( M I K E E )
Nagulat ako ng bumisita si miguel sa aming tahanan.Hindi ko inaasahan ito dahil narito pa naman si rico.Kakaba kaba akong tumungo sa sala ng sabihin sa akin na pinapasok na niya ito.
Si rico naman ay umdlip muna,hindi kasi ito pumasok dahil natapos na naman niya ang mga papeles na kaniyang tinarbaho.
"Mikee,kamusta na?"masayang salubong nito."Okey naman,ano at napa rito ka?"Umupo muna kami sa sofa bago magsimula.
"Wala naman,nais ko lang sanang anyayahan ka sa pagbisita sa ampunan."Gusto kong tanggapin ang inaalok nitong paanyaya.Ang kaso paano ko ipapaalam ito kay ric."Sama ka?namimiss ka na rin naman ng mga bata."Dagdag pa nito.
"What's happening here?"baritonong boses mula sa aming harapan.Gising na pala siya!
"R-ric,Si miguel kababata at kaibigan ko"pakilala ko agad sa kaniya.Halos abot abot ang kaba ko.
"I've seen you before?but i dont know when or where..anyway nice to meet you."Nagulat ako sa sagot nito ng makaharap si miguel.Dati kasi mali ng akala si rico patungkol kay miguel.Kaya parang nabunutan ako ng tinik ng sandaling iyon.
"Hmm..glad to meet you too,Mr.Rodriguez."Napakapormal naman ng bati niya kay rico.
"So,anong meron at nabisita ka?"Kaagad na tanong ni rico ng maka upo kami ulit.
"Pare,yayain ko sana si mikee sa pagbisita sa ampunan.Since na narito ka pala,why dont you join us?"Suhestiyon ni miguel.Tinignan muna ako ni rico saka sumagot kay miguel."Great idea,hindi na rin kasi ako nadadalaw dahil sa hectic ng schedule ko sa work."Napangiti naman ako sa sinagot ni ric.
Hinintay na lamang kami ni miguel habang kami ay naghahanda ni rico.
Kalaunan,ay nagtungo na kami.Dala naman ni miguel ang sasakyan niya habang nakasunod lamang kami sa kaniya sa pagbaybay ng daan.
Nang makarating.Agad kaming sinalubong ng mga bata sa entrada ng gate ng ampunan.Bakas ang kaligayahan sa kanilang mukha.
"Si kuya cute!nandito!"sigaw ng batang babae na madalas magpabuhat sa akin.Lumapit siya sa akin at dinaluhan ng yakap ang aking binti.Yumuko naman ako at binuhat ito.Nakakatuwa ang mukha nitong bilugan.Hindi ko maiwasang manggigil.
"Who is she?"Nasa likuran ko pala ito at mataman na pinagmamasdan ang buhat kong bata."Baby,ano daw pangalan mo sabi ni kuyang pogi?"ang tanong ko naman sa bata.Sabi niya ay sophie daw ang ngalan niya.
"Sophie, beautiful name for a beautiful lady like you."hayag nito at siya namang tanong ng bata patungkol sa sinabi niya."Ang sabi niya kasing ganda mo ang pangalan mo."Kinahagikhik nito iyon.
Nang makapasok sa loob ng ampunan ay siya namang pagsalansan ng mga dala ni miguel na pasulubong sa mga bata.
Tinulungan namin ni rico ito sa pamamahagi.Kita ko sa mukha ni rico ang kasiyahan sa ginagawa."Akala ko majojombag ako ng asawa mo kanina ng madatnan ako nito.Mabuti na lang at hindi niya ako gaanong maalala."nasa tabi ko pala ito.Kinatawa ko na lang pagsasabi nito.
Nagkaroon kami ng salu salo ng pananghalian.Matapos ay nagpahinga atsaka sa pagsapit ng hapon ay nakipaglaro sa mga bata.
Kalaunan ay nagpaalam na rin kami para umuwi."Pare!salamat sa pagsama rito ha?!"sabi nito kay ric."No,ako pa nga ang dapat magpasalamat coz we enjoyed what we've done today."Masaya ako dahil may magandang epekto pala ang pagbisita namin rito.
"So next time guys!"tanong nito bago makapasok sa sasakyan niya.Napatango na lamang kami agad.Matapos ay umuwi na rin kami.
Habang magkatabi kami sa higaan ni rico ay nagkukwentuhan kami patungkol sa ampunan.Nakalahad ang braso nito na parang aking unan.Hanggang sa nagtanong siya sa akin.
Yung tanong niyang iyon ay isang bagay na gugustuhin ng mga mag asawa.Ang magkaroon ng anak.
"Mike,gusto mo na bang magkaroon tayo ng anak?"napatingin ako ng seryoso sa kaniya.Ninanamnam ang tanong na kaniyang binitawan.
"Okay lang kung ayaw mo pa.Basta kung gusto mo ay sabihin mo lang sa akin at gagawa tayo?"pahabol nito habang hinahaplos ang ulo ko.
"Gagawa?paanong gagawa?"takhang tanong ko."I mean,kung gusto mong maghire ng babaeng magdadala ng sperm mo para magbuntis o kaya naman ang mag ampon na lamang tayo."hindi ko maisip na magiisip siya ng ganoong bagay.Bagay na malabong mangyari sa amin.Ang magkaroon ng anak sa pagitan ng dalawang magkaparehas na kasarian.
"Payag ako.Pero bakit sperm ko?hindi na lang iyo?"hinaplos naman ng isa pa niyang palad ang mukha ko.
"Gusto ko yung maraming ikaw ang mamahalin ko sa buong buhay ko.Mahal na mahal kita mike..Gusto kong punan ang mga bagay na wala sayo noon at kahit imposible ay gagawin nating posible ang lahat."hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi niya.Ang bagay na wala sa akin noon.Ang pamilyang hindi ko alam kung saan hahagilapin noong lumaki ako.Hanggang sa tila pangarap na lang na ang lahat na makilala at makasama ko sila.Ngayon ay ako naman ang magbubuo ng pamilyang inaasam asam ko.
Naisipan kong magtungo sa booksale matapos naming mamili ni sonya ng mga supply sa bahay.Iniwan ko muna itong kumakain sa isang fast food resto.
Nagtingin tingin ako ng mga bagong babasahin na siyang aking mapagkakaabalahang basahin.Habang tumitingin napukaw ang mata ko sa isang libro akmang kukunin ko, ay may kamay na siyang nauna sa akin.
Napatingin ako sa kung sino iyon.Isang lalaki na tingin ko ay kaedaran ko lang.Maging sa kasing laki ko lang subalit mababakas mo na tila isa siyang modelong makikita sa mga magasin.
Sa madaling salita,Gwapo.Napansin niya siguro ang pagkanais ko sa libro.
"Uhmm..mukhang ako ang na una,pero kung gusto mo talaga.Bakit hindi ko na ipaubaya sayo."ang sabi niya.
"H-hindi ayos lang sayo na."subalit kinuha niya ang aking kamay saka ibinigay ang libro.Gwapo na mabait pa.
"Salamat"saad ko.
"By the way im Chris..And you are?"
(A/N:Makipag kaibigan sa ahassssss....natuwa ako sa chap na ito kaya nagawa kong pahabain.)
-c.g
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...