T H M : 7

16.3K 561 40
                                    

( M I K E E )

Nagising ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng aming silid.

Bumangon ako at nilingon ang aking katabi sa higaan.Subalit hindi ko ito nakita sa aking tabi.

Pupungas pungas akong nagtungo sa banyo.

Wala rin siya doon.

Mukhang maagang pumasok sa opisina.

Ang sabi ko sa aking sarili habang naghihilamos ng mukha.

Nadatnan kong nagluluto si nanay rusing ng almusal sa kusina.Binati ko naman ito ng mapansin ako.

Biglang dating din si sonya na kakapasok lang sa pintuan ng likod bahay.

Nag abala pa agad itong nagtimpla ng kape para sa akin.

Kumakain na kami ng almusal ng magsalita si sonya.

"Ser,ang aga pumasok ngayon ni ser rico pumasok ah."puna nito.

"Ahh,baka kasi tambak ang trabaho ngayon kaya maaga na nitong naisipang pumasok."sagot ko at saka kumagat ng toasted bread.

Si aling rusing naman ay tahimik lang habang nakikinig sa aming kwentuhan.

Matapos kong kumain ay nagpasiya muna akong maglakad lakad sa aming silid dala ang cellphone ko.

Magtetext sana ako kay rico ng pagbati sa umaga.Subalit kaagad akong nakatanggap ng mensahe sa unknown number.

Kamusta?

Saad sa mensahe.Hindi ko na lang nireplyan at baka wrong send lamang ito.

Pinagpatuloy ko ang naisipan kong gawin kanina.

Good morning ric,have a great day.i love you:*

Kinikilig ko itong pinadala sa kanya.Matagal din akong naghintay sa reply nito sa akin subalit wala akong natanggap na mensahe galing sa kaniya.

Baka busy?bulong ko muli sa aking isip.

Pumasok na lamang ako ng bahay at nagbalik sa aming silid.

Nahiga muli ako sa kama.Napatingala sa kisame.

(Cellphone ringing...)

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.At sinagot ang tawag.

"Hello?'

Bungad ko.Medyo wala pang sumasagot sa kabilang linya.Subalit.

"Hi,how's life?mikee."sagot sa kabilang linya.

"Sino po sila?"agad kong tanong.Boses lalaki iyon.Tila pamilyar subalit hindi ko makilala.

"It's me ...miguel"

Nanlaki ang mata ko sa tugon na iyon.

"M-miguel?!"napabangon ako sa kama.

"Oh,mukhang nagulat kita..hahaha.."Sabi nito na siya namang totoo.Kaibigan ko ito si miguel sa ampunan.Matagal kaming hindi nagkita simula ng insedenteng nangyari sa amin ni rico.

"Oo.Nagulat nga ako sa pagtawag mo.Siya nga pala s-sorry kung hindi natuloy yung meet up natin."malumanay kong sabi.

"Ok lang yun..ano ka ba.atsaka kamusta ka na?Sinaktan ka ba niya?"sabi nito.

Nakita niya kasi iyon ng hilahin ako palabas ni rico sa lugar na aming pagkikitaan namin.Alam kong naawa siya sa akin ng mga oras na iyon.

Mahaba haba rin ang samahan namin nung kami ay bata pa sa loob ng ampunan.Kaya matalik na kaibagan o kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.

Nagkahiwalay lamang kami ng siya ay ampunin ng mayamang pamilya nito at isinama patungong ibang bansa.

Nagkaroon lang kami muli ng komunikasyon sa internet.Masaya ako sa buhay at narating niya.

"Oh..nandiyan ka pa ba?miki-bihon..haha.."biro nito sa akin at akin namang ikinatawa.Naalala niya pa rin pala.

"Heh!chokolitos.."pagbibiro ko rin.

Matapos ang masaya naming kamustahan ay nagpaalam na sa akin ito.Ang sabi niya ay dumalaw raw ako sa ampunan at doon na lamang ako makipagkita sa kanya.

Pumayag naman ako dahil sa gusto ko rin siyang makamusta ng personal.Tiyak na masayang reunion ang magaganap kapag nangyari.

Nagtungo ako sa mini mart kalapit ng aming subdibisyon kasama si sonya.Nagpalipas oras muna kami habang kumakain ng miryenda.

"Huuy,ser tignan mo yung katapat natin ng lamesa..ke gwapong lalaki..ano?"sabi sa akin nito na tila hindi magkandaugaga.

Sinipat ko naman ang kaniyang tinutukoy.At oo may itsura nga.Medyo may pagkabanyaga ang mukha nito.May katangkaran din siya.

Napatingin naman siya sa aming gawi ng mapansin kami nito.Agad akong umiwas tingin sa kaniya.

"Hala ser!nakatingin sayo iyong lalaki!"Bulong nito na bakas ang kasiyahan.

Siniko ko na lamang ito ng pahaging upang tumigil na.

"Ay umalis na si pogi!"sabi nito.

Atsaka ako lumingon sa puwesto nito.At oo nga wala na siya sa kaniyang kinauupuan.Saka ko lang pinagsabihan itong katabi kong kinikilig pa rin.Hayy.

Nang makauwi na kami sa bahay ay saktong naabutan ko si manang rusing sa laundry area.Naglalaba.

"Oh!nakauwi na pala kayo?"salubong nito sa akin.

"Opo nay,sumaglit lang po kami doon."sagot ko.

"Nay,gusto niyong tulungan ko po kayo sa paglalaba?Tutal wala naman po akong gagawin ngayon eh.."pakiusap ko.Ayaw niya pa sana kaso napilit ko rin sa huli.Nabobored na rin kasi ako dito sa bahay.

Atsaka marunong naman ako sa mga gawaing bahay dahil tinuruan kami sa ampunan bata pa lamang.

"Oh,sige pakibanlawan na lang ang pantalon anak."agad ko naman sinunod.Pinuno ko muna ang plangga ng tubig.Habang si manang naman ay nagkukusot pa.

Matapos ay binasa ko na ang mga ito.Tinignan kung may mga kalat sa mga bulsa nito.Mga pantalon pamasok pala ito ni rico.

Wala naman gaanong kalat pero nakakuha ako ng panyo sa bulsa nito.

At may na kaburdang...

....CL'

(A/N:Sinubukan ko lang talaga ang gawan ng ganoong part si rico.Umarya ang pagkakomedyante ko.Nung unang pub kasi walang nakapansin.Akala ko sa pangalawang pub wala na naman makakapansin.Hahahha.geh..re UD ko yung part niya para sa inyo..Mga talipandas kayo!pasalamat kayo at mahal ko kayo..char..nyenyehehehhe..)

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon