T M H : 14

15.2K 464 41
                                    

(   R   I    C    O  )

Past..

One year ago.Bago ako maka usad  sa lahat ng bagay.Hindi ko maiwasan ang muli siyang isipin.Laking pasalamat ay gumaling pa ako sa nangyari sa akin.Depression.Iyan ang naging sakit ko. Hanggang sa hindi na kinaya ng utak ko noon.Pero sa tulong ng pamilya ko nagawa kong gumaling at makalabas sa Mental hospital.

Akala nila hindi na ako gagaling pa.Laking himala na lamang ang nangyari sa akin.

Tanda ko pa ang araw na nagpadurog  sa aking puso.Ang malaman kong mula sa kanya mismo.Na hindi pala niya ako minahal bagkus ay ginamit lang sa pansariling pangangailangan.

Ibinigay ko ang lahat.Pagmamahal at tiwala.Pero sa huli?Hindi ko na siya nagawang ipaglaban.Bakit pa, kung siya na ang pumili sa taong nais niyang makasama.

Ako?Dahil sa wala pa akong maipagmamalaki o mapanghahawakan para sa kaniya.Tila basura akong itinapon lang basta kung saan.

Inaamin ko na happy go lucky ang isang tulad ko.I used to play people.There feelings,also when it comes to bed.At first lahat ng iyon ay naeenjoy ko.Walang kasawaan.

But,not when Christian Lee came to my life.Everything has changed easily.

Hindi ko alam pero sa una pa lamang namin pagkikita ay umusbong kaagad ang kakaibang pagtatangi.Love at first sight huh?yeah it is.

Aksidente ang matatawag sa unang pagkikita namin.Nasa convention events ako nun para sa aming kumpanya.Noong panahong iyon ay wala pa ako sa mataas posisyon  para sa pamamahala nito.

OJT palang kung baga.Ayoko pa sanang magtraining noon.Hussel kung baga para sa akin.

Habang abala ang mga kasamahan ko sa pagtitipon.Ako naman ay seryosong naghahanap ng makakafling ko.

Sa kakatingin ko kung saan nahagilap ko ang isang taong nakapukaw sa akin ng husto.Naka uniporme itong puti at may mahabang manggas.Nakakahalina ang pagngiti nito lalo pa at napapasabay ang kasingkitan nitong mata.

Ngayon lang ako humanga sa itsura ng iba.

Waiter pala ito.Matapos kong makita ang pagserve niya ng mga inumin sa mga bisita.

Cute siya,ganoon ang masasabi ko sa kanya.At mukhang ka edad ko lang siguro ito.

Hindi katagalan ay tumungo ito sa gawi namin.Hindi ko maalis ang aking paningin sa kaniya.

"Good afternoon sir!"masaya nitong bati.At naglapag na rin siya ng kaniyang inuming dala dala.Hindi ko inaasahang dadako ang tingin niya sa akin.Sumalubong sa akin ang matamis na ngiti nito.At siya ring aking dinaluhan.

Umalis din kalaunan ito.Hinahabol tingin ko na lamang ito.

Matapos ang kahapunan na iyon.Hindi ko na muli siya nakita.Hinanap ko pa siya noong oras na iyon subalit walang makapagturo sa akin.

Noong kinagabihan hindi ako makatulog.Nasa isip ko pa rin ang  mukha niya.Tila hindi mawaglit ang ngiti nito sa akin.

Napabangon ako ultimato sa aking higaan.Napahilamos ng mukha.

Ano ba itong iniisip ko?

Una,humahanga ako sa kaniya.

Pangalawa,hindi maalis sa isip ko ang kaniyang pigura.Lalo pa ang mga ngiti nito.

Pangatlo,Hindi ako sigurado.Nalilito.

Bakla ba ako?

Makalipas ang ilang araw ay ganoon pa rin.Naroon pa rin siya sa aking isip.Ang misteryosong lalaking nakakapagpagabagabag sa akin.

Paminsan minsan umaasa pa rin ako na muli makikita ko siya.Subalit wala at hindi ko rin siya matiyempuhan sa hotel na iyon.

Dapat na ba akong sumuko?

Pero dininig yata ng langit ang ibinubulong ng aking isip.Nakita ko siya muli sa isang sikat na bar.

Mabuti at natiyempuhan ko ng imbitahan ako ng mga barkada ko.Halos masiyahan ako sa mga oras na iyon.

Waiter muli siya.Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinalampas ang magkakilala kami.

Hinintay ko siyang matapos sa kaniyang trabaho.Naguwian naman na ang mga kasama ko.

Hinihintay ko siya mismo sa entrada ng bar.Mga sandali pa ay lumabas na rin siya kalaunan.

"Hi?"tila nagulat siya ng makiya ako.

"Ano po kailangan nila?"may kailangan nito sabi sa akin.

"Ah..wala gusto ko lang sana makipagkilala?kung hindi nakakaabala?"

"Ok lang naman kaso.."

"I'll get it,alam ko sa panahong ito mahirap magtiwala pero wala akong balak na kung ano pa man.And gusto ko lang mag offer ng work at the same time"minsan kailangan mong gumamit ng white lies para bagay na gusto mo.Wala naman kasi akong ibang maisip na pwedeng ikagaan ng loob niya sa akin.

"Ano po ba iyon,sir?"

"May party gathering kasi sa amin so kailangan ng mga mag aasist.since nakita na kita minsan magtrabaho siguro wala naman masama kung kunin kita."Kinakabahan ako na baka tanggihan nito ang alok ko.

"Sure sir!kelan po ba iyon?"sabi pa nito.At saka ako nakahinga ng maluwag sa sinagot niya.Pumapayag siya!

Ibinigay ko ang calling card ko.Agad naman niyang kinuha ang card ko.Nagpasalamat din siya sa inaalok ko.Nalaman ko na working student pala siya kaya kailangan niya ng pera para panustos sa kaniyang pag aaral.

End of chap.



-Cinnamon Grapes.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon