Ehem... Sisimulan ko sa unang pag pindot ng screen mula sa mga daliri ko
Sisimulan ko noong nagmumukang baliw dahil natatawa sa bawat biro mo
Sisimulan ko noong araw na kada minuto segundo na tila ayaw masayang para lamang sayo
Pero eto yung pinaka simula na naantig ang mga mata ko sa bawat mensahe na binibigay mo, sa bawat reply na mabalis na ang akal moy magiging kayo. Pero tama NAGING TAYO. Nag karoon ng tayo na halos Kumapa sa tuwa ang mga daliri ko sa dami ng gustong sabihin ng puso ko. Halos mabitawan ang mga oras na dapat sanay sa iba nakatuon pero napunta sayo at iyon ang simula ... Simula na ayaw nang tapusin. Simula na sanay wala nang pag wawakas. Wakas na hindi dapat mangyare satin dahil sobrang ganda ng simula.... Pero nagkaroon ng "GITNA" sa kwentong gusto ko sanang hindi na dugtungan pa ng tila mapaglarong tadhana. kwento na sanay hindi na na dugtungan pa ng gitna ngunit ... Sa pag dating ng araw na halos ang cellphone na kausap koy bumibigay na dahil sa Gitna?... Dun mo mararamdaman ang layo at distansya ng pagmamahalan natin na sanay hindi nlng nagkaroon ng gitna. Ayoko naman talaga ee pero bakit kaylangan dugtungan ng gitna. Na sumisimbolo ng pag salubong sa mga problemang mahirap lusutan ... Halos bumigay ang kapit nang pagmamahal sa kamay mong tila nauubusan... Ng lakas na dapat meron tayo katulad ng simula pero dumating tayo sa gitna....ang kwento ay iikot lamang sa mga pagtawag. Pag text. Pag chat ng mga puso nating libong kilometro ang layo sa isat isa ngunit.... Hindi tayo susuko. Buong pusong mangangako. Na walang bibitaw. Kakapit ng mahigpit. At hindi na muling babalikan ang tila umipit sa mga kamay natin upang itigil ang usapang walang humpay sa tuwa. Pero, sa gitna. Na sumisimbolong dadating tayo sa "WAKAS" ang hirap ng mga problema. Ang hirap bigyan mahigpit na kapit sa kamay upang hindi bumigay ang kapit ng kamay na tila ayaw ng tumibay pero huli na..... Sa pag lakas ng kapit ng isat isa ... Sa tindi ng higpit ng kapit ng mga kamay na ayaw nang bumitaw. Ang kwento ay nag karoon ng wakas. Mahirap para sakin ngunit hindi na na lutas na ang maliit sanang problemay makaiwas. Sobrang halaga ng mga oras na ibinigay natin sa isat isa upang maibigay lang ang gustong ipabatid ng pusong nakakulong dahil sa distasyang nakaharang na animoy ayaw kang palapitin sa walang humpay na pag sigaw ng pangalan mo... Nandito na tayo sa WAKAS. Wag mong kalimutan ang mga payo na nag papalakas ng loob sa mga bagay na mhina ka. Sa mga bagay na takot sa mga bagay na kaylngan mo ng tulong dahil pagod na... Pero pagod na... Pagod na din ang isipan na mag isip at mag hanap ng butas na mlulusutan upang hindi na muling magwaakas ang pagmamahalan nating wagas .. Pero wakas.... Wakas na ang kwento na nag papahiwatg na eto na ang katupsan ng landas na tinahak nating dalawa simula nung SIMULA… GITNA... At ngayon ay WAKAS. Sa pag buo ng kwento na sanay walang wakas... Bumigay ang mga kamay na ayaw na sanang tigilan ang pag pindot at tawag dahil ikaw ang buhay... Nung unay akala kong hanggang simula lamang pero nahimlay ang mga letra at umurong ang distansya sa na paka lapit na sistema na mag tatapos lamang sa WAKAS...

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesieItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso