng isip kong nagtataka.
Yung AKALA kong may TAYO san naba napunta?
Buhat ng iyong bigkasin na may mahal ka ng iba
Doon ko lang napagtantong hindi na pwedeng ipagpatuloy pa
NGAYON, ang dating AKALA kong may TAYO ay napalitan ng salitang KAYO
Mahal paano naman ako? Iiwanan mo na lang bang nagdurugo ang puso ko?
Haharapin ko ang mundong merong isang ako at wala ng AKALA kong may TAYO.
Haharapin ang lahat ng takot at pangamba na ibinigay mo simula pa noong una.
Pangamba sa puso ko na sana ay mawala na
Kaya't mahal kahit masakit para sa akin ang pakawalan ka, kahit wala naman akong pinanghahawakan simula pa noon una
PA-PA-KA-WA-LAN-KI-T­A dahil pagod na kong umasa at masaktan pa.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon