( M I K E E )
(Cellphone Ringing...)
Kaagad akong nagpunas ng kamay ng marinig ko ang pagtunog nito.
"H-hello?"sagot ko.
"Bakit ang tagal mong sagutin?!"halata ko na agad ang iritado nitong boses.
"Naghuhugas lang ako ng pinagkainan ko.K-kaya medyo.."hindi ko agad natapos ang sasabihin ko ng galit siyang nagsalita.
"Bakit ikaw ang naghuhugas?!Anong silbi ng mga kasambahay natin diyan sa bahay.Binabayaran ko sila para gawin ang mga bagay na dapat ay trabaho nila!"
"Eh,ric wala naman akong magawa dito sa bahay.Saka ginagawa naman nila ang trabaho nila.Kaya wag ka ng magalit.Saka kakatawag mo lang kanina ah?wala ka bang ginagawa diyan?"Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw madalas niya na naman akong paghigpitan.
Naroon yung pasamahan niya na naman ako ng tauhan niya saan man ako magpunta.Tapos nariyan din yung kada oras na pagtawag niya sa akin.Kung nasaan ako?kung anong ginagawa ko?
Hindi ko alam kung may dapat ba akong ikasaya sa ikinikilos niya.Palagi rin siyang iritado o mabilis magalit.Pasalamat na lamang ako at hindi ako nito napagbubuhatan ng kamay.Minsan kasi umiiral na naman ang pagiging makulit o mapilit ko sa kaniya.
"Hello!nandiyan ka pa ba?!"napapitlag ako sa pagsigaw nito sa kabilang linya.
"O-Oo."dagling sagot ko.Siguro naiirita na rin ang mga tauhan niya sa opisina kapag nagkataong naiinis ito.
"Wag kang aalis basta basta ng hindi nagpapaalam sa akin.Maliwanag?!"Napa oo na lamang kaagad ako.
Nagpaliwanag siya sa akin noong isang araw kung bakit siya hindi nakauwi.
"Nasa kalagitnaan kami ng meeting noong tangahaling iyon.Nang biglang makaramdam ako ng panlalamig sa katawan.I dunno what happened that time?Kaya naisipan kong ipagpaliban ang meeting namin na iyon.Nang tumungo ako sa kwarto ko parang..bumabagal ang takbo ng utak ko.Napansin ko ang pagpapawis ng katawan ko.Parang yung pakiramdam na nakakulong muli ako sa apat na sulok ng silid na iyon.Na kahit wala man kagamit gamit ay nasasakal ako sa malawak na espasyo nito.Parang nawawala ako sa ulirat ng oras na iyon.Yung mga ingay sa labas ng opisina ko parang..parang tumutusok sa utak na siyang nagpapagulo ng tuluyan..hindi ko alam ang gagawin ko mike..Noong oras na iyon halos manginig na ang aking daliri sa kamay matawagan lang ang sekretarya ko sa telepono para humingi ng tulong.Pero hindi ko nagawa dahil sa tindi ng panghihina ko.Halos gumapang ako palabas ng opisina ko para humingi ng tulong.Mabuti at may dumating na siyang tumulong sa akin."halos maawa ako sa kaniyang salaysay.Ramdam ko ang pagngatog ng katawan nito sa mga inaalala niyang pangyayari ng oras na iyon.
"Mabuti dumating si Chris."Pahabol nito.
"Chris?"
"Yeah si christian.Siya yung tumulong sa akin.Dinala niya ako sa malapit na clinic at doon ako nakatulog kaya hindi ako nakauwi ka agad."
"Ganoon ba,patawad kung wala ako sa tabi mo noong mga oras na iyon."Hinaplos niya ang mukha ko ng sandaling iyon.
"Ayos lang,Sorry kung pinag alala man kita sa hindi ko pag uwi."Saka niya ako mabilis na ginawaran ng halik.
"Ric?"
"Hmm."
"Sino si Christian?Matagal mo na ba siyang kaibigan?"
Nakatitig lang siya sa aking mga mata ng tanungin ko iyon sa kaniya.
"Oo kaibigan ko siya.Matagal na."sagot nito.Ako naman ay nakatitig lang sa pagbuka ng labi niya habang hinihintay ang sagot nito.
"Ahh..bakit hindi mo naman nababanggit ito sa akin?"
"Hindi ko naman kasi alam na muli kaming magkikita matapos ang matagal na panahon niyang pag alis ng bansa."napatango na lamang ako sa sinabi niya.Dagdag niya pa ay ipakikilala niya raw ito sa akin.
Nang makalabas ako ng bahay para tumungo sa likod bahay ay nakita kong hirap na hirap sa pagbubuhat ng trash bag si sonya.
"Oh!itatapon mo ba iyan?"kaagad kong tanong.
"Oo ser,"halata ko sa boses na mabigat ang dalahin nito para mahirapan siya ng husto.
"Ako na diyan."kinuha ko ito mula sa kamay niya.Ayaw niya pa sanang ibigay kung hindi ako mapilit.
"Ser kami na magtatapon niyan."salubong ng dalawang guwardiya.Ang sabi ko ay ako na lamang.Naiintindihan naman ako ng mga ito.Alam kasi nilang nababagot rin ako sa pananatili lamang sa bahay.
Nang maitapon ko ang basura sa tabi ng trash can ay pabalik na ako sa gate ng may mapansin ako.
Madalas kong matanaw ang estrangherong iyon sa kalapit na sasakyan sa tapat ng abandonadong bahay.
Hindi ko alam kung taga rito siya o bumibisita lamang.Wala namang nauulat na nakawan kaya wala naman sigurong masama sa pagtambay niya roon.
(A/N:Sa tingin niyo anong nangyari kay rico?Bakit ganoon ang peg nito?aheher!Ang gulo ng drafts ko pyamis sakit se bengs!Kalat kalat ang mga eksena.Mahirap pa lang maging manunulat.Balik na lang kaya ako sa pagpipinta?
JOKE!)
VOTE and COMMENTS!
-C.G
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...