T M H : 3 6

8.2K 266 13
                                    

( D   A   N    I     L   O  )

Halakhak ang aking narinig ng makapasok sa silid na siyang nagsisilbing hide out namin.

Mukhang kababa niya lang din nang tawag sa linya ng telepono sa kung sino.Nang ito ay aking datnan.

Sa maamo niyang mukha hindi mo aakalaing may malademonyo itong pag uugali.

Ano bang dahilan niya at nagagawa niya ito sa kapwa niya.

Ang manakit,

Ang manira ng samahan ng ibang tao.

Higit sa lahat ay ang pumatay.

Pinalaki ako ng magulang ko na may takot sa diyos.Pero hindi ko alam na mababali ko ang paniniwala na kanilang itinuro sa akin ng dahil lang sa isang tao.Nang dahil lang sa aking labis na pangangailangan ng pera.

'Mabuti naman at narito ka na.'Lumapit lang ako sa kaniyang kinaroroonan.

'Isa isa nang nasusunod ang mga plano ko,dan'pakiwari ko nagiging halimaw na ako sa kaniyang anino.

At ayokong umabot sa puntong iyon.

'Nagkakalabuan na sila,dan.Isama pa ang ampon ng pamilya namin.Masarap panoorin ang mga pangyayaring nagkakasakitan na sila sa isat isa.'

Sabi nito habang nakangisi sa kawalan.

Hindi ko lubos maisip ang mga bagay na pumapasok sa kaniyang utak.At sa tingin ko hindi normal para sa isang tao ito.

Tunay nga na isa sa mga nakakatakot o delikadong bagay sa mundo ay ang pag iisip ng isang tao.Na siyang tunay ayon sa aking mga nakikita sa taong kaharap ko.

Pinag iisipan pa lang niya.Tila nanayo na ang balahibo ko sa mga maaring mangyari sa huli.

Ano nga ba ang dahilan sa likod ng mga masamang hangarin nito sa mga taong ginugulo niya.

'Gusto kong subaybayan mo ang galaw nitong ampon ni daddy.Lalo na at alam kong gagawa siya ng paraan para makita ang pinakamamahal niyang kaibigan.'saka ang paglapat ng larawan ng kaniyang kapatid sa lamesa.

Alam ko nang mangyayari ito.Una pa lang na makita ko silang magkasama ni miguel.

Isa.

Isa na namang tao.

Hindi maari.Hindi maaring maging siya ay madamay rito.

Ayoko ng dumami ang mga taong kaniyang nais paglaruan.

Oras na para ilihis ko ang mga maling ipinapagawa niya.

Sa ganoong pag iisip pumasok sa aking isip ang mukha ng nakababata kong kapatid na si galaxy.Mabuti at maayos na ang kalagayan nito.Kailangan ko siyang mailayo sa lugar na ito.Sa buhay na ito.

Ayokong malaman niya ang mga kamalian ko sa buhay.

May sapat na akong ipon na siyang nakalaan para sa kinabukasan ng kapatid ko.Sa pagsisimula namin,pagbabagong buhay.

Alam kong makakaalis din ako sa rurak ng buhay at maging dilim nito.






Palihim akong nakamasid sa taong aking sinusundan.Kumukuha ng tyempo na maka usap siya.

Oo.Nais kong aminin at isawalat ang lahat.Lahat lahat ng kasamaan ng kaniyang kapatid.

Alam kong mauunawaan ako nito sa puntong masabi ko na ang lahat.

Nakayukyok ang kaniyang ulo sa luntiang damo sa kaniyang paanan habang nakaupo sa silyang kahoy ng parke.

Maingay ang paligid.Ang mga tao abala sa kanilang mga ginagawa.May nagtatawanan at naghahabulan.Subalit kabaligtaran para sa kaniya.

Tila nakakabinging katahimikan ang nasa kaniyang sarili.

Ang maamo niyang mga mata ay inuukopa ng kaniyang mga inaalala.

Oo kahit paano ay may kaalaman na ako sa kaniya.

Matalino,

Masipag,

At higit sa lahat matulungin sa kaniyang kapwa.

Kahit sino man ay mahuhulog sa kaniya.Hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi maging ang kaniyang mabuting kalooban.

Kung sana ay sila na lamang ni mikee...

Hindi na sila madadamay pa.



Halos mag dadalawang oras na ng maupo siya sa kaniyang kinaroroonan.

Pigil hininga ang bawat hakbang ko.

Hakbang patungo sa kaniya.

Napakuyom ang aking kamay.

Tumigil ang aking mga paa sa likurang bahagi ng kaniyang kinauupuan.

Isang malalim na paghinga.At,

'Miguel...'





A/N:PASENSYA NA PO SA MAIKLING UPDATE.(sa tingin ko dapat niyo rin paka abangan ang karakter niya sa kwentong ito.Hehe sa tingin ko lang.)

-C.G

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon