THM :33

7.8K 319 32
                                    

( M   I     K     E    E )

Ramdam ko ang matatalim na titig nito sa akin.Paalis pa lang nang bahay si miguel sakay ng kaniyang kotse.Alam ko na kagabi pa siya nagtitimpi sa akin.

Gustuhin ko man magpaliwanag ay ayaw niya itong pakinggan.Sa huli ay hinayaan ko na lamang sapagkat alam kong pagod din siya galing sa byahe.

Nasa isang kwarto nga kami buong magdamag.Sa iisang kama.Subalit kabaligtaran ng distansya niya sa akin.Malayo.Malayong malayo sa mga nakaraang gabi na inililingkis ang mga braso sa aking katawan sa tuwing kami ay nahihimbing sa pagtulog.

Napaigik ako sa sakit ng hilahin niya ang aking braso mula sa balkonaheng aming kinaroroonan.

Pabalya niya akong kinaladkad.Halos matisod na ako sa marahas na paghila sa akin.

'R-ric..Nasasaktan ako..'pero tila bingi ito sa aking pakiusap.

Natapos lamang ito ng makarating kami sa aming silid.Kaagad niyang sinarado ito.Saka inilock.

Madilim ang mukha nito ng humarap sa akin.

'Now.Explain'Malamig na turan sa akin.

'Ric,mali ka ng iniisip.Lasing lang siya ric'

'I heard everything!Mike'

Natigilan ako sa sinabi niya.

'R-ric..wala lang iyon-'

'WHAT?!!sayo oo wala pero sa kaniya iba ang dating mo.'nag igting ang kaniyang panga sa huli.

'Ric,hindi ako seryoso sa mga sinabi niya at kung totoo man yun.Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.'

Lakas loob akong lumapit sa kaniya.At inabot ang kaniyang kamay.Subalit kaniya itong iniwas.

Bagkus inilapat nito sa aking magkabilang braso at tila magkakasugat ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin.

'You know what,minsan mo na ako niloko mike.Pero kinalimutan ko iyon.Bakit?dahil mahal kita!'

'Hindi totoo yan ric!Kahit kailan hindi ko magagawa ang lokohin ka!'

'Nagawa mo na!at alam kong magagawa mong muli iyon!Tapos ano,iiwan mo rin ako sa huli.Hindi..hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin.'

Tila kakaibang rico ang siyang aking kaharap.Nanlilisik ang mga mata nito.Maging ang kaniyang kinikilos ay tila wala sa sarili.

Parang nauulit muli.

Nauulit muli ang mga bagay na marahas na kaniyang ginagawa sa akin noon.

'Hindi totoo yan ric.Mahal na mahal kita.'dali dali akong lumapit sa kaniya para siya ay yakapin.At akin naman itong nagawa.

Mahigpit ko siyang niyakap.

'Mahal kita rico.Ikaw na lamang ang meron ako.Hindi ko magagawang iwan ka.Lalo na at ikaw na ang buhay ko.Hindi ko kakayaning mawala ka.'humikhikbi kong sabi.

Katahimikan.

Dahan dahan akong lumayo sa kaniyang mga bisig.At inabot ang kaniyang mga labi.

Sa una ay hindi niya ito tinutugon subalit ng lumipas ang sandali ay kaagad ko nang naramdaman ang dila nitong ginagalugad ang aking bibig.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon