TMH:2

23.7K 714 67
                                    

(M I K E E)

"Let me in Mikee"

Bulong nito.Hindi ko maiwasan makaramdam ng kilobot sa aking balahibo.Lumala pa ito sa pagpisil pisil sa aking bahagi ng katawan.

"Wa-wag rico.."pagpigil ko.Subalit tila hindi niya iyon pinansin.Ang kaninang marahang paglapat ng labi nito sa aking balat ay naging marahas.Kinakagat kagat niya ang bahagi ng aking balikat.

"Bakit mas masarap ba siyang manrumansa kesa sa akin?"Tila nagtatangis ang galit sa kanyang tinig.

Sipsip at pagkagat ang kaniyang ginagawa sa akin kaya't napapaigik ako sa hapdi nitong turan.

"R-ric..please,"pakiusap ko pa.Nagbabadya ng lumabas ang luha sa aking mga mata.

Padabog ako nitong binitawan at umalis ng kama.Ako man ay hikbi na ang kumawala sa akin ng sandaling iyon.Alam ko na walang dahilan upang ako ay kanyang saktan.Subalit sa isang pagkakamali lang pala ay masisira ang lahat.

Sinubukan ko siyang kausapin sa maraming pagkakataon.Subalit mariin niyang idinudukdok sa akin ang mga paratang na iyon.

Ang paratang na ako ay nagtaksil sa kanya.

Hindi ko lubos maisip,kung paano nangyari iyon.

Nagising na lamang ako na katabi ang isang lalaking hindi ko lubos maalala kung saan at kailan ko siya nakilala.Parehas kaming walang saplot.Doon pumasok sa eksena ang aking asawa.

Hindi ko lubos akalain na magaganap sa akin ang mga napapanood ko lang sa teleserye.Subalit hindi ako ang bidang mangaakusa kung hindi ako ang siyang inaakusa sa bagay na hindi siyang tunay.

Matinding sakit ng ulo ang siyang bumungad sa akin ng ako ay magising.May kalamigan ang hangin na tumatama sa aking balat.Doon ko napagtanto na wala pala akong pangitaas kaya hinila ko ang makapal na kumot na nasa aking ibabang bahagi.Subalit laking gulat ko na tila dumampi ang malamig na hangin sa aking ibaba.Kinapa ko iyon at totoo nga na wala rin akong saplot ni isa.

At mas labis akong nabahala nang may umungol sa aking tabi.Hawak ko ang aking sintidong lumingon sa pinagmumulan niyon.

"Si-sino ka?!"

Napamulat ako ng mata nang maalala ko ang sandaling iyon.Bangungot.Isang masamang panaginip para sa akin ang sandaling iyon.

Medyo napaiglip ako simula kanina.Sinipat ko ang paligid ng aking paningin.At gayun pa din,nagaagaw ang dilim at liwanag sa silid na ito.Babangon na sana ako ng maamoy ko ang usok ng sigarilyo.Nakaligtas pala sa nanlalabo kong paningin ang pigurang iyon.Kadaliman man ng bahagi ng silid ang kanyang kinaroroonan ay alam kong siya iyon.

Marami rami na rin ang laman ng ashtray nito.Mukhang kanina niya pa sinusunog ang kaniyang baga.Hindi ko tuloy alam kung babangon ako sa aking kinahihigaan o hindi.

Pinatay niya ang huling upos ng sigarilyo.At saka tumayo mula sa kinauupuan.Dahan dahan siyang lumakad.Mula sa kadiliman ay unti unti siyang lumilinaw sa aking paningin.Nakasuot pala siya ng puting roba.

Lantad ang kaniyang kahubugang bahagi ng katawan.Napalunok ako ng laway.Tila nakakadarang din ang kaniyang pagtitig sa akin.Napaiwas tingin na lamang ako.

Ayokong salubungin ang tingin nito dahil nadadala ako nito.

Lumapit siya sa akin at umupo sa bandang paanan ko.Pasimpleng nakaupo lamang ito habang akin naman siyang pinakikiramdaman.

"Mahal kita mikee,alam mo ba yon?"gusto kong tumitig sa kanyang mga mata habang tinatanong niya iyon.

Oo ang gusto kong isambit sa kaniya.Subalit hindi kaya ng kabado kong dila.Dahan dahan siyang umusod papalapit sa akin.Nang husto na ay saka niya ipinaling ang mukha ko sa harap niya.

Hawak niya ang aking pisngi.Subalit ang mga mata ko ay nanatiling nasa parang.Hindi ko gustong sakyan ang nais niyang iparating sa akin.Pinasadahan ng daliri niya ang aking labi.Namumutawi ang tuyong sugat ko roon.Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay.

"Sagutin mo ako,mikee."tanong nito muli.

"O-oo..alam ko."tila natupi na ang aking dila matapos iyon.

"Mahal kita kaya nagagawa ko ang mga ganitong bagay sayo,ayaw kitang saktan subalit ang akin ay akin ayoko ng kahati lalong lalo na sa iyo.."habang sinasabi niya iyon ay dahan dahang dumadampi ang kaniyang labi sa aking leeg pataas sa aking labi.

"I-ikaw lang rico.."saad ko na halos ikapatid ng aking paghinga dahil sa paghalik halik nito.

"Then show me.."matapos niyon ay sinalubong niya ang aking labi.Ang kaninang marahan ay naging marahas at lumalalim na paghalik sa akin.Tumitirik na ang aking mata sa halik na iyon.Subalit naiktad ako ng maramdaman ko ang pagkagat at sipsip nito sa aking kawawang labi.

Nalalasahan ko na ang aking dugo mula sa sugat ng aking labi."Ughmmph.."napapaungol na ako sa dulot niyon.

Tiniis ko ang ginawa niyang paglamukos sa aking leeg at balikat.Panibagong marka.Hindi pa tuloyang magaling ang iba subalit nadadagdagan na naman muli.

Nakapatong na siya sa akin kaya hirap ako sa bigat at puwersang kaniyang ginagawa.Ayoko man pero gusto kong patunayan na mahal ko siya.

Votes and Comments;-)

-c.g

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon