( M I K E E )
Nang maka uwi ako sa bahay lulan ng sasakyan ni miguel na siyang naghatid sa akin.Sobra ang pagod ko ng buong araw na iyon."Hay!nakakapagod pero sobrang saya naman!"sabi ko ng mahinto sa tapat ng bahay namin ang sasakyan nito.
"Masaya akong marinig iyan.Paano sa susunod ulit?sana lang makasama na natin si rico."sabi nito na pinagsaklop pa ang mga braso sa batok nito.
"Hehe,sige hayaan mo at sasabihin ko."Kalaunan ay nagpasiya na itong umuwi.Sakto at palalim na rin ang gabi.
Hinintay ko muna itong maka alis bago ako pumasok.Nang makapasok sa gate ay didiretsiyong pasok na sana ako.Pero bago iyon may sasakyang bago sa aking paningin.Kasunod ng sasakyan namin ni ric.
Mukhang mamahalin.Baka naman umuwi ang isa sa mga kaibigan galing sa ibang bansa.Wala naman kasi itong gaano na kaibigan rito.Maliban sa isa.At si Christian Lee nga iyon.May kung anong bumabagabag sa akin kapag inaalala ko ang pangalang iyon.
Pagbukas po lang ng pinto ng front door ay bukas na bukas ang ilaw ng kabahayan.
Nasalubong ko agad ng tingin ang sala namin.Naroon ang asawa ko at tama nga ako may kung sino siyang bisita.
Nakaharap kasi ito kay ric,na siyang nakatalikod ang inuupuang sofa nito sa akin.Hindi ko makita kaagad ang kaniyang mukha.
Natigil sila sa pag uusap ng mapansin ni ric ang pagdating ko.
"Mike!finally,your here!"kaagad itong nagmadaling daluhan ng pagsalubong sa akin.Nagulat ako ng halikan ako nito sa labi.Nakakahiya baka kasi makita ng bisita niya.Mabuti na lang at hindi pa siya napapaharap sa gawi namin.
"May ipapakilala ako sayo.Siya yung kaibigan kong si Christian."nang makalapit kami ay siyang pagharap nito.
Siya?!siya si christian?si chris!
Halos hindi ako makapagsalita sa aking nalaman.
"Christian,meet my husband Mikee.Mike this is Christian my friend"Hanggang sa iaalok ang pakikipagkamay nito sa akin.
Si rico na ang siyang nag angat ng kamay ko para daluhan ang inaalok nito.
"Hmmm..to be honest,we bumped each other in the another day at the bookstore.Accidentally"pagsisiwalat nito.At siyang kinagulat ni rico.
"Really?Nagkakilala na pala kayo?Mabuti naman kung ganoon."Inaya nito kaming umupo muna.Biglang nagring naman ang cp ni rico kaya pansamantala niya muna itong sinagot at nagtungo sa labas.
"So,hindi ko alam na ikaw pala ang napangasawa ni rico.How lucky you are.Is it?Mukhang maayos naman ang inyong pagsasama base sa nakikita ko.Pero nakakagulat lang talaga.All i knew is,he is one of a great womanizer in town.Dati. sabi nito sabay halakhak.Mapagbiro rin pala ito.
"Hindi ko rin alam na ikaw pala yung tinutukoy niyang kaibigan niya sa akin.Maliit lang pala talaga ang mundo para sa atin."Ngumiti naman ito sa akin.Saka tumingin sa malaking larawan namin ni rico sa gitna ng dingding ng sala.
"Oo nga naman,Sa liit nito ang akala mong nasa iyo na.Mawawala pa pala ng hindi mo namamalayan."Makahulugan nitong sabi.Hindi ko batid kung ano ang nais niyang iparating.
"Ha?hindi kita maintindihan chris?"tumayo naman ito at sinipat ang mamahaling orasan saka nagpaalam.
"Wala yun wag mong intindihin.Hehe..Nabasa ko lang sa isang libro.Saka mukhang lumalalim na ang gabi kaya mabuting makauwi na ako."sabi nito.Anong oras na nga naman at baka maipit pa ito sa trapik ng pagbyahe.
"Oh,uuwi ka na ba?"nakalapit na pala siya sa amin."Oo ric,Matrapik pa naman sa makati.Some other time na lang tayo magcatch up kasama si mikee."sabi nito at napatingin sa akin."S-sige.payag ako."kaagad kong tugon.
Hinatid naman ni rico ito sa garahe kung nasaan nakaparada ang sasakyan nito.Habang ako nagpaiwan na lamang sa sala.Tila wala ako sa sarili.Marahil sa pagod at kay chris.
Napasandal ako sa sofa.Tila sumuko na ang talukap ng aking mata at siyang ikinapikit nito.
Nagising nalang ako ng maramdaman kong may nagtatanggal ng mga medyas ko sa paa.Nasa kama na pala ako ng silid namin.
Matapos niyang tanggalin yung medyas ko nagtungo siya sa closet namin.Naglabas ng pares ng damit pantulog.Akmang huhubarin niya ang pantalon ko pero pinigilan ko iyon.Bagkus dali dali aking bumangon para maabot ang labi niya.
Nagulat siya sa aking ginawa."Akala ko tulog na tulog ka pa.Siguro sobrang pagod mo buong araw ano?"Umupo naman siya sa tabi ko."Oo,nakakapagod pero masaya sana sumama ka ulit para maenjoy mo yung mga kakulitan ng mga bata."Pakiusap ko."Sige.Matapos lang ng gawain sa opisina bibisita ulit tayo."Saka ako naman ang mabilis na hinalikan sa labi.
Umaga na ng makarating ako sa lugar na aking pinararadahan ng sasakyan.Nagbantay pa kasi ako sa ospital kagabi para sa aking kapatid.Ilang minuto pa ang nagdaan at lumabas na ang kotse ni rico sa bahay nito.Senyales na papasok na ito sa trabaho.Ilang minuto pa ang lumipas ay may sasakyang dumating sa tapat ng bahay nila.At may lumabas na lalaki lulan ng sasakyan niya.
Sumandal sa kotse niya at nagtitipa ng telepono niya.Ngayon ko lang napagmasdan mabuti ito.At hindi ako pwedeng magkamali.Siya iyon!
Hanggang sa lumabas ng gate si mikee at sinalubong nito ang taong iyon.Masaya silang nag uusap hanggang sa sumakay pareho ito ng sasakyan niya.
Nabigla ako sa hindi ko inaasahan.Sadya ba talagang maliit lang ang mundo para maging magkakilala sila.Ayoko.Ayokong mapahamak siya ng dahil lang kay mikee.Kilala ko siya wala siyang sasantuhin kahit sino pa ito.Kahit mismong kapatid niya pa.
(A/N:tumatanda na yata ako.Nakalimutan ko na naman ang plot ng chap na ito.Sorna..hehe,Sino kaya yung tinutukoy sa last part ng chap?)
-C.G
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...