T M H : 4 7

5.6K 213 16
                                    

(   R    I     C    O   )

'Kuya,nakakaawa naman ang nangyari sa taong yon'sabi ng kapatid ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta ng parking lot ng ospital para umuwi na.

Nabahala ako sa sinabi ni miguel kanina.

'Nanganganib ang buhay ng mag asawa.Kailangan nating magdoble ingat.'

Hindi naman ako nababahala.Madami na ang pinagbantay ko sa labas ng bahay.Inukopa ko sila para lang sa kaligtasan ng asawa ko.

Minsan nga ay muntik na naman kaming magtalo dahil doon.Naiilang daw siya sa dami nila.

Pinaliwanag ko naman na para sa kaligtasan namin iyon.Sumang ayon din siya kalaunan.

Nagiging maganda na ang samahan namin sa mga nakalipas na araw.

Matapos lang ang ginagawa kong ginagawang trabaho ay yayain kong magbakasyon si mikee sa labas ng bansa.

Saka namin ipagpapatuloy ang plano naming pag aampon.Biniro ko pa siya noon..

Okey,ikaw muna ang baby ko..

Nag iinit ang pisngi ko ng sandaling iyon.Argh!parang nabubuhay ang alaga ko sa ilalim ng pants ko ng maalala ko yung biruan namin na nauwi sa pagtatalik.

Then,i realized something.Kung sana ay mas inuna kong isipin ang mga bagay na dapat kong paniwalaan noong una.Edi sana ay mas naging maganda ang pagsasama namin noon pa lang.Nanghihinayang ako sa mga panahong naging jerk ako sa katulad niya.Ang gago ko!

Pero kahit ganoon ako kagago sa kaniya nagawa niya akong patawarin at patuloy na mahalin.

Napapaisip ako.Napapaisip ako kung babagay pa ba ako sa isang katulad niya.Isang katulad niyang pinakita sa akin ang totoong pagmamahal sa kabila ng lahat.Its too late to see how faithful the love he given to me.Pero hindi ko dapat isipin na isuko pa siya.Siya na ang taong gusto kong makasama sa mahabang panahon.

'

Kuya,bakit huminto ka?anong bibilhin mo?'hindi ko pinakinggan ang tanong niya bagkus bumaba ako ng kotse.Saka pumasok sa loob ng convinient store.

'At kailan ka pa kumain ng ice cream kuya?Wow chocolate flavor pa!pahingi ah!'tinampal ko ang kamay niyang humawak sa lalagyang hawak ko.

'Sa amin ito ni mike,nagcrave siya kagabi habang nanonood ng palabas.Para mamaya ito.'Naalala ko kasing nagsabi siya kagabi habang nanonood kami.Hindi naman kami nag-istock nito sa ref.

'Bumili ka ng iyo.May pera ka naman.'

'Hmp!ang selfish mo talaga kuya!di bale sa asawa mo na lang ako hihingi.'napanguso pa ito saka kumuha ng chichiryang nasa stante.

Halos mabilis akong nagdrive pauwi.

Nagtaka ako ng walang lumalabas para pagbuksan kami ng gate.

Kinuha ko ang supot ng pinamili ko.At saka kinatok ang gate.

'Hey!open this gate-'nagulat akong bukas ito at hindi nakakandado ng maitulak ko ito.

Kasunod ko na rin pala si johann na kinakain na ang pagkain niya.

Hindi ko maintindihan subalit nakadama ako ng kaba.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang ilan sa mga tauhan ko sa veranda ng hardin.Ang ilan ay hirap pang bumangon.Ang iba naman ay nakahiga pa,halatang walang mga walang malay.

'Anong nangyari?!'sigaw ko.

'S-sir pinasok po kami ng mga lalaki.M-mabilis silang nakapasok sir.'napayukom ako ng kamao sa inis.Napakatanga nila paano sila mamapapasok gayong gwardyado nila ang paligid.

Akmang magwawala ako ng pigilan ako ng kapatid ko.

Pumasok sa isip ko agad ang asawa ko.

'Si mikee!'

Dali dali akong pumasok sa loob ng tahanan.Basag na mga kasangkapan ang nagkalat sa sahig.

Natanaw ko si sonya na inaalalayan si manang rusing.Kita ko sa dalaga ang sugat sa kaniyang mukha.

Fuck!pati yung matanda dinamay nila!

'S-sir!'gulat na sabi ni sonya ng makita ako.

Dinaluhan ng tulong namin sila.

Magtatangka pa lang akong magtanong ng unahan na ako ni sonya.

'Sir,si sir mikee kinuha po nila..'nakakapanlumo ang kaniyang ibinalita.

'Nakita ko pong buhat buhat nila ito.Wala po siyang malay.'dagdag pa niya na lalong ikinabigat ng aking dibdib.

'Kilala ko po kung sino yung isa sa kanila.Siyang dating nadadalaw rito.Sir,yung christian po.Yung christian po ang kumuha sa kaniya.'Gigil kong nailamukos ang aking palad.

'Hindi siya si christian.'tugon ni johann.

Sa ganoong pag iisip ay tumunog ang cellphone ko.Unknown registered number ang lumabas.

Sinagot ko ang tawag na yon.

'Hello,darling..Kamusta na?do you missed me..'sumambulat sa akin ang tinig na iyon.

'Bull**it!saan mo dinala ang asawa ko!wala siyang kinalaman dito cedric!pakawalan mo siya!!'asik ko.

'Uh,uh,uh..ano ako tanga?wag mo akong igaya sa katulad mong utak dikya.Gusto mo marinig ang boses niya?'

'Ric!ric wag ka nang pumunt-'boses ni mikee iyon!

'Hmm..ano?pinakinggan mo bang mabuti?Kasi baka ito na ang huli mong maririnig ang boses niya.Baka hindi na pangalan mo ang isisigaw niya kapag natikman ko na siya.Hahaha..Bilisan mo ang paghahanap sa akin rico.Kung ayaw mong makita na nakaratay na sa ataul ang asawa mo.'nangilabot ako ng sandaling iyon.

Sasagot pa sana ako ng putulin na ang tawag nito.

'Kuya anong sabi?'hindi ako makaumang sa takot na naiisip ko ng sandaling iyon.Sa tangkang totohanin niya ang nais sa aking asawa.

Kalaunan ay dumating si christian.Kasama ang isang kaibigang pulis na siyang katulong nito sa kaso.

'Wag ka mag alala rico.Positive na ang hide out na pinagtataguan nila ngayon.Sinabi ni danilo ang mga pwede niyang pagtaguan.Mabuti pang kumalma ka at wag magpadala sa pangyayari.Maililigtas din natin ang asawa mo.'siyang pakiusap nito.

Pero hindi ko maitago sa sarili ko ang galit.Galit na may mangyaring masama sa kaniya.Sumama kami sa operasyong gagawin sa pagsugod sa pinagkukutaan nila.Hindi nila alam na may dala akong baril.

At sisiguraduhin kong ako ang papatay sa kaniya..

Itutuloy...

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon