( M I K E E )
Napag alaman ko na may bussiness venture na dadaluhan si rico.Sa darating na makalawang araw siya aalis patungong Macao.Sinasama ako nito pero siyang pagtanggi ko.
Maiinip lamang ako roon at isa pa ay mahilohin ako sa pagbyahe lalo pa at sa himpapawid.
Okay naman sana kung dito lamang sa pinas o kaya de kotse lamang ang gamit na sasakyan.
Nanonood ako ng palabas sa sala ng tumunog ang cellphone ko.Kaagad ko ring sinagot.
"Hello?"
"Hi!Kamusta na?"tinignan ko kung kaninong numero sa screen.Si miguel pala.
"Oh!napatawag ka?Okay naman ako.Ikaw ba?"
"Eto namimiss ka."nasamid naman ako sa sagot nito.
"Heh!tigil tigilan mo nga ako miguel!ikaw talaga masyado kang mapagbiro.Ano bang ginagawa mo at mukhang parelax relax ka lang diyan?"
"Iniisip ka."
"Naku pag hindi ka pa tumigil ibaba ko na ito.Umayos ka nga!"asik ko.Narinig ko ang paghalakhak nito sa kabilang linya.
"Oo na,titigil na po.Mabilis ka pa rin mapikon hanggang ngayon."
Noong mga bata pa kasi kami madalas ako nitong asarin sa ampunan.Wala naman akong magawa dahil pawang may katotohanan din ang iba.At dahil sa mga bata pa kami noon,natural na ang pikon sa mga kagaya kong asar talo.
Ako kasi lagi ang nangunguna o nag uumpisang mang asar sa kaniya.At kapag sumobra na ako ay siyang ganti nito.Hindi ako nito tatantanan hanggat hindi napapa iyak.
"Nga pala aayain ko sana kayo ni rico sa party ni papa rito sa bahay sa makalawang araw.Sana ay makadalo kayo.Lalo ka na,gusto kang makilala ni papa.Ipapakilala ko rin sayo si kuya topher."
Kaagad naman akong um'Oo'.Nakakahiya naman kung tatanggihan ko ito.Saka naging parte na ng buhay ko itong si miguel.Isang kaibigan at kapatid na rin ang turing ko rito.
Kinagabihan..
"Ric,kausapin mo naman ako oh!sa susunod talaga.Sasama na ako.Ayoko lang talagang bumiyahe ng malayo.Alam mo naman na mahina ako sa pagbyahe byahe."pakiusap ko pa.
Kasalukuyan kong kinukulit ito dahil sa ramdam kong ayaw akong pansinin.
Hindi ko makausap ng matino dahil iwas nga ito ng iwas simula pa noong tumanggi ako na sumama sa kaniya.Kaya hindi ko na matiis pa.Heto at parang nag aalo ako ng bata sa kaniya.
"Ric naman!"nakaharap kasi ito sa kabilang sulok ng kwarto.Naktalikod ito mula sa akin.Ayaw man lang akong harapin o sagutin man lang.
Dinantayan ko ito at sinilip kung gising pa.Nakapikit na ang loko.Pero alam ko gising ang diwa nito.Sadyang matigas lang talaga at ayaw akong pansinin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.Saka ginalaw ng hintuturo ang katangusang ilong niya.Kinikiliti ko iyon.Pero mukhang walang epekto dahil hindi man lang gumalaw.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...