( M I K E E )
'Baka naman magalit si rico?johann.'nagpilit kasi itong mamasyal kami.Namiss niya na raw kasi ang magbar dito sa pinas.Baka raw makakita pa siya ng mga babaeng malalandi niya.Playboy talaga ang isang ito.Tsk.tsk.tsk.
'Edi puntahan natin siya sa opisina nang maisama na rin natin siya.'Payo pa nito.Hindi ko alam kung makakapayag ako.Baka naman kasi gulo na naman ito.
'Wag na lang siguro.Kung gusto mo ay ikaw na lang hatid ka na lang namin sa gusto mong punatahan.'
'Ano ako bata?!Mikee naman!'protesta nito.
'Ang kj mo naman,if i know doon lang din naman kayo nagkakakilala ni kuya.Mag unwind din kayong mag asawa hindi yung lagi kang binuburo ni kuya dito sa loob ng pugad niya.Tara na nga mag ayos ka na!Ako na bahala kay kuya.'napapailing na lamang ako rito.Tila bata akong sinersermunan.Wala naman na akong magawa kung hindi pagbigyan siya.Pero kailangan kong mag ingat gayong ayokong makakita ng butas para sa pagkakamali ko dahilan para magalit si rico sa akin.
Nag ayos ako ng mga damit na masusuot.Saktong nakita ko ng isang tee shirt na binili namin ni rico noong nagbakasyon kami.Tinernuhan ko na lamang ng maong na medyo kupas ang disenyo nito.
Matapos akong makapagbihis ay kaagad na akong dumiretsyo sa sala.Nauna pang matapos sa akin si johann na halatang excited sa pupuntahan.
Nakangisi itong lumapit sa akin.
'Kita mo nga naman,ang cute mo talaga!No wonder na nainlove sayo si kuya.'Kinuha nito ang aking kamay at gulat kong maramdaman ng may tila isinusuot ito sa akin.
'Naku,johann hindi ko na kailangan iyan.'isang mamahaling relo ang siyang aking nakita.
'Pasalubong ko talaga sayo yan.Kapatid na rin ang turing ko sayo mikee.Saka gusto kong magpasalamat sa pag unawa sa kapatid ko.Pasensya na talaga kung nagawang maglihim nito sayo.'
May puntong nainis ako ng malaman iyon pero ang magalit ay hindi dahil mas uunahin kong pakinggan ang paliwanag niya kesa ang damdamin ko.
'Ayos lang,naiintindihan ko naman iyon saka maraming salamat dito.Nag abala ka pa.'
'Ikaw pa.Pero mas gwapo ako sayo.'mayabang nitong sabi na ikinanguso ko naman.
Mag didilim na bago kami nakarating sa kumpanya.Natatrapik kami ng mga sandaling iyon.Papalabas pa lamang kami ng kotse ng mapansing dumaan sa harap namin ang sasakyan ni rico.
'Oh!ang aga naman lumabas ni kuya?'Takhang tanong ni johann.
'Tara sundan natin saan pupunta yon.Baka maabutan pa natin.'aniya.
Tinahak namin ang daanang dinadaanan ni rico.Medyo nakakapagtaka ngunit hindi ito daan papunta sa bahay.
Isang Grant Bar ang siyang hinintuan nito.'Oh magba bar din pala si kuya?Hindi man lang nag aya!'reklamo ng katabi ko habang naghahanap ng mapaparkingan.
Matagal bago pa kami makakita ng libreng pwesto lahat kasi ay okupado na.
Pagpasok namin sa bar hinanap agad namin si rico.Magulo at maingay sa paligid.Naglakad pa kami sa paligid nito hanggang sa tila may pinagkakaguluhan ang mga ilan dito.Si johann naman ay nakiusisa din.
'Dito ka lang.May susundan lang ako.'pinigilan ko ito pero nagmadaling umalis.Nagmadali akong sundan ito.
Lumabas ito ng bar habang may kung sino itong sinusundan.
Sa isang kalapit na paradahan ng mga sasakyan ito napahinto.Lalapit na sana ako sa kaniya ng makarinig ako ng tila nag aaway sa kung saan.
Napatigil si johann sa paglakad at tila may kung anong tinitignan.
Sinundan ko ng tingin ang gawi kung saan siya nakatingin.
Duon sa dalawang tao.
'No your not!alam naman nating ginagamit mo lang siya para lang pagtakpan ang lahat ng nakaraan sa atin,ric!'Ipinangko siya nito sa sasakyan.
'Hindi totoo yan!Dahil ang totoo mahal mo pa rin ako!Hindi ba at nagawa mo pang tugunin ang halik ko sayo?!Kaya sabihin mong mahal mo pa rin ako!'
Tilala unti unting nanikip ang aking dibdib sa aking nasaksihan.
Magkadikit ang kanilang mga labi sa isa't isa.
'Kuya!'
Tila naestatwa siya sa kaniyang nakita ng kami ay lingunin.
Hindi matanggap ng aking utak ang siyang aking nakikita.Pero ang mga mata ko ay tila alam na ang mga kasagutan.
Relasyon,tama naman ako ng dinig hindi ba?Nagkaroon sila nang relasyon nang wala akong kaalam alam.
Sabagay,anong alam ng mang mang na gaya ko sa kaniya.
Sa gaya kong bulag sa pagmamahal sa kaniya.
Impit kong pinigil ang aking sarili.
Nakita ko sa kaniyang mga mata ang isang emosyon.
Awa.
Naawa siya taong dapat na matagal na sana niyang hihiwalayan.Pero bakit kailangan niya pa akong ikulong sa bagay na malabo.Ang pagmamahal niyang nakakasakit at nakakasakal.
Pagmamahal nga ba?
O isang huwad nga lang ba?Mabilis kong iniwan ang lugar na puno ng katanungan at kasawian.
Tumakbo.Ito lang ang ginawa ko.Masumpungan lamang ang sakit na sa puso ko.
Hindi ko alam kung saang direksyon ako patungo.Basta ang alam ko lang ay makalayo.
Napatigil lamang ako ng mabangga ako ng kung sino.Dahilan para mapaupo ako sa impact na dulot nito.
Masakit ang aking pang upo ngunit hindi matutumbasan nito ang pait ng aking kalooban.
May kamay na siyang nais umalalay sa akin.
At wala sa loob kong tinangala ang taong iyon.
Isang may katangakaran na lalaki.Malaki ang pangangatawan.Kahit sa liwanag ng mga establisimento ay mailalarawan ang kakisigan nito.Ngunit hindi ito ang siyang labis na nakapukaw sa akin.
'Ikaw..'
Tila sinasakal ang hangin na dapat lumabas sa aking lalamunan.
Iba man ang kaniyang postura ngunit ang wangis nila ay iisa.
A/N:Guys the who ang last character?
>C.G
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...