( M I K E E )
'Kuyaa!!'
Kaagad niyang nilapitan ang kapatid na bumagsak sa aming harapan matapos ang dalawang putok ng baril.Sa puntong iyon ay siyang dating nang isang pulis at siya nitong pagpapaulan ng baril sa nagpaputok sa amin.
'Danilo!'inangat ko ang bahagi ng ulunan nito at siyang aking inilapat sa aking mga hita.
Nakita ko ang pag agos ng dugo sa kaniyang dibdib.
Tila ibayong dagungdong ng aking dibdib nang makita ang paglabas ng dugo sa kaniyang bibig.
'Kuya..'yakap niya ang braso ng nakakatandang kapatid habang umaagos ang mumunting luha mula sa kaniyang mata.
'Tulungan niyo kami!!'siyang saklolo ko.Pero tila lahat abala sa pagpapalitan ng putok.Nanginginig na pinunasan ko ang dugong umaagos mula sa kaniyang bibig.'Danilo kumapit ka lang.Dadalhin ka namin sa ospital.'siyang pakiusap ko.
'Kuya..pupunta tayo ng ospital gagamutin nila yung sugat mo kagaya sa akin.Gagaling ka diba?'siya nitong paghangos sa iyak.
Hinawakan niya ang aking kamay na binabalot nang dugo mula sa kaniya.
'M-mikee..Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko.'garalgal na sabi niya.
'Pinapatawad na kita danilo.Lumaban ka danilo,sandali lang tatawag ako ng tulong-'
'Mikee..alam kong mabuti kang tao.At alam kong matatanggap mo siya kung sakali.'pagtukoy niya sa kapatid niya.
'I-ikaw nang bahala sa kaniya..Mabait siyang bata.Mahalin niyo sana siya.Mangako ka mikee.Mangako ka na inyo siyang pakikiingatan at mamahalin.'hirap na sabi at hindi maiwasan mapabuga ng dugo.
'Nangangako ako.Danilo.Mangako ka rin na lalaban ka.Madadala ka pa namin sa ospital.'siyang pagsusumamo ko.
Masakit sa loob kong makita ang isang taong nagsasakripisyo para lang sa kaniyang minamahal.
'Galaxy,aalis lang si kuya..Pero hindi ibig sabihin hindi na ako babalik.Lagi..lagi akong nasa tabi mo.Mahal na mahal kita.Patawad kung maiiwan ka rin ni kuya.Patawarin mo si kuya.'hindi makaimik ang paslit bagkus lumuluhang pinagmamasdan si danilo.
Hindi nakaligtas sa akin ang mapaluha sa tagpong ito.
'Mangako ka mikee..Kayo nang b-bahala sa-'hindi na nito naituloy ang nais sabihin ng bumitaw na sa akin ang kaniyang kamay.
'Danilo?!danilo..'idinikit ko ang palad sa kaniyang mga dilat na mata.
Pangako.
( R I C O )
Nakita ko ang pagtama ng bala nang baril sa kaniyang tagiliran.
'Huwag!rico..huwag mong patayin si cedric.'hirap siyang humarap sa kakambal na ngayon ay tulala sa nikikita.
'Christian?'siya saad ni cedric na tila nababakasan ang pagkabigla sa taong kaharap.'Ako nga,cedric.'
'Hindi ba patay ka na?hindi ba?hindi ba?'unti unti kong nakikita ang pagkalito sa kaniyang mukha.Tila wala na siya sa katinuan.
Doon nakita ko ang marahang pagpasok ng kapulisan.
'Hindi.Hindi ako patay cedric.Buhay ako.Tama na cedric!Tama na.'siya nitong kabig sa kapatid.
Napagmasdan ko ang unti unting pagbabago muli ng emosyon sa kaniyang mukha.
Gumuguhit ang ngising malademonyo sa kaniyang labi.
'Hahaha..kung ganon ihahatid kita sa kamatayan mo.Kasama sila,walang makakaligtas.'
'Chris!!'
Kasunod nito ang mabilis na pagtarak sa likod ni christian ng kutsilyong siyang ginamit din sa akin.
Mabilis niyang itinulak ito ngunit siyang dukot sa kaniyang bulsa ng isang bagay.
Isang remote.
'Lahat kayo sama samang mamatay!'siyang pindot nito at kasunod ang pagsabog ng ilang bahagi ng gusali.
Pinaputukan ng mga pulis ang katawan ni cedric.Humandusay ito kalapit kay christian na kahit nagtamo ng saksak ay siyang nitong pagyakap sa kapatid.
Madali akong tinulungan ng mga pulis na akayin papaalis.Sa ganoong tagpo ko nakitang humahangos sa pagluha ito para sa kapatid.
Kaagad kaming nagmadali dahil sa unti unting pagkalat ng apoy.Tiyaka nabagabag ang aking isip sa aking asawa
'Teka sandali lang po.Hahanapin ko ang asawa ko.'hindi sinang ayunan ng pulis na kami ay magpatuloy sa paghahanap.Mabili ang pagkalat ng nagngangalit na apoy.
Hindi ko ako makaalma dahil hawak ako ng mga ito.At idagdag pa ang labis kong panghihina.
Nang makalabas kami ay kasabay ring inilalabas ang mga bangkay mula sa loob ng gusali.
Nanlumo akong nakita ang isang taong ipapatong na ang puting tela sa kaniyang mukha.Tanda na ito ay patay na.
Marami raming patay ang nakuha sa loob habang patuloy na inaapula ang sunog.'Sir pakiusap hanapin niyo ang asawa ko!'siyang pakiusap ko sa dumaang hepe sa harapan ko habang inaalalayan ako papasok ng ambulansya.
'Gagawin namin ang lahat sir.Sumama na po kayo sa medic.'labag sa loob kong humiga sa strecher habang pinagmamasdan ang gusaling nilalamon na ng apoy.
Tinurukan ako ng kung ano dahilan para unti unti akong hilahin ng kadiliman.
'Mike..'
Nagising akong mabigat ang mga talukap ng mga mata.Pati katawan.Unti unti kong inaalala ang lahat kung bakit ako narito.
Akmang tatayo ako nang maramdaman sa aking kamay ang pag ihip ng hangin mula sa isang tao.
Sinuyod ng aking mata ang kaniyang maamong mukha habang nahihimbing sa tulog.Nanaginip ba ako?!
Akmang hahawakan ko ang kaniyang mukha ng makarinig ako ng maliit na boses.
'Good morning po.'napatingin ako sa batang babaeng nakaupo sa kalapit na sofa.Hawak niya ang isang teddy bear.
Sa tagpong iyon bumangon sa pagkakahiga ang taong sabik kong masilayan.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...