T M H :3 9

8K 265 32
                                    

(   M     I    K    E    E  )

Medyo mabigat ang talukap ng mata kong napadilat ng makaramdam akong ng marahang pag uga ng kama.

Nagmadaling bumangon ako ng makita ko ito sa bandang paanan ko na nakaupo.

'Ric..'napahilamos pa ako ng mukha bago humarap sa kaniya.

Nabigla ako ng abutin ng kamay niya ang aking paa na nababalutan ng kadena.

Hindi ko inasahan na kaniya itong sususian.Iginalaw ko ito nang maalis ito.Gumaan ang pakiramdam ko.Pero bakit?Bakit niya na ako pinakawalan.Siguro ay naniniwala na siya sa akin.

'Nandito si johann.Kaya ayusin mo ang kilos mo.Sa ngayon,hahayaan kita.Pero wag kang magkakamaling gumawa ng kahit anong ikagagalit ko.Wag mo akong sagarin mikee.'

Mali.

Mali pala.

Mali pala ang akala ko.

Kaya niya lang pala ito ginagawa dahil sa ibang tao.Para ano isiping ayos lang kami,at walang nagaganap na gulo sa pagitan namin.

Hindi ko namalayan na inabot niya ang bahagi ng paa kong ikinadena niya.Nakita ko ang pangangasul at may ilang maliit na sugat din ito dahil sa pagpipilit kong alisin ito.

May medical kit pala sa tabi niya.Pinahiran niya ng gamot ang ilang galos ko roon saka tinapalan ng hot compress.

Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya.Ganito rin naman siya noon.Matapos niya akong pahirapan saka niya ako gagamutin kalaunan.

At sa tuwing ganito siya hindi ko maiwasan ang umasa.

Kaya lang niya nagagawa ito dahil sa pagseselos.At hindi siya magseselos kung hindi niya ako mahal.

Una pa lang naman tanggap ko na ang ganito niyang pag uugali.

Oo,may pagkakataon na mahigpit siya lalo na kapag nagseselos.Kaya para sa akin ay inuunawa ko na lamang ito.

Kahit paano ay nararamdaman ko na mahal niya ako.

'Mag ayos ka na.Kahapon ka pa niya hinahanap.'Tumango na lamang ako saka siya lumabas.Pero bago pa iyon,napatigil siya at saka sumulyap sa akin.

Hindi ko mahulaan ang pinahihiwatig ng kaniyang mga tingin sa akin.




'Wow!nakakamiss talaga ang lutong pinas!The best talaga itong adobo mo mike..Nakakainggit tuloy si kuya.Mag asawa na rin kaya ako.'

Napangiti ako sa mga sinabi nito.At halatang halata naman talaga sa mukha niya ang kasiyahan.Sa ngayon medyo nakahinga ako ng maluwag ng pumasok na si rico sa trabaho.

Walang nagmamasid sa mga kilos o galaw ko sa bahay na ito.

Maliban na lang sa nakakabatang kapatid nito na panay puri ang ibinibigay sa akin.

Magkasundo naman kami nito.Subalit minsan may pagkasutil din itong si johann.Noong ipakilala ako ni rico sa pamilya niya ito ang una kong nakasundo.Hindi naman kasi nalalayo ang edad niya sa akin.Kaya nasasakyan ko minsan ang mga gawi niya.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon