HINDI NA KITA KILALA

134 8 0
                                    

PANAHON.
Panahon na lumilipas.
Mabilis , di natin mapipigilan.
PANAHON
Panahon na maayos ang lahat.
Simple, walang gayak.

Mga bagay na ginawa natin di na ibabalik.
Mga bagay na kahit pagsisihan natin di na mababago.
Mga bagay na pinaplano naglalaho.
Mga bagay na dapat tayo , lumalayo.

Pagtaas ng aking mga talukap sa mata.
Pagbangon sa kama.
Konting mumog tapos luwa
Sabay tingin sa sariling mukha.

Salamin! Salamin!
Sino ang aking nakikita?
Mukhang di ko siya kilala.
Isa ba siyang banyaga?

Naaaninag ko. Malinaw
Ngunit parang malabo nakakagunaw.
Teka, parang pamilyar to.
Ako ba to o isang taong nagbago?

Paano nangayari di ko kilala ang
sarili ko.
Isa ba tong multo o isang anino
O baka naman nakamaskara?
Hindi, Kundi isang taong nasira.

Tangina! Bakit ka nagkaganyan?
Hindi ka naman pinabayaan!
Potangina! Anong ginagawa mo?
Siraulo ka ba o nababaliw na kamo?

Titigan mo! Titigan mo!
Isang larawan na nagibang anyo.
Pintado noon ngunit ngayon ay tarantado.

Pangalan?
Hindi na kailangan.
Wala na kong pangalan.
SA Tulad kong walang pinagkatatandaan.

Wala kong masabi.
Kitang kita ko ang mga nangyari.
Huli na ata ang aking pagsisisi.
Panahon ay di na nakapagtimpi.

Tadhana  na ang humatol.
Di mo na mahahabol.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon