T M H : 2 9

9.4K 311 13
                                    

( M    I    K    E    E  )

Napapangiwi ako sa sakit ng bumangon sa kama.Samantalang ang katabi ko naman ay sarap na sarap sa tulog.Medyo humihilik hilik pa ng pagmasdan ko ito.Napangiti naman ako sa mukha niya.

Para siyang inosenteng inosente pero malokong inosente.

Lalo na ng maalala ko ang nangyari kagabi sa aming dalawa.

Napapakapit ako sa kung saan makabangon lang sa kama.Kailangan ko na pa lang ayusin ang gamit namin dahil mamaya ay uuwi na kami.

Nagtungo ako ng banyo saka naghilamos at nagsepilyo.

Paglabas ko naabutan ko pa rin siyang tulog.Iniligpit ko na ang ilang pinagbihisan namin saka inilagay sa bag.Sakto naman na pansin ko ang cp ko.Binuksan ko muna ito baka sakaling tumawag o nagtext si manang.

4 messeges recieved.

Kaagad kong binuksan iyon baka may emergency kasi sa bahay.

Nasaan ka?
-miguel

Pumunta ako sa bahay niyo ang sabi umalis daw pala kayo.:-*
-miguel

Kailan ang  balik niyo?
-miguel

Miss na kita.
-miguel

"Huy!sino katext mo?aga naman niyan.Si manang ba?"nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa aking likuran.Amoy ko pa ang alak sa bibig niya.

"Hindi.Si miguel pumunta sa bahay at hinahanap ako."Paliwanag ko.

"Bakit daw?"

"Baka magpapasama."

Bumitaw naman siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Napapansin ko ang palaging paglabas labas niyong dalawa."Mahinahon man ramdam kong may ipinupunto siya.

"Ric,sa ampunan lang naman ang lagi naming punta."

"Ampunan nga lang ba?"may halong panunuya niyang tanong.

Hindi ko maiwasan mainis sa inaakto niya.

"Ric.."pero inunahan na ako nito ng pabagsak ng sarado ng pinto mula sa banyo.

Alin ba ang masama roon?Isa pa ay alam niya naman ang mga pagsama sama ko kay miguel.

Lumabas siya ng banyo na tahimik pero alam ko na galit pa rin ito.

Lumapit ako dito matapos isara ang zipper ng bag namin.

"Ric,Uy!Ric naman e.."lumapit naman ako rito at siya namang iwas nito.

"Ay,Uuwi tayo ng bahay na may misunderstanding..Samantalang kagabi lang kung maka...umph.."Mabilis itong humarap sa akin at hinalikan ang aking labi.

Napangiti ako ng hinahaplos na nito ang aking katawan.

"Kungwari pa na galit.."nang magbitaw ang aming mga labi.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon