T M H :34

8K 296 53
                                    

( M  I  K  E  E  )

Magkatabi kami sa hapag kainan subalit hindi ko manamnam ng husto ang aking kinakain.

Tatlong araw na akong hindi maka alis o makalabas nang bahay.Nakakalabas naman ngunit sa veranda o hanggang hardin lang.

Maging ang telepono ko ay kinuha ni rico.

Hindi ko man batid kung bakit pati ang dati naming guwardya ay pinalitan niya.Hindi ko lubos maunawaan kung bakit sila manang at sonya ay nadamay sa gulo naming ito.

Naawa ako sa mga ito.Batid ko ang hirap ng buhay nila sa kanilang mga uuwian na pamilya.

Sa ngayon ako na ang nag aasikaso sa mga gawaing bahay.Kaya ko naman ang mga gawain dito subalit iba pa rin kung may mga kasama ka.Hindi ko maiwasan talaga na mangulila sa mga ito.Lalo pa at nanay na ang tingin ko kay manang at kapatid na rin ang turing ko kay sonya.
Sakali man na maayos ang gulo sa amin ni rico ay pababalikin ko sila.

Sana.

Kung wala siya ay sisipatin ako ng mga body guard na inupahan niya.Madalas din ang pag uwi uwi nito ng madaling araw.Gustuhin ko man magtanong ay ibayong kaba ang aking nadarama.

Sa ngayon,hindi niya ako gaano kinakausap.Pansin ko ang panlalamig nito.Sa umaga ay maagang aalis subalit kabaligtaran ng kaniyang pag uwi.

Tumayo siya at tanda na tapos na itong kumain.Habang ako ay hindi gaano nagalaw ang aking kinakain.

Pasimple ko itong tinignan.Kinuha niya ang kaniyang kahon ng sigarilyo kasama ang lighter nito.Saka pumaroon sa teresa ng sala.

Madalas na naman siyang manigarilyo.Pinahinto ko siya noon dahil madalas makaramdam ito ng pagbigat ng paghinga.

Matapos kong mahugasan ang mga kasangkapan,sinilip ko ito kung nasaan.

Wala na siya sa teresa.Maging sa aming silid.

Inikot pa ang palapag ng aming tahanan.Nakita ko na naroon lang pala ito sa hardin.Hawak ang cp nito.At tila may kausap.

'Now?hmm..sige pupunta ako...Oo naman,ikaw pa.Bye.'rinig kong sagot nito sa kausap.

Naramdaman niya siguro ang presensya ko.Bahagyang natigilan ito.Saka ako dinaanan na parang wala lang.

Sumunod ako sa kaniya.Naabutan ko siya sa aming silid.Naghahanap ng kaniyang susuotin.

Hindi man lang niya ako magawang tignan.

'Aalis ka?'

'Yes.'malamig na tugon nito.Saka patuloy sa ginagawa.

'San ka pupunta?'

Hindi ako nito tinugon sabay pasok sa banyo.

Hinintay ko siyang makalabas para tanungin ulit.

Nagkasalubong ang aming mga tingin ng matapos ito.

'Ric,late ka na naman ba uuwi?'

Napatigil siya sa pagsusuot ng pantalon sabay matalim na lumingon sa aking kinaroroonan.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon