Mahal mo, pero masakit na.
Gusto mo pa, pero sawa kana.
Hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa mga bagay na alam mong sawa kana. Pagod ka na.
Hanggang kailan ka ba mag aantay sa mga bagay na alam mong wala ng pag asa pa.
WALA NG PAG ASA PA.
Wala na ang pag asang mahalin ka pa niya. Mahalin niyang muli.
Wala na ang pag asang babalik sya at babalikan ka nyang muli.
WALA NG PAG ASA.
KAYAT BITAW NA.
Matuto kang bumitaw. Masyado ka ng tanga. Masyado ka ng tanga para ipaglaban pa siya.
Masyado ka ng tanga para manatili pa.
May mga bagay na kailangan mong palayain pata maging masaya ka.
Di lang sa kanya umiikot ang mundo mo.
At hindi lang sya ang tao sa mundo.
Mahal mo, pero mahal ka ba niya?
Mahalaga sya sayo, pero baliwala ka nalang sa kanya.
Wag mong ikulong ang sarili mo sa mga bagay na alam mo namang wala na.
Wag mong pahirapan ang sarili mo sa taong paulit ulit kang sinasaktan, sinasakal at iginagapos sa pangakong babalikan ka at mamahalin ka nyang muli.
Matuto kang magparaya.
Matuto kang bumitaw.
Kung gusto mong mahalin ka nya, mahalin mong una ang sarili mo.
Oo. Ang sarili mo.
Dahil hindi mo namamalayan na wala ka ng pagmamahal na itinira sa sarili mo, dahil ang lahat ng iyo ay binigay mo na sa kanya, na ni kahit kelan ay hindi nya nagawang suklian sayo.
Dahil kung mahal ka niya, di ka nya sasaktan.
Di ka nya iiwan at hahayaang umiiyak at lumuluha sa mga gabing nagdurusa at umaasa ka na babalik sya.
Dahil kung mahal ka niyang totoo, ipaglalaban ka niya.
Gumising kana sa katotohanang wala na siyang pakialam sayo, na kahit ilang balde pa ng luha ang iiyak mo, di ka na niya mahal.
BITAW NA. DAHIL PAGOD KANA.
Pagod ka ng magpanggap sa mga tao na masaya ka at ipakita sa kanila na okay ka.
Pagod ka ng mag antay na babalik sya.
Wag mo ng panghawakan pa ang mga ala-ala na binuo niyo noong mahal ka pa niya.
Dahil ang mga ala-ala ay pawang nga ala ala nalang na paulit ulit mong binabalikan dahil alam mong hindi na muling mararanasan pa.
Mga masasayang tagpo na nangyari habang nasayo pa siya.
Mga masasayang araw na pinagsaluhan niyo ngunit ngayoy parang mga imahe nalang na kumukupas dahil nilimot na nya.
Wag ka ng umasa na babalik sya. Na babalik sya para ipagpatuloy ang pagmamahalan nyong minsan ng naudlot.
Dahil sa mga away at di nyo pagkakasunduan.
Ang pagmamahalan na akal mo noong unay pang matagalan na.
Kasiyahan na akala mo noong unay pang habang buhay na, ngunit panandalian lang pala.
Kaya ka lang niyang pakiligin, pero di ka nya kayang mahalin.
Mahalin na gaya ng pagmamahal mo sa kanya, pag aalaga at pag iintindi na kahit kailan ay hindi nya nagawang iparanas sayo.
Alam kong masakit. Pero bitaw na.
Bitaw na, at hayaang mong makaramdam naman ng saya at ligaya ang puso mong nabalot na ng lungkot, pagod at hirap dahil lang sa pagmamahl mo sa kanya.
Dahil kung mahal mo siyang talaga, papalayain mo na sya.
Dahil kung mahal mo syang talaga, hahayaan mo na siyang maging masaya sa piling ng iba kahit na alam mong masakit pa.
Ganyan naman talaga sa pag ibig. NASASAKTAN. UMAASA. NAHIHIRAPAN. NALULUNGKOT.
NAGSASAWA. AT HIGIT SA LAHAT NAPAPAGOD. Dahil hindi naman palagi masaya ka.
Dahil sa bawat sakit nanararanasan mo. May mga aral kang napupulot. Kayat sa susunod na iibig ka, mahalin mong una ang sarili mo at lagi mong isaisip ang mga bagay na naksakit sayo niong una para magpaalala sayo na kung MASAKIT NA. BITAW NA.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso