( M I K E E )
Nagising ako sa lamig ng hangin na nagmumula sa kung saan.Napansin ko rin ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana.Tanghali na pala!
Kaagad ko rin nadama na hindi pala ako nakihaga sa simpleng papag lang kung hindi ay isang malambot na kutsiyon.
Nasaan ako?!
Naka-loose plain white t-shirt at boxer short na lamang ako ng tignan ang sarili ko.
Nasaan ang mga damit at gamit ko?!
Wala sa sariling bumaba ng kama.Ngunit hindi pa man ako nakakatayo ay naramdaman ko na ang pagkahilo.Eto na yata ang hang-over na tinatawag nila?
Hindi naman talaga ako sanay sa paginom ng alak.Kung tutuusin ay sumubok lamang ako kagabi dahil ayoko naman masabihang kj/killjoy sa paanyaya nila sa akin.
Maganda ang pagkakadisenyo ng silid at maging mga kagamitan ay naayon din sa pagkakaayos nito.Nang igala ko ang aking paningin sa paligid ng silid.
Tumayo ako at naglakad ng dahan dahan.
Tinungo ang pinto.Subalit dalawa ang siyang aking nakikita.Pinili kong buksan kaliwang pintuan.
Banyo pala ito at nakakamangha lang ang laki at lawak nito.Parang kalahati lang ng laki nito ang inuupahan kong silid sa dorm na aking tinutuluyan.
Ang ganda pa ng tiles ng sahig nito.Maging ang dingding nito ay nakatiles din.May bathtub pa at shower.
Sinarado ko ang pinto nito at saka tumungo sa isa pang pinto.Pinihit ko ang doorknob nito.Ang akala ko ay makikita ko na ang labas nitong bahagi subalit,hindi at sa kung sino ang siyang aking nasalubong.
Halos hindi ko inaasahan ito.
Nakatingala ako sa kanya.Sa tangkad nito ay tila nanliliit ako sa sarili ko.Hmm.Nakasuot lang din ito ng loose shirt kagaya ko.Bakat ang kabatakan nitong pangangatawan.Samantalang nakajogger pants naman ang pang ibaba nito.
"Done checking?"pagkuwan na siyang banggit nito.Napa-"ha?"na lamang ako.
"I mean,kamusta na ang pakiramdam mo?"tanong nito.
Naismid na siguro ang dila ko sa taong kaharap ko.Nakakaintimida kasi ang tingin nito sa akin.
"A-a..ayos lang naman na ako medyo masakit lang ulo ko siguro ay hang-over lang"hindi ko maiwasan ang kabahan sa pagsagot sa kaniya.
"Hmm..tara ipagtitimpla kita ng coffee para mawala yang hang over mo."Sumunod naman ako sa kaniya.Pakiramdam ko panaginip lang ito dahil sa pakikitungo nito sa akin.
Tila gumaan sa akin ang presensya niya.
Mas nakamamangha pa pala ang tanawin ng buong sala nito.
Ang mga antigo nitong kagamitan.Tila mamahalin ang bawat isa.
Nagkataon pa na nakita nito akong namamangha sa kabahayan.Nakakahiya lamang.Hindi naman pa naman kasi ako nakakatapak sa ganitong kagandang tirahan.
Siguro mansiyon ito.Dahil sa lawak at laki nito.Hindi na rin siguro nakakapagtaka dahil posisyon nito ay kaakibat na nito ang karangyaan niya sa buhay.Ang swerte niya.
Nakangiti siya ng salubungin ako sa lamesa ng kusina nila.
Matapos iabot ang tasa ng kape ay siya ring pag upo sa katapat kong upuan.
"Maraming salamat po pala sir.sorry po sa malaking abala kong nagawa sa inyo."paghingi ko ng tawad.
Ayos lang naman daw sa kanya ng sabihin ko iyon sa kaniya.
"So,may i know who you are?"
"M-mikee Lacsamana po sir."sagot ko.
Ngumiti lang ito sa aking isinagot.Nakakaparalisa lang ang pantay pantay na mapuputing ngipin nito at ang mapupulang labi sa tuwing ngingiti.
"Pero sir?papaano po ako napunta dito gayong.."maang tanong ko.Ngunit.
"Hmmm..i was on the same place with you.Then,i noticed that just seems you're drunk.Hindi ko naman kilala ang mga kasamahan mo so,pinagpasiyahan ko nang iuwi ka."paliwanag nito.
Matapos ng paguusap namin ay ibinigay nito ang aking mga gamit at damit.Sobra ang aking pagkahiya ng malaman ko na siya pala ang nagpalit ng aking damit.
Nagpilit din siya na ihatid ako pauwi.Pakiramdam ko parang nabago ang lahat sa isang iglap.Kung dati ay simpleng paghanga lamang ang nais ko tila lumalalim pa iyon.
Lumalim sa mga nagdaan pang araw at pagkakataon sa aming dalawa.
Madalas kung kami ay magkasalubong binabati na niya ako.Niyaya niya rin akong lumabas kung minsan,nakakahiya naman kung ito ay tatanggihan ko.
Medyo naiilang din ako dahil sa kung anong iisipin ng ibang tao sa amin.
Hindi naman halata ang pagkadiscreet gay ko.Kung tutuusin.
Wala naman sigurong mali sa pakikipagkaibigan kung gayon.
Hanggang sa umabot ang ilang buwan nagkakilala na kami ng husto.Masaya ako sa tuwing magkasama kami.Dala na rin niyon ay nahulog na ang aking puso sa kanya.Yun nga lang takot akong malaman niya.
Baka masira ang pagkakaibigang nabuo sa amin dalawa.At ayokong mangyari ito.
Tama ng palihim ko lang na minamahal ang isang gaya niya.Malabo naman na magustuhan niya ang isang tulad ko.Tulad kong bakla at isang kahig,isang tuka na gaya ko.
Dumating ang endo ko sa pinapasukan kong resto sa mall na pag aari ni ric.Ric na lang daw ang itawag ko sa kaniya sa tuwing magkasama kami.Tila nakadama ako ng kilig ng sandaling iyon parang endearment lang!
(A/N)
(Ilusyonada ka mikee!ngayon ko lang nalaman..hehe)Niyaya niya rin akong lumabas ng araw na iyon.Nagsabi ako sa kanya na aalis na nga ako sa pinagtatrabahuan ko.Medyo nagulat pa siya.At nag alok na ipapasok sa ibang departamento o resto na lang din.Tumanggi ako dahil sa nahihiya ako at maliban doon ay gusto ko ring umalis naman na talaga.
Ayoko na kasing mas mahulog pa ng tuluyan sa kaniya gayong malabo naman na maganap ang tila ilusiyon ko.
"Pero mike,bakit kailangan mo pang umalis?may problema ba?sabihin mo baka may maitulong ako?"pangungulit nito.At tila naiinis na siya sa tuwing tumatanggi ako sa mga inaalok niyang tulong.
"Wala nga!Gusto ko lang umalis!"
"Why you have to leave then?!"sigaw nito.
Nagtatalo kami nito sa loob ng sasakyan niya sa kahabaan ng dilim ng gabi.Naipark kasi nito ang sasakyan sa malapit sa isang park na madalas naming tambayan.
"KASE BAKLA AKO..AT..
...AT MAY GUSTO AKO SAYO!"
(A/N:Salamat po nang marami sa lahat ng nakakabasa nitong kwentong ito.Isa pa hindi ko inaasahan na tatangkilikin itong kwentong ito.Yung ibang ongoings ko..Sa sweek ko ia-update.Dahil matatagalan yata talaga ang pagloloko ni wattpad.Follow niyo na lang ako.CinnamonGrapes/@Celine_Wp.)
-C.G

BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...