T M H : 1 8

13K 471 38
                                    

( M   I   K   E   E  )

Masyado nang hating gabi at wala pa rin si ric.Hindi niya naman sinasagot ang mga tawag at text ko.Kanina pa lumamig ang niluto kong hapunan para sa amin.

Hindi ko naman batid kung nasaan siya sa mga oras na ito.Kaya ibayong pag aalala ang aking nararamdaman.

Sumapit na ang ala una pero wala pa rin siya.Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at lumabas na ako ng bahay dala ang kaunting pera para sa pamasahe.Ewan ko pati yung driver namin hindi ko matawagan gayong kasa kasama rin ito ng asawa ko.

Natatakot ako baka kung ano ng yari sa kanila.

"Oh iho saan ka pupunta?"sumunod pala sa akin si manang sa gate.

"Eh manang nag aalala na po kasi ako kay ric."kaagad akong nilapitan nito.

"Anak,saan mo naman hahanapin iyon kung gayon?"Tama nga naman saan ko nga hahanapin ito gayong wala naman akong alam sa madalas nitong puntahan.Pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

"Sa opisina niya manang,baka naroon pa siya.Magbabakasakali na rin po ako na naroon siya."napapayag ko naman ito sa huli.

Naglalakad na ako palabas ng village.Malayo pa kasi ito,ilang bloke pa ng kanto bago ang main gate nito.

Beep!Beep!

Napaigtad ako sa paglalakad ng may nagbusina sa aking likuran.

Akala ko ay pinatatabi lang ako nito gayon nasa tabi naman ako.Huminto ito.At saka ibinaba ang salamin ng bintana ng sasakyan niya.

Si Fred.

"Uy mikee!hating gabi na ah?!saan punta mo?"agad nitong tanong.

"Ah..may pupuntahan lang."sagot ko.

"Hop in!hatid na kita.Matagal kang makakasakay diyan sa labas.Sa ganitong dis oras ng gabi."Kaagad naman akong sumakay.Medyo matatagalan nga akong maghintay ng masasakyan.Anong oras na rin kasi at panigurado ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa mga oras na ito.

"Hehehe..salamat fred."nagulat naman ako sa mabilis na pagsuot nito ng seatbelt sa akin.

"Hmmm..hehe para safe.Saka saan ba kita ihahatid?Emergency ba?kaya dis oras ng gabi ay kailangan pang puntahan.Siguro chicks yan pre!"natatawa nitong hayag.

"Asawa ko yung pupuntahan ko pre,"halata ang pagkagulat nito sa mukha.

"Asawa?!may asawa ka na pala?"takang sambit nito at napatango na lamang ako bilang tugon.

Itinaas ko pa ang aking kamay para ipakita ang daliri kong may suot na wedding ring namin.

"Naks!pre..akalain mo yun may asawa ka na pala akala ko eh.."napatigil sandali sa pagpapatakbo ito ng mag red light ang stop light."akala mo ano?"sabat ko.

"A-eh..akala ko kasi s-single ka pa eh?"sagot nito.Pansin ko ang pagkailang nito.Tinanguhan ko na lamang siya.

Makalipas ng ilang sandali,nakarating kami sa sinabi kong lugar."Company building?Sure ka mikee?Dis oras ng gabi nandito pa ang asawa mo?Naks ang sipag naman ng misis mo..Sinakop buong OT ah?!"Napangisi na lang ako.

Palabiro pala ang isang ito.Tingin ko mukhang happy go lucky lang itong si fred."Hahaha..sige..salamat sa paghatid.Masyado na yata akong naging abala sayo."

"Nahh..wag mong isipin yun,anyway pakilala mo ako sa asawa mo next time,swerte niya sayo..cute na humble pa!"pagbibiro nito ulit matapos ay nagpaalam na ako sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan.

Kaagad akong tumungo sa harap ng gate nito.Naabutan kong nagkakape pa ang dalawang guwardiya rito.

"Uy si ser mikee pala!"kaagad akong nakilala nung isa.

"Ser,ano pong atin?hating gabi na at napasugod pa po kayo?"kilala nila ako dahil na rin sa pagpapakilala ni rico sa akin sa kaniyang mga tauhan.Abot abot pa ang hiya ko noon pero hindi ko rin maiwasan kiligin.Pinakilala niya ako noong bago pa man kami ikasal.

"Ah,manong andiyan pa ba ang sir niyo?wala pa kasi siya sa bahay eh?"

"Naku,sir kanina pa po umalis kasama ng isang kaibigan niya."Paliwanag nito.

"Kaibigan?kilala ninyo ba kung sino?"hindi ko maiwasang kabahan.Ilan lang ang kaibigan niya rito sa pilipinas.Ang alam ko lahat ng matalik niyang kaibigan ay nasa ibang bansa.

"Jonathan tignan mo nga sa log book kung sino yun?'utos nito sa kasamahan'pasensiya na sir hindi naman kasi ako duty ng maghapon dito eh."paliwanag pa nito.

Dumating kaagad ang kasamahan niya.At ibinigay ang log book dito.

Ilang silip pa sa mga pahina ang ginawa niya.

"Ser..ito nga,si Mr.Christian Lee nga po yung kadalasang napunta rito at bumibista kay ser rico."

C-christian...Christian Lee,

(A/N:haay..si papa god mukhang nageenjoy bigayan ako ng problema..ano pa nga ba edi syempre kailangan harapin..sabi nga nila nasa tao na kung paano niya haharapin ang pagsubok niya sa buhay.Ayan makata na naman ang peg ko.aheher.Akala ko nga hindi ko maaupdate ito.Mabuti na lang nagsegwey ang free time para sa akin..kaya sana maunawaan niyo kung once a week ko na lang maupdate ito.Pero i tried na makadalawang ud per week.Nga pala enjoy ako sa mga votes and comments niyo guys!nagrank na ang story na ito in random..MARAMING SALAMAT sa mga sumupport nitong gawa ko.Marami kayong aabangan pa sa buhay nila rico at mikee.)

-c.g

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon