( M I K E E )
Nagising ako sa panaghoy ng isang maliit na tinig.
Pagkamulat nang aking mga mata ay siyang sumalubong ang isang batang nakatali ang mga kamay.
Walang ibang tao kung hindi kami lamang sa loob ng silid.
Isang batang babae.
Nakabistida ito at may kaiklian ang buhok.
Anong ginagawa niya rito?Sino siya?
Mga katanungan sa aking isip habang pinagmamasdan ang batang sumisigok sa pag iyak.
Matapos kong kausapin si cedric ay siya nitong suntok sa aking panga dahilan para mahilo ako hanggang sa mawala ng malay.
'B-bata!'siyang tawag ko.Dahan dahan akong umisog sa aking kinauupuan para malapitan siya.Tumingin sa akin ang kaniyang mga matang basa ng luha.
May takot sa mga ito.
'Bakit ka nandito?'siyang tanong ko.
'Gusto ko nang umuwi.Kuya!kuya!ayoko dito!kuya ko!'siyang pagpalahaw nito sa iyak.Mabuti na lang at nakaupo lang kami sa sahig.
'Sssh..tahan na,makakauwi ka rin.'pagpapatahan ko na hinahaplos ng aking kamay na nakatali rin ang kaniyang buhok.
Napatahan ko rin siya kalaunan.
'T-talaga po kuya uuwi na po ako?susunduin na po ba ako ng kuya ko?'mga tanong niya na ikinatango ko na lamang kahit walang kasiguraduhan.
'Hmm,bakit ka pala nandito at anong pangalan mo?'
'Ako po si galaxy.Nasa bahay po ako ng kaibigan ni kuya ng may pumasok pong mga bad guy.Tapos po..tapos po binugbog nila yung kaibigan ni kuya at kinuha ako.'sumbong nito at halata ang takaot sa mga inaalalang pangyayari.
Palagay ko may kinalaman ang kuya niya kay cedric.Pero sino nga ba ang kuya nito.
'Nasaan ang kuya mo?'
'Iniwan niya po ako para hindi ako makuha ng bad guy.Pero nakuha pa rin nila ako.Asan na ba kasi si kuya?!lagi niya na lang akong iniiwan!Ayoko na nang mga pasalubong niya!Gusto ko na lang siyang nasa tabi ko palagi.'inihilig ko ang ulo niya sa akin ng mapansin ang lungkot sa kaniyang pagkukwento.
'Ano ba ang pangalan ng kuya mo?'
'Si kuya dan po.Sabi niya sa akin babalik din po siya para sunduin ako.Tapos sasakay kami ng barko pagkauwi niya.'sabi niya.Dan?Hindi kaya si...
Natigilan kami pareho ng mapatingin sa pagbukas ng pinto.
'Gising na pala kayo.Kamusta na mikee,alam mo ba na ang batang yan at ikaw ay nasa iisang posisyon lang.Pareho kayong pamalit sa mga taong nais kong pahirapan.'siyang ngising aso nitong humarap sa amin.
'Isa kang demonyo!pati ang mga inosenteng gaya niya dinadamay mo!'asik ko na siyang sinalubong nang kaniyang palad ang aking mukha.
Gigil na gigil ang hawak niya sa aking panga.
'Alam mo bang nang dahil sa akin,buhay pa yang batang yan!dinugtungan ng salapi ko ang buhay niya.Kung hindi lang sana naging hudas ang kapatid niya sa pagtatraydor sa akin.Wala sana siya sa kalagayan niyang yan!'saka marahas na binitawan ang mukha ko.
Sumiksik sa akin ang musmos.
'Ipanalangin mo na makuha ka ng buo ng asawa mo.Mikee.Sa ngayon kasi may mga tumatakbong bagay ang nais gawin ng utak ko para patayin ka.'napalunok ako ng laway sa kaniyang mga sinasabi.
'Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito cedric!-'
'Hindi ako si cedric!ako si christian!ako ang mahal nina mama at papa!Si cedric ay walang kwenta!siya ang dahilan kung bakit namatay si mama!'napatingin ako sa kaniya.Gulong gulo ang pag iisip sa kaniyang mga sinabi.
Anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya?!Bakit niya sinasabing hindi siya si cedric?
'Naiintindihan mo!hindi ako si cedric,ako si christian!ako si christian na mahal na mahal nila mama at papa!hindi ako yung pumatay kay mama!si cedric yun siya yun!hahaha..akala nila buhay pa si cedric pinatay ko na yun at hinulog ko pa sa gitna nang dagat.'siyang saad nito.
Natigil siya sa sinasabi ng may kumatok sa pinto.
'Boss,may nakakitang tao natin sa mga pulis na paparating galing bayan.'
'Sige ihanda niyo na ang lahat ng armas at siguraduhing lahat ng tangkang papasok ay mamatay.'siyang utos nito na sinunod ng tauhan niya.
'Mukhang kailangan muna ninyong magtago.Dahil ang pusa ay makikipaglaro sa mga bibwit na daga.Wag kang mag alala mikee.Parehas kayong malalagutan ng hininga ng asawa mo.Ipapasabi ko sa kaniya ang ganda ng tanawin ng kinaroroonan mo.'
Humahalakhak siyang lumabas ng silid.Nababaliw na siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/86945971-288-k959856.jpg)
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
Fiksi UmumMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...