T M H : 5 3

6.1K 178 5
                                    

'Tan,totoo ang sinasabi ko!'napataas ang kaniyang boses habang kausap ang kakambal.

'Ced,baka naman namamalik mata ka lang.Nagsleep walking ka na naman ba kagabi?'umiling ang kaniyang kausap.Narito sila sa silid nilang dalawa.Pawang nakatakip ang mga kumot sa kanila.Habang nakapalibot ang laruang mamahaling inuwi ng kanilang ama sa kanila kanina lamang.

Isang mayamang pamilya ang saka nila ay kumupkop.Ang mag asawang Fajardo at Celestina.

Galing sila sa bahay ampunan ng sandaling ampunin sila nito.Dahil sa hindi mabiyayaan ng anak ang mag asawa ay nagawa na lamang nilang mag ampon.Ang pagiging baog nang lalaki ang siyang naging problema para sila ay magka anak.

Labis naman ang kasiyahan ng mag asawa ng dumating sa buhay nila ang kambal.

Christian dale at Christopher cedric Lee.

Silang dalawa ang kumatawan sa kakulangan ng mag asawa.

Magdadalawang taon ng sila ay kupkupin.Si cedric ay pawang sakitin simula pa noon.Habang ang kakambal niyang si christian ay puno ng kasiglahan.

Marangya ang kanilang kinalakhang pamumuhay.Ang ama nila ay malaki ang pinamamahalang negosyo sa loob o labas ng bansa.Habang ang kanilang ina ay abala sa mga iba ibang klaseng bagay.

Bagay na hindi lingid sa kanilang ama.

'Rinig na rinig ko sila kagabi.Alam kong si mommy yun.'siyang pangangatwiran.

'Ano ba kasing narinig mo?ced'

'Narinig ko ang ungol mula sa kwarto nila mommy at daddy.Pero kakadating lang ni daddy kanina.'Siyang mahina nitong bulong sa kakambal.

'E ano naman kung wala pa si daddy kagabi?baka naman bukas lang ang t.v ni mommy at iyon ang narinig mo?'si Christian.

'Hindi dahil nakabukas ang pinto at rinig ko ang mga ungol ni mommy at..'napahinto ang bata dahil sa pag iisip ng tamang sabihin sa kausap niya.

'At?'siya nitong usal.

'P-parang may kasama si mommy sa kwarto.'alangan ang kaniyang pagsasabi at halata sa mukha ng kaniyang kakambal ang hindi pagkakapaniwala sa mga sinabi.

'Kasama?baka naman guni guni mo lamang iyon.'pagpupumilit na tugon sa kaniya nito.

Napipi na lamang ang kaniyang bibig ng sandaling iyon.Baka nga naman,pero sadyang dinig na dinig niya ng mapadaan siya sa silid nang tinuturing nilang ina ng gabing iyon.

Pinili niya na lamang kalimutan ang mga ito sa dahilan na wala naman magandang idudulot ito kung guni guni lamang daw ito.

Makalipas ang ilang araw ay muli na namang tumulak ang kanilang ama sa labas ng bansa para sa kaniyang bussiness trip.

Pinilit pa niyang isama ang asawa subalit siyang tanggi ni celestine dahil abala siya pag iintindi sa dalawang bata.At kung susumahin naman ay hindi na kailangan dahil sa may kaniya kaniya naman itong mga katulong na ngangalaga.Kung baga ay kaniyang alibi para sa asawa.

---

Gabi na nang makarinig ng kung ano muli ang paslit sa labas ng kaniyang silid.Tila may kung anong kaluskos sa labas ng naturang pinto.

Tinignan niya ang kaniyang kakambal sa katapat niyang kama.Nahihimbing sa pagtulog.Nagpasyang bumaba mula sa kinahihigaan.

At sandaling iyon lakas loob siyang sumilip pagkaraan niyang dahan dahaning buksan ang pinto ng kanilang silid.

Wala siyang natanaw sa labas nito.Pero nagawa niyang lumabas at doon narinig ang pagsara ng pinto mula sa kwarto ng kaniyang mga magulang.

Kinurot niya ang kaniyang braso.Wari'y sinusubok kung siya ay nanaginip lamang ba.

Ngunit hindi ng masaktan siya ng kaniyang sarili.

Lumakad siya ng walang ingay papunta roon.At sandaling napahinto sa pagkakataong iyon.

Sa labas pa lang rinig niya na ang kakaibang ungol.Ungol na minsan niya nang narinig.

Ungol na para bang nagdedeliryo sa sarap na nararamdaman.

Ungol na sa tingin niya ay may kung anong masarap na pagkaing natitikman.

Kusang humawak ang kamay niya sa seradura ng pintuang ito.

Bukas ito nang kaniyang subukang pihitin.

Maingat ang hawak at pagpihit sa doorknob ng pintuan nang kanilang magulang.

Kuryosidad ang siyang tumatakbo sa utak ng bata.

Nais niyang malaman ang dahilan ng kakaibang tunog nito.

Subalit sumambulat sa kaniyang mga inosenteng paningin ang nangyayari sa silid na ito.

Ang kanilang ina at ang driver ng kanilang pamilya.Walang mga saplot at magkasupong ang mga labi sa kama ng kanilang ama at ina.

A/N:.1,ibig sabihin may kasunod pa.Iba yung Extra na sinasabi ko guys.Gusto ko lang malaman niyo ang past ng kambal.

>C.G

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon