T H M : 13

14.4K 534 39
                                    

(    M     I     K     E    E    )

"Anong oras na,At saan ka nanggaling?"
Kumpronta nito sa akin.Matapos ibaba ang upos ng sigarilyo sa ash tray nito.

Tanging lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag sa aming silid.Seryoso lang itong nakatitig sa akin."Sorry,kung na late ako ng uwi."sagot ko.

Tila nangingibabaw na naman ang kaba ko sa mga oras na ito.Tumungo na lamang ako sa closet namin at saka kumuha ng pamalit na damit.Ramdam ko pa rin ang pagtitig nito sa akin.

Pinilit ko na lamang itong ignorahin.

Saka ako tumungo sa banyo.Napabuntong hininga ako ng maisarado ko ang pinto nito.Tila kay bigat kasi ng presensya niya sa akin.

Matapos kong makapaglinis ng katawan ay lumabas na ako.Akala ko ay maabutan kong nakahiga na siya.Subalit mali pala ako sa aking inaakala.

Naroon pa rin siya.Sa kaniyang kinauupuan.Sinalubong agad ako ng iritasyon niyang ekspresiyon sa kaniyang mukha.Nag iwas tingin na lamang ako sa kaniya.

Hindi na ako nag atubiling kausapin siya.Bakit?alam kong magsisimula na naman ang away sa aming dalawa.

Humiga na lamang ako sa kama.Patagilid akong humiga.Binalot ko ang aking sa sarili ng kumot.Mas nanaisin ko pang magpahinga kesa makipagtalo pa sa kaniya.

Naalala ko ang mga sinabi ni miguel.

"Kung mahal mo ang isang tao,mahalin mo kung ano o sino siya.Maging ang pagkakamali niya,ang pagkukulang niya"

Pero paano ako mapagpapatuloy kung siya mismo hindi ko maramdaman.Haay!Ano ba itong iinisip ko.

Pinakiramdaman ko kung ano ang pagkilos ni ric.Mamaya maya ay tumayo na ito sa silya.Nakarinig ng ilang yabag sa paglakad nito.Tapos sunod nito ang ingay galing sa pinto.

Sigurado akong lumabas iyon at hindi sa banyo nagtungo.Naghintay pa ako ng ilang sandali pa bago ako bumangon sa aking kinahihigaan.

Dahan dahan akong bumaba at sumilip sa ibang bahagi ng hagdan.May liwanag akong natatanaw.Galing iyon sa mini bar ni rico.At naroon rin siya.

Nagbubukas ng alak.Mamahaling alak at paborito niya ang kaniyang napiling inumin.Nang makapag salin ay tumungo ito sa veranda ng bahay.

Hindi niya siguro pansin ang presensiya ko.Walang pag aatubiling sinundan ko muli ito.

Hindi ako lumabas bagkus pinagmasdan ko lamang siya sa sliding door na salamin.Medyo may kadiliman dahil hindi naman abot ang liwanag galing sa mini bar nito.

Naka upo lamang ito sa bakal na upuan at nakatingin lamang sa kawalan.

Balak ko na sanang bumalik.Pero.

"Come on mike,stop hiding like a thief."sabi nito na siyang kinagulat ko.Akala ko hindi niya pansin ang ginagawa ko.

Lumabas naman ako.Agad akong lumapit sa kaniya.Hindi ko inasahan ang paghila niya sa kamay ko.Dahil sa hindi inaasahan napaupo ako sa kandungan niya.

Hindi ako komportable.Sandali pa ay inihapit nito ang kanyang sarili sa akin.

Tuloy dama ko ang init ng katawan nito.Lalo pa at ipinulupot nito ang kaniyang  mga braso sa aking bewang.Nakadama ako ng kakaibang init sa pagdikit ng katawan namin.

"Look at me mike."pati ang kaniyang boses ay nakakaengganyo sa aking pandinig.

Naiilang akong tumitig sa kaniya.Lalo pa at ilang pulgada na lamang ang lapit ng mukha niya sa akin.

Puno ng pagnanasa ang aking natanaw sa kaniyang mga mata.Kung baga sa yelo tila matutunaw ka na sa uri ng pagtitig niya sa iyo.

Pinasadahan niya ang aking mukha ng kaniyang palad.Hanggang sa ang labi ko naman ang siyang natunton nito.

"This is mine,right?"napa-Oo'naman agad ako."Can i have it?"tanong muli nito.


()

-Cinnamon Grapes.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon