( M I K E E )
"CL?"ang pagbasa ko sa nakaburda sa maliit na telang ito.
Napaisip ako.Eto yung dalawang initial letter na nabasa ko sa text messege ni rico.
Pero hindi naman ito kulay ng pambabae.Kulay asul na checkered ang disenyon nito.
Dali dali kong itinago sa bulsa ko ang panyong ito.At saka ipinagpatuloy ang gawain.
Maghapon ay hindi naman na ako gaano nabagot sa mga nagdaang oras.
Tumulong din ako sa pagluluto sa hapunan.Ayaw pa nga akong patulungin nila manang at sonya.Pero dahil sa makulit ako.Ayun natapos din ng mabilis ang gawain.
Tila hindi kasi ako sanay sa walang ginagawa.Nasanay kasi akong laging may gustong ginagawa lalo pa noong nagtatrabaho pa ako.
Dahil nakatapos naman na ako ng bokasyonal na kurso ay nakakapasok ako sa mga kilalang kainan sa mga mall.
At ang kinikita ko ay siyang pang tawid ko sa mga gastusin ko sa araw araw.
Sumapit ang gabi at ang hapunan.
Mabuti at maagang dumating si rico.Pero kaagad itong nagbihis at humiga.
"Ric,kain ka muna nagluto kami ng kare-kare..maraming man-"
"I'm full and,I am also tired of the meeting i attended earlier.I want to rest.If you want to eat,then eat."pagputol nito sa aking sinasabi.
"S-sige,mabuting magpahinga ka na pasensya na sa abala.goodnight ."paalam ko at saka naglakad patungo sa pinto.Pero.
"Mike."tawag nito at kaagad akong lumingon sa dako nito.
"Sorry."sabi nito.
Napatungo na lamang ako bilang sagot.
Nang maisara ko ang pinto ay kaagad akong napasandal rito.
Bakit parang kakaiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw.
Laging mainitin ang ulo.Tapos kung umuwi ay minsan maaga,minsan late na rin.Pero mabuti na lang hindi na nito ako napagbubuhatan ng kamay."Uy,ser tara na at kumain!si ser ric hindi ba sasabay?"sabi nito sa bungad ng hagdanan.
Lumapit naman ako kaagad dito.
"Shhh...wag ka ng maingay at baka maistorbo natin ang pagpapahinga niya.Pagod kase eh,tara tayo na lang ang kumain."nakangiti kong sabi.Ayoko naman ipahalata ang pagkadismaya sa hinanda naming pagkain.Napatungo na lang si sonya sa akin.
Alas singko pa lang ay bumangon na ako.Nakakahiya naman na hindi ko na naasikaso si rico sa kanyang pagpasok sa umaga.
Napapadalas na rin kasi ang pasok niya ng maaga.Dati kasi ay 8 na ng umaga ang oras kung ito ay gumising.Pero ngayon 7 palang umaalis na ito.Nakakapagtaka lang.
Nagluto ako ng almusal nito.Tumulong din si manang sa paghahanda ko.Sinangag,pritong itlog,bacon at ang paborito niyang tocino ang aming niluto.
Nang matapos ay bumalik ako sa aming silid upang ihanda ang damit nitong susuotin.Medyo nahirapan pa ako sa necktie na kaniyang gagamitin.Mahina kase ako pagpili pagdating sa mga kaswal na damit.Lalo pa at may mga hinaharap siyang kilalang tao sa trabaho niya.Ayoko siyang mapahiya.
Napansin kong bumangon na siya ng kama ng maghanap ako ng medyas nito.
Binati ko naman siya kaagad at kahit papaano ay may tugon naman akong natanggap.
Dumiretsyo siya sa banyo.At saka naghilamos at nagsipilyo.Pinagmamasdan ko siya sa kaniyang gawi.Tuloy hindi nakaligtas sa aking paningin ang kaniyang kahubugang katawan.
Bakat mula sa sando nito ang may kalamanan at matigasan nitong pangitaas na bahagi ng kaniyang katawan.
Ang mga umbok na bumubuo ng kaniyang tiyan.Sadyang napakasarap lang pagmasdan.
Lalo na ng dumapo ang aking paningin sa kaumbukan nitong pang-upo.
"Mike?..mike?"tila nagulat ako sa pagtawag nito.
"Ah-e..aano nahanap ko na yung medyas mo."aligaga kong sagot.Napa-huh?na lamang ito sa akin.
Nagpunas pa ako ng pawis sa pagtayo ko.
Inayos naman niya ang mga dadalhin niya sa suitcase niya.
"Ah,ric baka gusto mo muna mag-agahan?"pag alok ko.
Napaharap naman siya sa akin at tinitigan sa mata.Kinakabahan ako.
"Okay."sagot nito at saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Dali dali ako sa pagbaba ng hagdan upang ipagtimpla siya ng kape.Halos matapunan ako ng tubig na mainit sa pagmamadali ko.
Nang makababa ito ay siya namang pag-ayos ng kaniyang kakaining umagahan ang aking ginawa.
Tagaktak na rin ang pawis ko.
"Oh!iho,ako narito pawis na pawis ka na."sita ni manang sa akin.
Napatingin naman sa akin si rico.
Nahiya naman ako sa ayos ko.Basa na ako ng pawis.Tagaktak na rin ito sa aking mukha.
"Go up.And fix yourself."utos nito ng makalapit sa lamesa.
Kahit papaano ay napangiti ako ng lihim dahil sa pagtikhim nito sa kape at saka umupo.
Kaagad na rin akong umakyat ng silid upang magpalit ng damit.
Nang makalabas na ako ng banyo ay rinig ko ang ingay ng cp nito sa sidetable niya.
Lumapit ako rito at nakita ko sa screen nito na may tumatawag nga sa kanya.
Walang pagaatubili ko itong sinagot.
Bagamat hindi ko naman talaga alam kung sino ito.
"H-hello?"bungad ko ng sagutin ko iyon.
"Goodmorning love!"ang masaya nitong pag-tugon sa kabilang linya.
Subalit kabaligtaran sa akin na tila huminto sa aking paghinga.Napalunok ng laway.Dahan dahan kong inalis ang bagay na ito sa aking tenga at tinignan kung kanino o sino ito.
....Chris'
Next chap..may mga bagong tauhan na susulpot!(a friend or enemy?)
-c.g
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...