( M I G U E L )
Kakatapos lang ng board meeting namin with the board members of our company.Aprubado na ang mga ilang pamamalakad kasama ang mga shareholders ng iba pang kumpanya sa balak pa naming pagpapalawig ng lawak ng negosyo.Ika nga business is business.
Tungkol naman sa pagbabalik ng totoong christian.Sinikreto muna namin ito.Gustuhin ko man sabihin kay papa na nakita ko na ang kaniyang nawawalang anak ay hindi ko magawa.Kailangan namin mag ingat.Bawat kilos at galaw.
Samantalang nagtataka naman ako na ilang araw na walang balita ako kay danilo.Ano na kaya ang nangyari sa taong iyon?Hindi naman ako takot na baka magtraydor ito sa akin.Alam naman niya kasi ang kahihinatnan ng lahat.Makukulong siya kung papanig siya sa masama.Paano na lang ang maiiwan niyang nakababatang kapatid.
Matapos ang trabaho.Nagpaalam kaagad ako kay papa na may dadaanan lang.
Tinahak ko ang daanan papunta sa bahay na inuupahan ni danilo.
Kumatok kaagad ako ng makarating sa tapat ng pinto nito.Medyo nagtaka na ako na walang katao tao.Baka wala siya rito.
Akmang aalis na ako ng makarinig ako ng kalabog sa loob.
'Danilo!are you there!'siyang sigaw ko kasabay ang katok sa pinto.
Walang tugon pero maya maya may kung anong bagay ang siyang naririnig ko sa loob.
Wala pa naman gaanong kapitbahay ito dahil mukhang wala ang ibang tenant dito.
'Danilo?!nandyan ka ba!'tawag ko muli hanggang sa tila nakarinig ako ng ungol.
Nakasarado ang pinto.
Pero parang may kung anong kaba akong nararamdaman sa aking mga naririnig sa loob nito.
Sunod sunod ungol ang siyang akin pang napakinggan.
Sinipat ko ang lakas sa aking binti.Sabay sipa sa pinto.Kumalabog ito hanggang sa nagbukas.
Dilim ang siyang sumalubong sa akin.At siyang paglinaw ng ungol.Hinanap ko ang tinig at saka hinugot ang aking cellphone sa aking bulsa.
Pagkabukas ko ng flashlight ng aking cellphone biglang nanginig ang paghawak ko dito.Dala na rin ng intesidad.
Saka ko naramdaman ang pagbangga sa aking paa ng kung ano.
Tinutukan ko ito ng ilaw.
Hanggang sa matanaw ko ang paa nito.
Inangat ko ang pagtutok dito.At siyang pagtambad ng nakagapos na tao.
Duguan ang mukha at may busal ang bibig.
Mabilis kong nilapitan ito.Dahan dahang pinaupo mula sa pagkakahiga niya na patagilid.
At saka tinanggal ang nakaharang sa kaniyang bibig na packing tape.Medyo nahirapan pa ako dahil talagang inikot ito sa kaniyang bibig paikot sa kaniyan likod.
'Danilo anong nangyari sayo!'siyang alala ko.
'M-may alam na siya..delikado kayo miguel'hirap na pagsasalita niya mula sa pagkakabusal.
'Papaanong..'
'Na trace niya ang mga account na binuksan ni christian.Alam niya ng buhay ang kapatid mo.Miguel..miguel yung kapatid ko.'tumakas ang luha sa kaniyang mata nang sumunod ay ikinawala ng malay niya.
Dinala ko siya sa pribadong ospital.Saka tinawagan sila kuya tan tan at si rico.
Dumating ang dalawa ng maagap.Nang sa ganoong pagkikita nabigla sila sa nakita nila.Halos hindi makilala ang mukha ni danilo dulot ng bugbog sa kaniya.
'Anong nangyari sa kaniya migs?!'gulat na sabi ni kuya tan tan.Maging si rico bahagyang nabigla rin.
'Kuya,may alam na ang kakambal mo.Alam niya nang buhay ka pa.Kuya natatakot ako para sa tin at kay papa.'Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot.Takot para sa buhay ng tinuring ko ng pamilya.
'Sadyang ginawa ko iyon pero hindi ko inaasahang malalaman niya kaagad.Pero ganoon pa man.Ito na ang umpisa para magkaharap kami.Miguel,magtiwala ka.Malalampasan natin ito.Lumayo kayo ni papa pansamantala.Kaya ko na ang sarili ko.May makakasama na rin akong alagad ng batas para sa laban na ito.'Pagpapalubag ni kuya tan-tan sa akin.
'Pero kuya paano ka,paano kung..'
'Miguel,si kuya ito.Hindi ba kilala mong matapang ang kuya mo.Na kahit salungat ay pilit itatama.Wag mag alala gagawin ko ang lahat makulong lang siya.Kahit masakit sa loob kong makita siya sa ganoong kalagayan.Hindi ko maatim na mapahamak kayo.'
Napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.Oo nga at nandito na siya pero parang nakatapak ang mga paa namin sa kapahamakan.
'May isa pa tayong problema kuya.Yung kapatid ni danilo kailangan natin mahanap bago pa makuha ni Kuya cedric.'
SHORT UPDATE..
>C.G
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...