( M I K E E )
"CRIS?'ang pagbasa ko sa screen ng cp ni ric.At anong sabi niya.Love?
Sinagot ko muli ang tawag nito.
"Ah-e..h-hel"
"MIKE!"napalingon ako sa pinto.At doon ko nakitang titig na titig sa akin si ric.
Mabilis na lumapit sa akin ito.Hinablot ang gamit niya mula sa kamay ko.
"SINONG MAY SABING PAKIALAMAN MO TO!!"bulyaw nito.Napatapda ako sa aking kinatatayuan.
Galit.
Hindi..Galit na galit siya.
Kitang kita ko sa mga mata nito ang nagngangalit na pagtitig sa akin.
Nagkukumuyos ang palad ko sa pinapakita niya sa akin.Takot.Takot ako sa sandaling ito.
"SUMAGOT KA!"bulyaw muli nito sa akin.
"W-wala namang masama sa g-ginawa ko..ric!"kabado kong pagtugon sa tanong niya.
"Tss.Umalis ka na lang sa harap ko.Ayokong makipagtalo at baka saan na naman mapunta ito."utos nito,na halatang pinipigilan ang inis nito.
"Ric,mag-usa.."pakikiusap ko pero.
"Are you DEAF!i said LEAVE!"pagputol nito sa aking sinasabi.
Mabigat ang loob ko sa pag-alis aming sa silid.
Nang makalabas ay kaagad nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa aking pisngi.
Impit na hikbi ang siyang aking ginawa.
Bakit ganito?
Tila wala na akong nagawang maganda sa kaniyang paningin.
Para saan pa ang pagsasama namin?kung ganito ng ganito niya ako tratuhin.
Ayos lang sa akin ang saktan niya ako sa pagseselos niya.
Pero ngayon?para bang ang layo layo nito sa akin.
Kung tungkol ito sa nakaraan,akala ko tapos na para sa kaniya ang issue.
At napatawad na niya ako.Kahit masakit sa akin na hindi ko naman talaga iyon ginawa sa kaniya.
Alam ng maykapal kung gaano ko siya kamahal,na sobra ang pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko.
Yung buhay kong simula pa lang ay may kulang na.Pero ng dumating siya.Tila napuno ito ng kasiyahan.Na may magmamahal pala sa akin.Sa isang tulad ko.At nagawa niya pang pakasalan ako.
Akala ko hanggang sa panaginip o pangarap lang na imposibleng mangyari.Sa kagaya kong alanganin.
Sandali pa ay napagpasyahan kong lumabas at tumambay sa hardin sa harap.
Pinakalma ko ang sarili ko.
Wala sa sarili kong naalala ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...