THM:4

20.8K 631 40
                                    

( R I C O )


Lumaki ako sa isang marangyang pamumuhay.Yung kahit hindi ko hilingin ang mga bagay bagay kusang ibinibigay ito sa akin ng mga magulang ko.Bata pa lamang ipinamulat na nila sa akin kung ano ang halaga ng salapi sa buhay ng tao.

Nang makapagtapos sa akin ipinasa ang mga pinalagong yaman ng aking magulang.

Hawak ko ang ibang sangay ng malalaking korporasyon at mga negosyo na ang ilan ay sa ibang bansa pa.

Tuluyang naging masaya ang buhay ko ng maitali ko sa aking pangalan ang taong mahal ko.

Hindi alam ng karamihan na ang mamahalin ko ay isang kapareho kong kasarian.

Si Mikee.

Una pa lamang nakuha na niya ang atensyon ko.Sa una ay nag aalangan na muli akong masaktan.Ngunit hindi ako nagpadala sa mga bagay na pinagdaan ko noon.Bagkus,ninais kong makilala siya ng husto.

At dahil doon,mas lalo akong nahulog sa kaniya.

Noon,akala ko ang pag ibig ay para sa babae at lalaki lamang.Hindi ko lubos inakala na siya ang pupuno sa mga bagay na kulang sa akin.Noon na akala ko ay sapat na ang mga bagay na mayroon ako .Ngunit para sa isang tulad niya.Nakita ko ang pagmamahal na hinahanap-hanap ko.

Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kapareha kong kasarian.Noong una ay nagaalangan pa ako sa nararamdaman ko sa kanya.Hanggang siya na ang kusang lumayo sa akin.Noong panahong iyon.Doon ko lang napagtanto ang labis niyang halaga sa akin.Tila sa bawat pagmulat ko ay siya ang aking hanap hanap.

Sa pagkakataong iyon,Hindi ko na siya pinakawalan pa.Pinaalam ko sa aking magulang ang aking nararamdaman.Sa una ay hirap pa nila itong unawain.
Pero sa huli.Sino nga bang magulang ang hindi makakaunawa sa anak.They truly accepted my personality nor my feelings to him.




Medyo papungas pungas pa ang aking mata ng mapabangon ako.May naulingan akong alingawngaw sa kung saan.Tinignan ko yung katabi ko.Subalit wala akong nabungaran.

Dali dali akong lumabas kahit walang pang itaas.

Bukas ang ilaw sa buong sala sa ibaba.

Nang makababa ako aligaga ang katulong na si sonya na siyang una kong nabungaran.May hawak na planggana na naglalaman ng tubig at bimpo.Para saan naman yun sa ganitong dis oras ng gabi?

"S-sir.."nang makita ako nito.

Halata sa mukha nito ang gulat."S-sir si sir mikee ho.."tila ako man ay nagulat sa kaniyang sinabi.

"Nasaan siya!"

Sumunod ako sa kanyang paglakad at nakita kong pumasok ito sa silid nila.Sumunod na lamang ako.

Bumungad sa akin ang pagaasikaso ng matandang katulong na si aling rusing.Dali dali niyang pinupunasan ang katawan ng walang malay na si mikee.

"What the f** happen to him!"napasigaw ako sa kaba.

Maayos naman siya kanina.But,shit!pinangunahan na naman ako ng galit na pinaghalong libog.Kaya't hindi ko na pigilan ang tawag ng laman.

Lumapit kaagad ako sa kanya.Bubuhatin ko na sana siya ng makapa ko ang tila nakakapasong init sa balat niya.

"S-sir,na-nawalan po siya ng malay kanina habang kumakain."sandig nito sa akin habang patuloy na pinupunasan ang braso ni mikee.Nahihiya ako sa lagay na iyon.Tila nilukob ako ng awa sa nagawa ko.

"Sa kwarto na lang po namin ninyo iyan ipagpatuloy."i said in low tone.

Ibinalot ko sa kaniyang katawan ang kumot at saka binuhat.Kapansin pansin na rin ang kaniyang paggaan.Pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha ng akin itong buhat buhat.

Napakaamo nito.Ang may kanipisang labi at matangos na maliit na ilong nito.Ang kaniyang mata na napapalibutan ng may kakapalang pilik mata.

Dahan dahan ko syang ibinaba sa kama.

"Hmmmm..."ungol nito.

Bahagyang nanginginig pa ito at napiktad sa kanyang turan.

"Ser,paiinumin ko po muna ng gamot si Ser mike..mukhang nakaligtaan po niyang inumin ito."hawak ni aling rusing ang tableta at isang basong tubig.

"Ako na lamang ho,magpahinga na lamang po kayo at ako ng bahala mag-asikaso sa kaniya."inabot nito ang kaniyang mga hawak at sinunod ang aking hiling.

"Sige po ser,"paalam nito at saka tumungo palabas ng silid.

Nagpasya akong kumuha ng damit nito at saka pinalitan ko ito.

Pinaupo at pinasandal ko muna sa headboard ng kama.

"Mike,inumin mo muna ito."

Marahang paggising ko rito.Subalit tila ayaw niyang inumin ang hawak kong gamot.

"Ric,ayoko niyan...isusuka ko lang yan."sabi nito at aktong hihiga na siya subalit inunahan ko na ito.

I just turned the drugs into my mouth.And...

Napamulat ang kaniyang mata sa aking ginawa.Hindi niya inasahan ang paghalik na aking ginawa.

Mabuti at nalunok nito ang kaniyang gamot.

"Let's take a rest now"

I said.After i wipe a stray of water from his mouth.Inihiga ko siya at kinumutan matapos.

Kahit mainit ang katawan nito walang alinlangan ko itong niyakap.




































VOTE AND COMMENTS.

-C.G;》

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon