Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

HANGGANG DITO NALANG

118 10 0
                                        

Nagsimula sa wala
Nagsimula sa patanung-tanung
Nagsimula sa pakilala
Hanggang sa nagsimula sa sabihan mahal kita
Mahal kita dahil mahal kita
Tumagal hanggang sa ilang taon pa
Masaya pero masakit!
Masakit kasi nasaktan ka, nasaktan ako
Hanggang sa dumating sa wala na
Wala na panahon sa isa't isa
Isa't isa na noon walang problema
Walang problema kasi tayo lang talaga dalawa
Tayo lang dalawa kasi mahal natin ang isa't isa
Hanggang sa unti unti nawala kasi meron ng Iba
Ng dahil sa Iba natapos ang  napakatagal nating pagsasama
Natapos,natapos sa wala
Nagmahal, nahirapan, nasaktan tapos ganun na lang? Tapos na
Tapos na hanggang magsimula ulit sa una
Ligawan? OO ligawan kahit walang kasiguraduhan
Maghihintay kahit gaano pa katagal?
Yan ang salita na iyong binitawan na aking pinanghahawakan
Pinanghahawakan ko dahil ikaw lang at alam ko ako lng
Pinanghahawakan ko dahil nag-iisa ka lang
Oo nag-iisa ka sa puso ko dahil mahal na mahal kita
Pero tama ba na panghawakan ko pa ang salita mo, kung may iba kana?
Iba na minamahal mo
Iba na pinagpalit mo apat na taon nating pinagsamahan
Pinagsamahan,meron nga ba?
Meron nga ba? Kasi ang dali mo nakalimutan
Nakalimutan mo kasi nakahanap ka ng iba
Iba na sumira ng lahat
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Sakit na naman diba?
Tagos,tagos sa puso
Kasi mahal pa kita
Pero mahal mo pa ako?
Syempre hindi diba kaya ka nga naghanap ng iba
Iba? KAya nga tama na!
Tama na, namahalin pa kita
Tama na, kasi sobrang sakit na
Masakit kasi umasa ako pero wala na pala ako aasahan kasi may Iba kana
Sana maging masaya kayo ng Bago mo
Bago mo ,na sumira sa relasyon na ating binuo
Tama na, ayoko na, hanggang dito na lang
Sana maging masaya kayo ng Bago mo
Bago na magpapasaya sayo
Bago na mag-aalaga sayo
Bago na magmamahal sayo
Salamat sa lahat
Salamat kahit masakit, at nasaktan ako
Naging masaya ako sa piling mo
Sa piling mo na noon ko lang naramdaman
At hanggang dito na lang ang ating pagmamahalan
Salamat! Salamat! Paalam!
      Hanggang sa muli !

Tagalog Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon