( R I C O )
Napatigil ako sa pagtitipa ng keyboard ng mapansin ang pag ilaw ng cellphone sa tabi ko.
Let's hang out ric.-Chris
Hindi ko alam pero mabilis akong pumayag sa kaniyang paanyaya.
Ilang araw na rin niya ako niyayang lumabas pero hindi ako makahulma sa imbitasyon nito gawa ni mikee.
Pinalayas ko kasi ang mga kasambahay at saka nagpalit ng mga bagong guwardiya.Ayoko naman maiwan ito dahil baka takasan ako nito.
Kahit anong pagmamakaawa niya sa akin ay hindi ko siya pinagbigyan bagkus ay napagbuhatan ko na naman ito ng kamay dahil sa katigasan ng ulo niya.
Kung hindi lang dumating si johann wala talaga akong balak siyang pakawalan pa sa aming silid.Baka kasi mamaya pag nalaman ni johann ito ay magsumbong ito kina daddy at alam kong de oras ay uuwi ang mga iyon.
Nagdagdag na lamang ako ng mga babantay sa bahay para mabantayan mabuti si mikee.Papadagdag din ako ng mga cctv kung kinakailangan.
Natapos ko ang mga ginagawa ko at saka nagligpit ng case.
Coming.'
Nagreply siya at sinabi kung saan kami magkikita.
Nakarating agad ako sa nasabi nitong lugar.Sa isang bar kami nagkita.Nakita ko itong hawak ang isang kopita ng alak.
'Ang aga mo naman atang uminom?'siyang bungad ko ng maka upo sa katabi niyang stool chair.
'Kakaumpisa lang.How's life?akala ko iniiwasan mo na ako eh.'usal nito.
'Nope,busy lang talaga ako.Ikaw kamusta na?'
Inubos niya muna ang kaniyang inuming alak saka ng hingi pa ulit sa bartender.
'I tried act like the old one rico.Mahirap pero ito kinakaya.Kung sana ay..kung sana ay hindi ko ginawang iwan ka noon.It's too late ng mapagtanto ko lahat ric.Im sorry.'malungkot nitong sabi habang nakatungo sa baso ng alak na nasa kaniyang harapan.
Tahimik.
'Alam ko ang nararamdaman mo chris.Noong una,galit na galit ako dahil sa ginawa mo.Nagawa mong itapon ang lahat ng meron tayo ng ganoong kadali.Nagawa kong maghintay sayo kahit malabong magbalik ka.Yung pag asang iyon ay nilamon ng poot at galit.Hanggang sa nagawa kong gumawa ng mga maling desisyon dahil sa pag iwan mo sa akin.Lahat iyon ay napuno sa aking dibdib at hindi kinaya ng aking isip ang mga alaalang iniwan mo sa akin.And it turned to be doom by then.Nawala ako sa sarili.'pag amin ko.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kamay.
'Im so sorry..pero alam kong hindi sapat iyon.Huli na rico para sa atin.Kasi hindi ko magagawang palitan ang taong nandyan na sa puso mo ngayon.Pero sa maniwala ka at sa hindi..i still loving you.'
Then,i heard a sob from him.No we cant.I have mikee and a life with him.
'Chris.Alam mo naman na hindi tama ito.Kasal kami ni mikee.At alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ako nito.Wag mong gawin ang bagay na makakapagpasira pa ng pagkakaibigan natin.Im sorry sa nagawa ko noong nakaraang gabi.Tinanggap ko ang mga pagkakamali mo noong nagawa mo sa akin.Pero sana tanggapin mo rin sarili na everybody needs a better way to moving on sa mga bagay na hindi na maari pang balikan pa.'
Yeah,nakita ko sa mga mata niya ang mga sakit at hirap na napagdaanan niya ng dahil sa akin.At dapat sana ay pagmamahal ang siyang ibinibigay ko sa kaniya.Minsan talaga makikita mo ang halaga ng isang tao kapag ito ay wala na sa iyong tabi.At ayokong mangyari iyon sa amin ni mikee.
Sa mga panahong nag aalinlangan pa ako sa bagong relasyon matapos ang pagkasawi ko.Hindi ko magawang namnamin ang mga bagay na iyon kay mikee.
'Rico please..alam mo ba ang guilt na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba.Paulit ulit akong nasasaktan sa katangahan kong ginawa noon sayo.Mahal na mahal pa rin kita rico.Akala ko noon na kapag lumayo ako sayo ay may babalikan pa ako sakali mang magtagumpay ako sa mga hangarin ko sa buhay.Pero hindi pala.Ikaw ang naging kapalit ng pag angat ko sa buhay.Ang pagkawala mo.Patawarin mo ako rico!'
Yumakap siya sa akin.Doon napatingin ako sa aming paligid.Tila takaw eksena na ang kaganapan sa pagitan namin.
Rinig ko pa ang kaniyang paghikbi habang inaalalayan ko siyang lumabas sa bar.
'Lasing ka na-'mabilis siyang lumayo sa akin.'NO!sabihin mong mahal mo pa ako rico!Nagmamakaawa ako sayo..Bumalik ka na sa akin ric.'pagsusumamo niya.
'Chris wag mong pilitin na lumayo ako sayo ng dahil dito..You knew that it is too late about that!Mahal ko si mikee.'
'No your not!alam naman nating ginagamit mo lang siya para lang pagtakpan ang lahat ng nakaraan sa atin,ric!'kaagad ko siyang pinangko sa gilid ng aking kotse.
'Hindi totoo yan!Dahil ang totoo mahal mo pa rin ako!Hindi ba at nagawa mo pang tugunin ang halik ko sayo?!Kaya sabihin mong mahal mo pa rin ako!'Mabilis hinagilap ng mga kamay nito ang aking mukha at segundo lamang ay pinagsugpong ng kaniyang labi ang sa akin.
Maalab.
Marahas.
Halik na tila uhaw ang siyang aking nararamdaman sa kaniya.
'KUYA!!'
Napabitaw ako ng sandaling iyon.
Halos tumigil ang aking mundo ng makita ang kaniyang mga matang nagsisiunahang umalpas ang mga luha.
At doon kagat labi niyang pinipigilan ang mapahagulgol.
Tangkang lalapit ako sa kanila ng mabilis siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan.
>CinnamonGrapes.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...