T M H :37

7.9K 278 22
                                    

(  M    I     K     E     E  )

Nag didilim na ang kalangitan subalit hindi ko man lang siya mahanap sa kung saan man.

Medyo nanakit narin ang mga paa kong nakatapak sa buhangin.

Tanging ingay ng dalampasigan ang siyang aking nahuhunihan.

'Ricoo!!'sigaw ko sa kawalan.

Inilibot nang aking mata ang paligid.Tanging hamog ang siyang bumabalot sa kalayuaang bahagi.

'Rico!!'

Muli kong pagtawag.Isang matinis na huni galing sa ibon ang siyang pumailang.

Tumingala ako sa kalangitan.Doon ko nakita ko ang isang uwak.Paikot ikot lamang itong lumilipad sa himpapawid.

'Ack!,ack!,ack!'

Paulit ulit itong humuhuni.At tila hindi mapakali.

Hanggang sa nagbago ito ng gawi.Hinabol ng aking paningin ang siya nitong pupuntahan.Lumipad ito paibaba.Kasabay ang paglitaw ng dalawang aninong aking naanigan sa kalabuang kinaroroonan.

Siya namang paglinaw nitong paunti unti.

Kapwa kahubadan ang kanilang mga katawan.

Magkalingkis ang kanilang mga sarili sa isat isa.

'Ack!,ack!,ack!'

Siyang nitong papalapit sa aking kinaroroonan.Tila nangungusap ang mata ng ibon ng aking titigan.

Pero bago pa ito makalapit ay agad itong lumagapak sa lupa.Nagsilagas ang mga balahibong ibon nito.

Kasunod ang presensya ng dalawang nilalang na aking nakikita.

'Rico..'

Maagap akong napabangon sa isang malalim na panaginip.Panaginip o Bangungot.

Halos tumulo na pala ang pawis ko sa noo nang makapa ko ito.

Tinignan ko ang katabi ko.Mahimbing na natutulog.Imposible naman mangyari ang mga nakita ko sa panaginip.Saka sabi nila kabaligtaran nito ang realidad.

Sa madaling sabi hindi totoo iyon.

Pero palaisipan ang aking nakita sa aking panaginip.

Dagat,uwak at si rico.

Isa pa ang taong malabo ang kaniyang mukha.

Biglang nanuyot ang aking lalamunan.Para bang maalinsangan sa paligid kahit na bukas ang Aircon sa silid.

Dahan dahan akong bumaba sa kama.

Balak kong kumuha at uminom na rin ng tubig sa kusina.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng makarinig ako ng pag vibrate ng kung ano sa side table ng kama sa tabi ni rico.

Pinag iisipan ko pa kung kukunin ko ito o hindi.Medyo alangan ako dahil baka kung anong isipin nito kapag nagkataong makita niya na hawak ko ito.Pero tila sobrang himbing nito sa pagkakatulog at hindi alintana ang ingay sa kaniyang paligid.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tignan ito.

Nabigla lamang ako dahil hindi cellphone niya ang tumutunog kung hindi ang akin.

Miguel calling....

Mabilis ngunit marahan akong kumilos makalabas lamang ng silid namin.

Doon ko sinagot ang tawag nito.

Napatingin ako sa wall clock sa tapat ko.Dis oras na nang gabi,bakit pa siya tatawag ng alanganin?

'Hello?'bungad ko.

'Khalil?!'halata sa boses niya ang pagkagulat.

'Miguel?bakit ka napatawag?'

'Mabuti at sinagot mo ang tawag ko.Nag aalala kasi ako.Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag at text ko.Nag aalala ako.'tila may kung anong lungkot ang siyang aking naramdaman ng sandaling iyon.

'Pasensiya ka na.Miguel'Ipinaliwag ko na maayos naman ako kahit na isa lamang itong kasinungalingan.

'Sinasaktan ka ba niya..'natigilan ako sa sinabi niya.Sabihin ko man sa kaniya ay wala rin siyang magagawa dahil mahal na mahal ko si rico.

'Mikee,alam ko ng marami ka nang napagdaanan sa buhay.At malungkot ako dahil wala ako sa tabi mo ng mga panahong iyon.Na sana ay ako ang naging sandalan mo ng sandaling iyon.Pero mikee alam mong may hangganan ang saya at maging ang lungkot.Nandito ako mike,handa akong saluhin ka kahit durog na durog ang puso mo.Mikee,mahal kita.'

Napahugot ako ng paghinga.Kung sana noon pa lang miguel.Pero hindi.Hindi ko maiaalis sa aking puso at isipan ang pagmamahal ko kay rico.

'Miguel,salamat.Salamat kasi naging mabuti ka sa akin.At yung nararamdaman mo baka hindi para sa akin talaga ito nakalaan.Baka mas may nararapat pa na taong siyang naghihintay sayo.Kahit anong mangyari hindi ako magbabago.Mananatili akong kaibigan mo.'

Rinig ko ang isang malalim na paghinga rin nito sa kabilang linya.

'Mike,alam kong sinasaktan ka niya.Pero sana wag sanang dumating sa puntong may masamang mangyari sayo.Hindi ko siya mapapatawad mike.-'

Hindi ko na natapos iyon nang agawin ng kung sino ito sa aking kamay.

Nakita ko na itinapat niya ito sa kaniyang tenga.Matalim na pagtitig niya ang siyang sumalubong sa akin.

Doon ko rin napansin ang pag igting ng panga nito.

'Hindi siya mapapasayo kahit kailan'

Sabay putol nito sa tawag at napapitlag ako nang ibato niya sa dingding ang gamit ko.Nakita ko ang pagpira piraso nito mula sa pagtama.

Inisang hakbang niya lamang ako at ipinangko ang magkabilang braso sa nanggigil na mga kamay.Bumabaon ang mga kuko nito sa aking balat.

'SA TINGIN MO HAHAYAAN KO SIYANG KUHANIN KA NG BASTA BASTA!!'

Nanlilisik ang mga mata nito na siyang hindi ko kayang salubungin.

'LOOK AT ME MIKE!!'

Napaigik ako ng bigla ako nitong isandal sa malamig na semento sa aking likuran.

'Never again mike!Hindi ko hahayaang maging masaya kayo ng ahas mong kaibigan.Hindi ko hahayaang magkita kayong dalawa.At kung kailangan ikulong kita gagawin ko'

Hindi maari!ayoko nang bumalik pa roon.

'Rico..w-wag!wag mong gawin ito!'


A/N:Medyo abusive/SPG na mga mars!

>C.G

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon