"Mahal kita. Mahal kita!" Noo'y madalas mong sambitin na ngayo'y nagdulot ng pagluha ng aking mga mata.
Ang sakit isipin..
Sa kabila ng paglaban kong mahal kita, ay sya ring pagbitaw mo ng "ayaw ko na"
Ang sakit isipin,
Na ang alaala mo na dati'y nagpapasaya saakin,
Ay syang dahilan ng pagluha ko ngayon..Ang sakit isipin at ulit uliting alalahanin
Na ang mga salitang nagpasaya saakin,
ang sya ngayong pumapatay saakin,
na para bang sinasaksak ako ng paulit ulit!
Ang sakit..
Ang sakit!Nanggaling na mismo sa bibig mo,
Kailan ma'y di magbabago,
Hindi kailan ma'y iiwan,
Hindi sasaktan.Anong nangyari mahal?
Nagsawa ka na ba?Dati pa'y nangako pa sa isa't isa,
Ano mang trahedya ang dumaan,
Isa man sati'y panghinaan,
Mahal ko kapit lang!
Tayo parin hanggang dulo magpakailan pa man.Kasing tamis ng tsokolate ang 'yong mga halik,
'sing init ng sabaw ang yong mga yakap,
'sing sarap ng paboritong ulam ang 'yong pagsambit na mahal mo ako,
na para bang may paru-parong lumilipad sa aking tiyan sa tuwing naririnig ang mga ito.Ngunit anong nangyari mahal?
Tila ika'y nagbago na.
Nawalan ka na ba ng gana?
Alalaala na lamang ba ang mga ito?Siguro nga hanggang dito na lamang tayo.
Maaring alaala na lamang ang mga ito,
Kailangan na natin tapusin ang lahat ng meron tayo. </3Sana sa muli nating pagkikita ay hindi na ganto kasakit.
Sana masaya ka na ngayon, sana masaya ka sa iyong desisyon.Salamat mahal,
Paalam mahal.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso