( M I K E E )
Pinilit kong tanggalin ang makapal na taling lubid sa aking kamay.Ikiniskis ko ito sa matulis na bagay gamit ang basag na salamin mula sa bintanang tinamaan ng ligaw na bala.
Alam kong kapahamakan kung lalabas kami ng silid.Pero mas lalo akong natatakot kung sakaling bumalik si Cedric.
Naroon pa rin ang pagtataka sa kaniyang pinakitang pag uugali kanina.
Bakit sinasabi niyang siya si christian?
Parang ibang tao siya.
Matagumpay kong natanggal ang mga tali sa aking kamay at paa.
Kasunod nito ay siyang paglapit ko kay galaxy.Nakayuko ito at nanginginig.Takot na takot sa mga kaniyang naririnig na putok ng bala.
Tinanggal ko rin ang mga pagkakatali nito sa kaniyang mga kamay saka inakay at binuhat.
Kakaba kaba kong tinungo ang pinto.Maswerte ako at naiwang bukas ito.Gayumpaman ay maingat ang ginawa kong paglabas ng silid.
Walang tao sa naturang pasilyo.
Ngunit palakas ng palakas ang tunog ng mga putok ng baril.
Parang lumukob sa sarili ko ang takot na magpatuloy sa paglabas.Alangan na lumakad ako palabas.
Yakap na yakap ako sa bata.Mabuti na lamang at may kagaangan ito.Lakad,silip at takbo ang aking ginagawa.
Ingat sa bawat hakbang na aking ginagawa.
Nakababa kami mula sa hagdan at agad nagtago ng makarinig ng mga pagputok.
Sa isang sulok na bahagi kami nagtago.Tinakpan ko ang bibig ng bata.Dahil sa pagsinok nito sa pagiyak ay baka kami marinig ng kung sino.Nang wala na kaming marinig na alingawngaw ay saka kami lumabas.
Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko siya.
'Danilo,'
( C E D R I C )
Tinulak niya ang katawan ni rico mula sa kaniyang ginawa na pagbaon ng patalim sa tagiliran nito.
Nanghihinang napasandal si rico nang sandaling iyon.Napahawak siya sa natamong saksak sa katawan.Doon lumukob ang unti unting pagkalat ng dugo.
'Hindi mo na makikita si mikee,dahil pagkatapos kong patayin ka ay isusunod ko siya sayo.Kung pinili mo lang ako,hindi sana hahantong sa ganito.Ang tanga tanga mo kasi rico!'tila isa siyaneg magulang na nangangaral sa kaniyang pinapakitang kilos.
Walang pakialam naman si rico sa kaniyang naririnig dahil iniinda niya ang natamong sugat.
Pero hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang pag iba ng boses ng kaharap.
'Ano ka ba cedric?!bakit mo ginawa yon kay rico!sabi mo hindi mo siya sasaktan..'
Tila napatanga si rico sa nakita.Parang may kausap ito sa kaniyang sarili.
'Wag kang mangialam christian!lahat na lang gusto mo ikaw ang magaling!Hindi ba!gusto mo laging ikaw ang napapansin!Kaya namatay si mama nang dahil sayo!'
Sabi nito na kaiba ang boses kanina.
Sa ganoong lagay ay dahan dahang lumayo si rico sa kaniya.Balak niyang kuhanin ang baril na nasa sahig sa kalayuan.
'Argh!tigilan mo na ko!!nabibingi ako!Tama na cedric!!'
Napasabunot siya sa buhok ng sandaling iyon habang hawak ang patalim na siyang ginamit kay rico.
Sinamantala naman ni rico ang oras na iyon at pagtutok niya kay cedric.
Balak niyang patamaan ang braso nitong may hawak na patalim.Subalit huli na ng sumambulat sa harapan nito ang kaniyang kapatid.
'Chris..'
(D A N I L O )
Kahit paika ika ay mabilis kong tinungo ang kanilang kinaroroonan.
Ang kapatid ko!
Napansin ko agad ang kaniyang hawak na bata.Dahil iyon sa kaniyang bestidang suot.Binili ko sa kaniya iyon ng kaarawan niya at paborito niya itong suotin dahil daw sa akin itong bigay sa kaniya.
'Galaxy,'napalingon sa akin ito kaagad saka mabilis na inabot ang aking katawan.Siya naman nitong kuha ko kay mikee.
'Kuya!saan ka ba galing!uwi na tayo nakakatakot dito!ang ingay ng mga paputok!'siya nitong sabi.
'Oo,galaxy uuwi na tayo.'Labis ang aking tuwa ng oras na yon.Makitang ligtas ang aking kapatid ay laking pasalamat ko na sa diyos.
'Si rico?narito ba siya?nasa labas ba siya?'sunod sunod na tanong ni mikee.
'Nauna siyang pumasok dito mikee.'
'Ano?!saan siya pumunta!'alalang tanong nito sa akin.Akmang aalis siya ng pigilan ko ito.Delikado kung susunod pa siya.Inabot ko si galaxy sa kaniya.
'Ilabas mo na ang kapatid ko.Ako ng bahala mikee.Kabisado ko naman itong gusali.Tiyak na mas ikapapahamak mo kung susunod ka pa.'tumanggi siya sa aking nais.Subalit naputol ang aming pag uusap ng may nakita akong tao sa kalayuan.Nakatutok ang baril sa amin.
Sa sandaling iyon ay hindi ako nag atubili.
Kasunod nito ang mainit na pagtagos sa aking kalamnan ng maliit na bagay.
At siyang pagpalahaw ng iyak ng aking kapatid.
Itutuloy...
>C.G

BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...