T M H : 2 5

11.9K 346 26
                                    

(  D A N I L O    A M A N T E  )

"Kuya kailan ba ako makakalabas ng ospital?"Nababakas ko sa mukha niya ang lungkot.Marahil naiinip at nagsasawa na siya rito.

"Xy,makakauwi ka na rin kapag gumaling galing ka na.Kaya sana magpalakas ka na at makapagbonding ulit tayo."Medyo umaliwalas naman ang kaniyang malungkot na mukha kanina.

Siya si Galaxy.Labing isang taong gulang pa lamang siya.Subalit sa kasamaang palad nagkaroon siya ng sakit na leukemia.Dahil hindi naman ako nakatapos ng pag aaral dahil sa maagang pagkaulila ay wala akong maganda at maayos ayos na trabahong makuha sa panahong nagigipit ako.Lalo na at kaming dalawa na lamang nito ang magkasama sa buhay.

Gastusin sa upa,pagkain pati pag aaral ni galaxy ang siyang aking ginagapang sa araw araw.

Dumagdag pa ang pagkakaospital nito na nangangailangan ng malaking halaga.Sa pag chemotheraphy pa lang ay halos magkandautang utang na ako.Paano na lang sa mga gamot at pamamalagi nito sa ospital sa pang araw araw.

Kahit anong raket  yata ang pasukin ko noon ay hindi sumasapat sa mga dapat kong bayaran.

Wala na akong maisip na paraan para tulungan ang kapatid ko sa kaniyang karamdaman.

Pero mukhang dininig ng diyos ang mga daing ko ng sandaling iyon.

Si Jio,kasamahan kong waiter sa isang ineekstrahan kong trabaho sa club.

Kagaya ko ay kapos ito sa buhay.May pamilya itong tinutustusan sa probinsya.Nang malaman niya ang sitwasyon ko ay nag alok siya ng mapagkikitaan ko.Malaking halaga raw ang siyang aking makukuhang pera.

Dahil sa kailangan na kailangan ko nga ng pera ay kaagad akong nagsabi na "Oo payag ako."

"Mabuti naman,may itsura ka naman na makakahalina sa mga parokyano."Bigla akong napaisip sa sinabi niya."Anong ibig sabihin mo pare?"

"Pare,sa trabahong ito isang gabi lang mas doble ang kikitain mo kesa kagaya nito."ayon sa kaniya.

"Eh,ano bang trabaho ang tinutukoy mo?"Lumapit siya sa akin matapos sipatin ang lugar na aming kinatatayuan.

"Tikiman ng laman."

Napa atras ako sa sinabi nito.Mali ang ganoong trabaho para pasukin para lamang sa pera.Pero anong gagawin ko sa panahon na gipit na gipit at wala akong maaasahan.

"Ano pre payag ka ba?wala namang masama kung minsan kakapit ka sa patalim.Alam ko yung nararamdaman mo sa katayuan mo sa buhay.Aminin ko man sa una masuka suka ako sa sarili ko.Pero isipin ko pa lang ang pagkalam ng sikmura ng tiyan ng mga anak ko,nagagawa kong tiisin lahat ng kababuyan nila."Sabi nito.

Hindi ko maatim sa aking sarili na ipagamit ang katawan para lang masolusyunan ang aking problema.

"Pre,pag iisipan ko muna.Ayoko sanang magmalinis pero hindi ko kaya pasukin ang ganoong trabaho."Pagtatapat ko.

"Ayos lang pre,naiintindihan ko.Basta sakaling magbago ang isip mo ay sabihin mo lang."Matapos ang pag uusap namin nito ay bakas pa rin sa aking isip na sayang ang kikitain na pera,na dapat ay mapapangdagdag ko sa pambayad.

Kaagad akong nagtungo sa ospital pagkagaling ko sa trabaho.Naabutan ko ang kapitbahay naming si aling cora na nagbabantay sa aking kapatid.Byuda ito at wala ring anak bukod sa pamangkin niyang nag aaral na sa kolehiyo.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon