T M H :5 2

6.7K 223 42
                                    

2 years later...

Naging maganda ang siyang simula pagkatapos ng unos sa aming buhay ni rico.

Nang magising siya ay abot abot ang hingi niya ng tawad sa akin.Sinisisi ang sarili dahil nailagay ako sa ganoong sitwasyon.

Pinatawad ko siya hindi dahil lang sa mahal ko siya.Kung hindi walang nais ang mangyari ito.Siyang nagpapatunay na ang pagsubok sa ating buhay ay siya ring magpapatibay sa atin.

Matapos ang libing ni danilo ay siya naming pag aasikaso ng mga papeles ni galaxy para gawing legal naming anak.

Masaya ang bata dahil sa kaniyang nalaman.Masasabi kong matalino ito dahil sa kung ano ang pagkakaintindi niya sa amin ni rico.Ang swerte niya raw dahil may dalawa siyang tatay na maituturing.Pinapaalala ko sa kaniya na mahal na mahal siya ng kaniyang kuya kaya nagawa iyon.Puno ng pagpapaunawa ang pinaparamdam ko sa bata.Maibsan ang pangungulila sa yumaong kapatid.

Sa ngayon lumipat kami ng matitirahan sa America.Dito nagsisimula ang aming buhay bilang isang pamilya.

Pinasok namin si Galaxy Rein Rodriguez sa isang pribadong paaralan.Bibo at mabait ito.Pero mas gusto ko ang ugaling malambing niya sa aming mag asawa.

Si rico ang maghahatid sa kaniya sa pagpasok sa paaralan habang ako naman sa pag uwi ang siyang magsusundo dito.

Sa ngayon abala ako sa pamamalakad ng isang restaurant-cafe na siyang ipinundar ni rico para sa akin.Tinuturuan niya rin ako sa mga dapat malaman sa pamamalakad.Siya naman ay pinagpatuloy ang pagpapalaki ng negosyo ng kanilang pamilya.Ang kapatid niyang si johann ang siyang pumalit sa kumpanya nila sa pilipinas.

Samantalang si miguel naman ay lumipad papuntang hawaii matapos kaming umalis sa bansa.

Nang malaman kasi ng kanilang ama ang nangyari sa kanilang magkakapatid ay siyang atake sa puso nang matanda.Matagal na pala niyang iniinda ito.

Namatay sa dami ng balang tumama sa katawan niya si cedric.Habang si christian naman ay siya nang nagmana sa mga naiwang ari arian ng kanilang ama.Nakilala rin namin ang kaniyang mag anak bago kami umalis nang bansa.

Lahat kami ay nagsisikap harapin ang bagong kinabukasan.Minsan talaga hindi maiiwasan ng tao ang makaranas ng pait at kalungkutan.Pero hindi habang buhay ay itatalaga tayo sa ganoong kaganapan.

Iikot nang iikot ang takbo ng ating kapalaran.

Makakasalamuha ang mga taong hindi mo inaasahan.

'Babe,bakit ang tahimik mo?'siyang iniyukyok ang mukha sa aking leeg.

Narito kami sa isang sikat na private beach resort.Pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Sa ganoong sandali naririnig ko ang tawa ni galaxy mula sa humahabol na alaga niyang aso.

Nakahiga kami sa duyan ni rico sa lagay na ito.

'Hmmm..wala lang,napapaisip lang ako kung bakit ako?ako ang napili mong mahalin.'humigpit ang pagkakayakap niya sa aking tiyan.Dikit na dikit ang aming katawan.

'You want to know why?'siyang ikinatango ko.

'Simply because the very first time i saw you.'siyang ikinakunot noo ko.Naalala ko lagi ko naman siyang nakikita dahil sa pagmamasid nito sa dati kong pinagtatrabahuan na mall.Pero nagkatinginan kami sa elevator,so ayun unang pagtatagpo sa namin para sa akin.

'Nang makita kitang masayang nagseserve sa mga taong pinagsisilbihan mo.Your genuine smile makes myself to admire you.Totoong totoo ka sa mga taong hindi mo man alam ang tunay na nararamdaman nila ng mga sandaling iyon.Pinapakita at pinaparamdam mo na ang buhay ay may ligaya sa bawat lungkot na napagdadaanan.Sa puntong iyon naging interesado ako sayo.Kahit sa puntong hindi ko naman ugaling lumabas ng opisina ko para ikutin araw araw ang mall makita ka lang.'parang teenager na nakadama ako ng kilig sa mga sinabi niya.

Matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa pisngi.Isa iyon sa mga nakikita kong pagbabago sa kaniya.Masyado na rin siyang malambing gaya ng anak namin.

'Saka nung ikalawang pagkikita natin sa bar,sabi ko sa sarili ko bibigyan ko ng chance ang sarili kong umibig muli.Then,i got you.'dagdag niya pa habang tumatama ang mainit na paghinga niya sa aking pandinig.

Marahan akong humarap sa kaniya dahil baka mahulog kami sa duyan.Sinalo ng tingin ko ang mga mata niyang nangungusap.

'I love you.'biglang sabi ko.

Tahimik.

'Mikee,babe this is not maybe the last time i ask you again.'takhang napatingin ako sa mga sinabi niya.

Mula sa braso niyang aking kinahihigaan ay inabot ng isang kamay niya doon ang isang maliit na kahon.

Napatingin ako doon at siyang nagpaluha sa akin ng buksan niya ito.

'Will you marry me again,Mikee Lacsamana-Rodriguez.'mabilis kong sinagot ang kaniyang sagot at inabot ang kaniyang labi.Nina-namnam ang sandaling magpapadagdag sa aking mga alaalang babalik balikan ng aking buhay.

Matapos isuot ang singsing ay siyang tunog ng isang bagay.Napalingon ako ng makita kong hawak ni galaxy ang dslr na camera'ng regalo sa kaniya ni rico.

'Yehey!sabi sayo daddy matutuwa si tatay sa regalo mo eh!'siyang lapit sa amin nito at tuloy sa pagkuha ng litrato.

'Syempre matutuwa siya lalo na ikaw kapag naging ate ka na.'siyang pilyong biro sa anak.At ikinatalon ni galaxy sa nalaman niya.'Yes!magiging ate na ako!'

'Naayos ko na ang pag aadopt ko sa batang nakita ko sa bahay ampunan sa pilipinas.Mike'Kahit kasi malayo na kami ay patuloy ang pagtulong namin sa kinalakhan kong bahay na siyang kumupkop sa akin.Hindi ko alam na itutuloy niya pa rin ang balak na pag ampon doon.

'Hmm.Sino naman yung napili mo?ikaw ha,naglilihim ka na naman sa akin.'Napangisi siya at sinabing ito na ang huli.For the good naman ang mga plano niya.Kaya sinuklian ko siya nang paglalambing.

Ganito ang buhay na siyang pinapangarap ko noon na akala ko ay malabong mangyari sa isang kagaya ko.

Hindi ko sasabihing perpekto ang aming pagsasama sa una pero ito ang siyang naging silbing aral sa amin.

Pagtitiwala.

Pagtanggap sa mga nakaraang binabaon sa limot.Sa huli ay hindi mo kailangan pakaiwasan kung hindi ay harapin ng buong tapang.

Sa buong pagkakataon na siyang binibigay sayo.Bagay na dapat mong pahahalagahan.Mahalaga ang bawat oras kasama ang mga taong nagbibigay kahulugan ng buhay.



A/N:The who ang POV ng next update.Sa mga may request ng EXTRA.Comment down.Kayo naman ang pagbibigyan ko.
:))

>C.G

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon