Madalas ako yung MAS nagmamahal
kaya madalas ako yung MAS nasasaktan
madalas ako yung MAS nagbibigay
kaya madalas ako yung MAS nauubusan
sa atin parang ako yung MAS may oras
kahit na sakin ay halatang may pagiwas
madalas ako yung MAS matigas
ako yung patuloy na kumakapit kahit anong gawin mong pagpiglas
madalas ako yung MAS umiintindi
at sayong mga hiling hindi ako makatanggi
sa atin ako yung MAS malambing
malambing ka din naman, sa iba nga lang
at madalas ako yung MAS umiiyak
sa bigay mong unan gabi gabi itong pumapatak
ako din yung MAS dumidiskarte
kahit pa alam kong pagmamahal mo sakin ay wala pa sa kalahati
ako yung may damdaming MAS nababali-wala
ngunit patuloy sa pagibig kahit na sayao ay walang napapala
ako yung MAS madalas maiwan, MAS madalas pagtawanan
dahil daw ako yung MAS experto pagdating sa katangahan
ako din yung MAS may utak pero di ginagamit
dahil MAS pinipili ang nais ng puso na makamit
madalas ako yung “MAS” brader, kaya pala tinawag nila kong MASter

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso