T M H : 4 4

9.5K 285 70
                                    

( M   I   K   E   E   )

Napansin ko na tila iwas ang mga mata ni rico sa tuwing tinititigan ko siya kanina pa mula ng maka alis ang mga bisita at ngayong na nasa silid na kami.

'Ric..'tawag ko sa kanya habang magkayakap sa kama.

'Hmm.'siya nitong tugon sa akin.

Tumingala ako sa kaniya.

'Namiss kita.'Saka yumakap ako ng mahigpit sa kaniya.'Ako ba namiss mo rin?'dagdag ko pa na siyang ikinatingin niya sa akin agad.

'Of course.I miss you so bad mike.'saka kinitalan ng halik ang labi.

'Bakit parang naiilang ka sa akin?'kunwari'y pagmamaktol ko.

'Nahihiya kasi ako sayo.Madami akong naging kasalanan pero heto ka at nayayakap pa rin kita ng malaya.Akala ko hindi ka na babalik.Nung makita ko kasi ang mukha mo ng gabing iyon tila sinuntok ako ng ilang ulit para magising sa katinuan.Iyon lang ang unang beses na labis akong nasaktan ng makita ang iyong mga matang lumuluha.Patawarin mo ako mikee.'nung una ay malumanay pa ang kaniyang pagsasabi ngunit sa huli ay narinig ko ang paos nitong boses.

'Akala ko kasi mike,hindi na kailangan pa ang nakaraan dahil unti unti ko na itong nabaon sa limot.Pero hindi,hindi pala.Babalikan pa rin pala ako nito.Hindi pa ba sapat ang mga nangyari sa akin nang mga panahong iyon?Inaaamin ko na hindi ang nakikita mo ang siyang tunay kong nararamdaman noon para sayo.Saka ko lamang napagtanto ng isang araw,magising  na lamang ako na nasa tabi kita nakaukit ang matamis mong pagngiti sa iyong mga labi.Doon ko nasabi sa sarili ko na may tao pa palang aalalay sa akin sa sandaling makabangon na ako.'

'Minahal kita sa paraang alam ko pero sa unang pagkakataon na akala ko ay niloloko mo ako ay doon ko naibuhos ang galit ko mula sa nakaraan.Ayoko kasing mapag iwanan muli ng taong natututunan ko ng mahalin saka ako ay bibitawan na lamang ng walang pasubali.Im really sorry babe.I doubt your love and trust.Will you forgive me again?'

Umangat ako at inabot ng kamay ko ang kaniyang mukha.

Tama nga ako.Sunod sunod na luha ang aking nakikita sa kaniyang mga mata.

Pinahid ko ito saka binigyang halik siya sa noo,sunod sa tungki ng kaniyang ilong at sa huli ay sa kaniyang labi.

'Rico,gumagawa ka pa lang ng kasalanan.Pinapatawad na kita.Ganoon kita kamahal at kailangan sa buhay ko.'Ikinulong niya ang aking katawan sa kaniyang braso.

'Ganoon din ako mike.Mahal na mahal kita.'Saka nito ikinulong ang aking labi sa kaniyang maalab na halik.

Tila na kakawala ng ulirat ang kaniyang pagsibasib sa aking bibig lalo pa nang magespadahan ang aming mga labi.

Doon napagtanto ko ang pagkasabik namin sa isa't isa.

Nagising ako na may ngiti sa aking labi lalo pa nang maramdaman ko ang init ng hininga nito sa aking batok.Gagalaw na sana ako upang tanggalin ang braso nito na nakapulupot sa aking bewang.Ngunit mas lalo niya itong kinahigpitan sa pagkulong sa akin.

'Stay still babe'saka idinikit ang labi sa pagitang ng aking batok at balikat.

Kinanindigan balahibo ko naman ito.

'Good morning'siyang aking lingon sa kaniya.Nahihiyang idinampi ang aking labi sa kaniyang noo.

Siya naman nitong balik halik sa aking labi.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon