( M I K E E )
Matapos ang gabing nagtapat sa akin si miguel hindi ko maiwasan ang mailang.Kaibigan at kapatid na rin ang siyang turing ko sa kaniya.Kaya nakakailang na ganoon pala ang siyang kakaiba sa kaniyang pagtrato sa akin.Siguro wag ko na lang dapat pa na pakaisipin iyon dahil mas lalo ko dapat indahin ngayon ang tungkol kay christian.
Si christian.
Marahil ay nagkataon lang pero may kakaiba akong nararamdaman.Parang may kung anong bagay na dapat kong malaman.Imposible man ay gusto ko lang makasiguro.
Kung si chris nga ay si christian na nawawalang kapatid nila miguel at ng kuya nito.
Napapitlag ako sa kinauupuan kong silya ng tumunog ang cp ko sa katabing lamesita.
Nang tignan ko ay rumehistro kaagad ang numero ni miguel.
Ayokong sagutin muna ito.Nitong mga nakalipas na araw ay panay text ito ng kung anu anong bagay sa akin.Mali kasi,alam niya naman na may asawa na ako.
Asawa na tapat at mapagmahal.
Kaya hindi ko dapat ilugar ang mga inaasta niya sa akin.Ayoko rin masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang doon.
Pinatay ko ang tawag nito.Akala ko pa naman si rico na ang tumatawag.Namimiss ko na rin siya dahil sa ilang araw na siyang wala dahil sa out of country nitong trabaho.
Kaya hindi ko maiwasan ang mabagot sa loob ng bahay.Pumasok sa isip ko na lumabas at maggala-gala muna kahit sandali.Maibsan lang ang pagka inip.
Naghahanap ako ng masusuot na damit ng may mapansin akong nakausling papel sa ibabaw ng tukador.
Inabot ko ito.Pero ng mahila ko ito ay may mga bagay na bumagsak sa akin.Napa-aray'ako ng tumama sa ulo ko ang isang bagay.
Nang tignan ko ang mga nagkalat na bagay sa sahig ay saka ko dinampot.
Isang panyo,lighter at isang picture.
Naalala ko itong panyong ito ng makita ko ang initial sa gilid nito.At gayundin ang initial na nakita ko sa lighter.
CL
Iyon ang mga bagay na pinagiisipan kong gamit ng babae ni rico dati.Subalit wala naman patunay na may babae si rico.Dahil wala akong makita pang ibang bagay na patotoong meron siyang kinakasamang iba.
Nawaglit lamang iyon sa aking isip ng tila pagbabago ng ugali ni rico.Kung baga pakikitungo niya.Hindi gaya ng bugnutin siya ng sandaling may hindi kami pagkakaunawaan.
Sa ngayon,wala naman akong nakikita o nararamdaman na kung ano kay rico para pagdudahan ang pagmamahal niya sa akin.
Isang larawan ng teenager ang nakita ko sa hawak kong litrato.Medyo malabo na ang kuha dahil tila nabasa ito ng tubig o ano.
Sa tingin ko ay lalaki ito base sa kaniyang anyo sa larawan.Medyo ang malinaw lang ay ang suot suot nitong damit.Nakauniporme kasi siya.
Sino naman kaya ito?Marahil ay kamag anak ni rico o kaibigan.
Naisipan kong itabi ito sa drawer.Saka ko na lang sasabihin kay rico ang patungkol sa mga ito.
Nakarating ako sa Ojon Mall.Ito lang kasi ang malapit na mall sa lugar namin.Malaki at marami rami rin akong napasok na tindahan para tumingin tingin ng kung anu anong bagay.
Nanood ng bagong palabas sa sine,kumain at naglibot libot sa parte ng kalakihang gusali.Naisipan ko ring mamili ng ipapasalubong sa mga bata sa bahay ampunan.Matapos niyon ay nagpahinga sandali sa balkonahe ng mall saka naisipang umuwi.
Malayo pa lang,may naanigan kong sasakyang nakaparada sa harap ng gate namin.Dahilan para hindi maipasok ng driver namin ang sasakyan.
Sinilip ko iyon sa binatna ng salamin.At hindi ako nagkakamali kung kanino ang sasakyan iyon.
'Sige manong sandali lang babain ko lang yung may ari ng sasakyan para maipasok nasa garahe ito.'paalam ko.
Lakas loob kong tinahak ang nagdidiskusyong mga tao.
'Please naman o!gusto ko lang siyang makausap!Wag niyo namang siyang itago.MIKE!MIKEE!'rinig kong sabi nito.
Napatingin sa akin ang guard at siyang lingon din ni miguel sa akin.
Lumapit ito sa akin subalit hindi tuwid ang kaniyang paglakad dahilan para siya ay matumba.
Kaagad naming dinaluhan ng tulong ito ng gwardiya.
'Sir,kanina pa po siya nagwawala ng sabihin naming wala po kayo rito.'kaagad nitong sumbong.
Napagtanto kong ito ay naka inom dahil sa amoy ng alak sa kaniyang damit.
'Tulungan mo akong ipasok siya sa loob.'utos ko.
Inihiga ko ito sa sofa saka hinanap ang susi sa kaniyang mga bulsa.Nang makita ay kaagad kong ibinigay sa gwardya at inutos na ipaparada na rin ito loob ng garahe namin.
Ayoko naman na ihatid ito sa bahay nila dahil nahihiya akong makita siya ng ama niyang ganito.Kaya bilang kaibigan pansamantala ko muna siyang patutulugin dito.
Naghanda kami ni manang rusing at sonya ng kaniyang pamalit.Ako na lang ang naglinis sa kaniya dahil baka marinig pa nila ang kanina pa nito sinasabi.Kaya inutos ko na sila ay magpahinga na lamang.
'Mikee...a-alam mo ba gustong gusto kita simula bata pa tayo.Alam kong mali pero hindi ko maiwasang mahulog sayo.Mahal kita mikee..Mahal na mahal.'
Masakit man isiping walang patutunguhan ang kaniyang paulit ulit na pagtatapat.Subalit wala naman akong magagawa dahil wala naman akong nararamdaman para sa kaniya.Kung meron man bilang kaibigan o kung may hihigit man ay kapatid na ang turing ko sa kaniya.
Naputol ang aking pag iisip ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking pisngi.At kasabay ang mga mata nitong nakapukol sa akin.
Sa isang iglap inabot ng isang kamay nito ang aking batok dahilan para magsugpong ang aming mga labi.
'A-anong ibig sabihin nito?!'
(A/N:°×°Paktay!)
-CG.♡T
-Rozen.

BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
Fiksi UmumMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...