T M H : 4 2

8.6K 305 77
                                    

Salamat sa pagtangkilik nitong kwento.Para sa isang gaya kong baguhan.

( R I C O )

'Nasaan siya johann!!'aligagang sigaw sa kaharap ko.Matapos ang tagpong iyon ay kaagad akong sumunod kung saan siya nagtungo.

Pero sa kasamaang palad ay mabilis itong naglaho.Tila nahihibang kong isinisigaw ang kaniyang pangalan sa kahabaan ng kalye.

Napigil lang ako ng kapatid ko at inayang umuwi na.Baka sakali raw na umuwi ito sa bahay.

Walang imikan kami nito ng maka uwi.Kaagad naman akong pumasok sa loob ng aming tahanan.

'Mike!'

Kaagad kong sigaw mula sa sala.

Walang tugon.

'Mike!'

Matapos kong pumanhik papunta sa silid.

Walang bakas niya roon.

Sinuyod ko ang buong kabahayan ngunit wala.

Walang mikee akong nakita.

'Wala siya johann.'napasabunot ako sa aking buhok.

'Kuya,kailan pa kayo nagkikita nung ex mo?Ano kuya?Ganoon na lang ba,matapos ka niyang iwan.Babalik siya na parang wala lang!'Galit nitong turan.

'Look,wala akong balak makipag balikan sa kaniya.Hindi ko iiwan na lang ng ganoon ang asawa ko.Nagagawa ko man siyang saktan ng pisikal.Pero hindi ganito.Hindi sa ganoong gagawin ko ang ginawa ni chris sa akin-'

'Sa tingin mo?! hindi lalayo si mikee sa mga nakita at narinig niya?Kuya magkakaiba ang pagmamahal ng tao.Hindi ko man alam na ganoon kung magmahal sayo ang asawa mo.Yung sinasaktan mo na dahil sa kasinungalingan mo tapos maririnig ko sayong pinagbubuhatan mo ng kamay ang tatanga tanga taong nagmamahal sayo ng totoo at labis labis.Sabihin mo nang masokista si mikee pero nagawa niyang paghilumin ang madilim mong ikaw.'napayuko ako sa mga sinabi niya.

Napipi sa mga katotohanang ipinunto nito.Ganito na ba ako kasakim para sa kaniya?Ayoko lang naman ang maiwan ulit.Ang maramdaman na nag iisa.Pero ngayon mauulit na naman ba?

Hindi.Hindi niya ako iiwan basta basta dahil alam kong mahal niya ako.Mahal na mahal.Babalik siya.Babalik siya dahil nangako siya.

Pero paano kung hindi?Paano kung nagsawa na siya?

God,hindi ko kakayanin.

Ilang araw na akong puyat para lang hanapin siya.Hindi ako makakain man lang dahil sa kakaisip kung nasaan siya.
Pinuntahan ko ang mga lugar na madalas namin puntahan subalit wala.Walang sa mga lugar na iyon.Sa ampunan at sa mga malalapit na kakilala namin.

Pero sumagi sa isip ko ang isang tao.Isang tao na maaaring lapitan niya.

Si miguel.

Posibleng naroon siya.Alam kong matalik silang magkaibigan subalit nais akong ahasin ng gagong yun.

Hindi ako nagpatumpik tumpik pa at pinuntahan ang bahay nito.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon