TMH:1

31.3K 816 62
                                    

(M I K E E)


Nagising ako sa sakit at hapding aking nararamdaman.Napaiktad ako sa aking mumunting pagkilos.Tila hindi ko magagawang umupo ng maayos.Medyo madilim ang silid dahil iisang lampshade lamang ang tanging nagsisilbing liwanag dito.Naharangan ng mga kurtina ang liwanag mula sa labas ng bintana.

Paunti unti at marahan ang aking pag galaw dahil sa pinagmumulan ng sakit nito mula sa aking pang upo.Nang ako ay mapatayo ay saka ko lang napansin na nakaboxer short at naka-roba pa pala ako.Madalas kasi kung ako ay nagagawan ng marahas na bagay ni rico ay iniwan ako nitong hubo't hubad.Tila nakakapanibago.

Nang maibaba ko na ang aking paa sa malamig na sahig ng silid ay siya namang paglagatok ng pinto.Ang ingay nito ang siyang nagpatigil sa aking paghinga."Gising ka na pala?mabuti pang magpahinga ka na muna."bungad nito sa akin.Si doc.Neil.

Family doctor ng pamilya ni Rico.Mabait ito at malamang ay alam na niya ang aking pinagdaraanan sa kamay ng aking asawa.Napaupo ako ng marahan bilang pag-iingat.Agad naman ako nitong inalalayan.Napayuko na lamang ako dahil sa kanyang nakikita sa akin.

May mga pasa at iilang galos sa aking katawan.Tila matagal pa ulit bago iyon maghilom kagaya ng mga nakalipas kong sugat sa katawan.

"Kaya mo pa ba?"tanong niya habang matiim na nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam,hindi ko rin alam kung bakit siya nagkaganoon...pero,"aaminin ko sa sarili ko mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko.At nangako ako na mamahalin ko siya ng buong buhay.

"Pero..handa akong maghintay na maintindihan niya yung totoo."dugtong ko.Kinuha niya naman ang medical kit niya.Binuksan niya ito at saka naglabas ng mga tabletang gamot at mga pamahid sa aking sugat.

"Kahit na ilang latay pa ang iyong maranasan?"napatingin ako sa kanya habang ginagamot nito ang aking sugat.

"Oo...kahit ilang latay,pasa..at bugbog pa ang maranasan ko sa kanya..Mahal na mahal ko siya doc."sagot ko.Hindi ko alam kung bakit ko natutunan magpaka-martir pagdating sa pag-ibig.

"Mukhang wala na akong magagawa para ikaw ay tulungan.Dahil alam ko ang pag-ibig ay nakakabulag,pero sana wag umabot sa puntong magkasakitan kayo ng husto at hindi na mahanap yung sinumpaan ninyong pagmamahalan."sa puntong iyon namutawi sa aking isip ang naganap naming kasal.Kapwa may tamis ang pagngiti sa aming labi.

Tila wala na akong mahihiling pa sa araw naganap iyon.Ikinasal kami noon sa america.Buong pamilya niya ay naroon noong araw na iyon.Samantalang nagiisang matalik na kaibigan at ang nanay-nanayan ko aking naging kaagapay.Ulila ako sa magulang at tanging ampunan lamang ang umaruga sa akin.Sanggol pa lamang noong ako ay iwan sa pintuan sa naturang gusali.

Gayumpaman,hindi nagkulang ang mga nakagisnan kong nag alaga sa akin.Tanggap nila kung ano at magkasino ang pagkatao ko.Napagaral at napagtapos nila ako sa tulong ng mga donasyong kanilang nalikom.Malaki ang aking pasasalamat sa kanila.At nang malaman ni rico iyon ay nagbigay siya ng malaking pondo sa ampunan.Hindi magkamayaw ang aking kasiyahan nang malaman ko iyon.Tiyak na ilang bata ang makakapag-aral dahil doon.

"Inumin mo ang mga gamot na ibinigay ko sayo..At magpahinga ka na lamang muna."saad nito matapos isara ang bag na dalahin.Akmang aalis na siya ng pumasok si rico sa kwarto.Tila kakaba-kaba na naman ang namamayani sa aking kalooban.

Kaagad akong umayos sa paghiga.Ayoko siyang harapin hanggat maari.Gayong hindi ko alam kung saan ako magsisimula magpaliwanag sa kaniya.

"Mauna na ako rico,mabuting magpahinga muna siya..kailangan na kailangan ng katawan niya iyon sa ngayon."bilin nito at nagpatuloy na sa paglabas ng silid.

Pigil kong tiniis ang sakit na aking pangupo habang nakaharap sa ibang bahagi ng kuwarto.Naramdaman ko ang paglundo ng kama tanda ng kaniya presensya.Nanlalamig ang aking pakiramdam tila tinatansya nito ang mga pagkilos na gagawin niya.

Naramdaman ko ang tuluyang paggalaw ng kutson.Ang marahang paghila ng makapal na kumot na siyang bumabalot sa aking nanlalamig na katawan.

Maya maya pa ay lumingkis ang bilugang braso nito sa aking beywang.Ikinulong ang bahaging iyon sa kaniyang bisig.Tila nadadarang sa init ang kaninang nagyeyelo kong pakiramdam.

"R-rico."nagkandautal ako sa pagtawag sa kanya dahil sa pagdampi ng labi nito sa aking batok.
























"Let me in Mikee.."

Vote And Comments.;-)

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon