T M H : 1 7

13.6K 465 38
                                    

( M  I  K  E  E  )

Hindi mawaglit sa akin ang oras na iyon.Yung buong araw na magkasama kami.Yung ipinaramdam niya sa akin na pwedeng mahalin ang isang tulad ko ng tunay na pag ibig.

"Oh!iho pangiti ngiti ka diyan ah?siguro naging masaya ang lakad ninyo nung nakaraan ni ser?Ano?"sabi ni manang rusing.Nagliligpit kasi ako ng pinagbungkalan kong lupa para tulungan si sonya sa pagtatanim ng mga bagong halaman.

"Si manang naman eh!masaya nga po ang naging lakad namin.Pero sana susunod maisama na po namin kayo."sagot ko sa kanya.Ayaw niya kasing sumama ng yayain ko sila ni sonya.Ang paliwanag nila?Moment daw namin iyon araw na iyon.

"Ser,may tao po sa labas?At hinahanap po kayo?"bungad ng guwardya sa amin.

"Sino daw?"

"Yung nakatira po diyan sa kabilang bahay."Agad naman akong tumayo para pagpagan ang sarili ko.

Akala ko si manang ang aking makikita sa aking paglabas.

Yung lalaking lasing pala na aking tinulungan.

"Hi!"nakangiti niya akong sinalubong.

Parang nakita ko na kung saan ang mukha nito ngunit hindi ko maalala.Madilim kasi noong gabing tinulungan ko siya.Kaya hindi ko napagmasdan ang mukha nito.

May katangkaran siya sa akin kaunti.May dating itong mala modelo ang tindig.

"Hello?may kailangan ka ba?"Tanong ko rito.

May dala pala siyang kahon ng donut na siyang inabot sa akin.

"P-para saan naman ito?"takang tanong ko.

"Pasasalamat ko sana pagtulong mo sa akin.hehe.."sabi nito habang kakamot kamot pa sa kaniyang ulo.

"Naku nag abala ka pa,pero salamat pala rito."

"Salamat naman at tinanggap mo.So,m-mikee right?"at saka inilahad ang kamay nito sa akin.

Kaagaad ko din iyon tinanggap."And you are?"tanong ko naman.Habang nagshake hands kami.

"Frederic,but you can call me fred for short.."sabi pa nito.

Nagpaalam din siya kalaunan dahil may lakad pa raw siya.

Sa pagpasok ko agad akong sinalubong ni sonya ng pang uusisa.

"Ser,ayun diba yung gwapong kapitbahay natin sa tapat?Bakit dinalhan kayo niyan?kelan kayo naging close?"sunod sunod nitong pagtatanong.

"Naku,sonya tantanan mo nga ako.Nagpasalamat lang yung tao dahil sa pagtulong ko sa kaniya......"mahabang paliwanagan ang sinabi ko rito.

"Ah..pakilala mo naman ako sir,Type ko eh..hihihi"kinikilig nitong sabi sa akin.Pinitik ko lang ang tenga nito.

"Ser naman eh!"reklamo nito matapos kong pumasok sa bahay.

---

(Cellphone ringing..)

Kaagad naman nitong sinagot ng marinig niya iyon.

"Sir?"

"Kamusta ang pinatatrabaho ko sayo?"

"Mabuti naman po sir."

"Good.Any update?"

"Sir,kanikanina lang may lalaking kumausap po sa kaniya galing po sa tapat ng bahay nila."

"Check all the backround of him.balitaan mo ako kaagad sa mga nalaman mo."

"Yes sir,masusunod po."

Nagpatuloy ito sa pagmamasid gaya ng kinagawian.Anim na buwan na siya nagtatrabaho sa amo niya.Lahat ng pinag uutos nito ay siyang sinusunod nito kapalit ang pagsusustento sa kalagayan ng kaniyang kapatid.May sakit ito kaya kailangan mamalagi sa ospital.Lihim niyang laging sinusundan si Mikee Lacsamana.Kinukuhanan ng litrato,at maging ang mga taong nasa kaniyang paligid ay kaniyang inaalam kung anong koneksiyon nito sa prospect niya.

Batid niyang may masamang balak ang amo niya sa buhay ni mikee.Ngunit hindi niya naman magawang tanggihan ang kaniyang trabaho para sa buhay ng nagiisa niyang kapatid at pamilya.

Lihim siyang namamalagi sa tinted nitong sasakyan.Maging ang mga cctv camera ay nahack na niya upang malaman ang bawat galaw ni mikee.

"Mikee lacsamana,ano nga ba ang meron ka at kailangan mong maghirap sa taong iyon..patawarin sana ako ng diyos kung sakali..."

(A/N:Creepy right?kabahan na ba tayo para kay mikee?anyway highway..malapit ng matapos ang Im Yours sana ay masuportahan niyo po ang tambalang cleo at juancho.Hihihi..)

(KAPIT lang guys!)





-Cinnamon Grapes.

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon