BAKIT IKAW PA?

70 8 1
                                    

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa?

Bakit ikaw pa? Na hindi ako kayang pansinin.
Bakit ikaw pa? Na hindi ako kayang mahalin.

Mahalin. Isang salita, pitong letra lang ang hinihingi ko,
hindi ako naghahangad na lumampas sa pito.
Pero mahal, bakit hirap na hirap kang gawin ito.

Oo nga naman.
Hindi ka nakikita ng aking mga mata
sa araw-araw pero bakit ikaw pa?

Hindi ko din alam.
Dahil marahil na kahit anong tanaw ko sayo
ay hindi kita makita pero sa puso ko, kitang kita kita.

Oo nga naman. Tama sila.
Ilang kilo metro ang layo mo sa akin
pero bakit ikaw pa?

Napabuntong hininga nalang ako.
Dahil kahit gaano ka kalayo sa akin,
kahit lupa man at langit ang agwat nito
pero sa puso't isip ko yakap yakap ka nito.

Sa dinami-rami nila bakit ikaw pa?
Madalas na tanong sa akin ng karamihan
na madalas ding bumabagabag sa akin isipan.

Pero mahal, kahit na ilang tanong pa ang ihain sa akin ng karamihan.
Kahit ilang ikot pa ng tanong na ito sa aking isipan.
Ikaw at ikaw pa din ang sagot sa aking mga katanungan.

Bakit ikaw pa? Ikaw.
Ikaw, dahil lumiliwanag ang mga mata ko kapag nakikita kita.
Ikaw, dahil binigyan mo ng kulay ang mundo ko nung dumating ka.
Ikaw, dahil sa tuwing pipikit ako ang iyong mukha ang aking nakikita.
Ikaw, dahil parang nasa rosas ang aking buhay kapag naiisip kita.
Ikaw, dahil sayo lumalabas ang mga matatamis na ngiti
sa aking mga labi na ngayon ko lang naipakita.

Bakit ikaw pa? dahil andito ka.
Para bang preso na hindi na makawala
Sa kulungan na puno ng pagibig ang laman.
Ayaw kang pakawalan dahil ikaw ang nagbibigay lakas
sa bawat tibok ng puso ko mahal.
Pangalan mo ang isinisigaw.
Dahil minamahal kita.
Kahit na hindi ako ang iyong minamahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon