Guys tanong ko lang. gusto niyo po bang malaman yung side ni rico.I mean yung past niya.
-Cinnamon•Grapes________________
( M I K E E )
PAST....
Hindi ko akalaing masasabi ko sa kaniya iyon.Tila nilamon na ako ng kaba at takot.
Siguro ito na ang pagwawakas ng pagkakaibigan namin.Ang tanga ko lang!Sabagay baka ito na nga ang huli dahil ito naman ang balak ko ang lumayo sa kaniya.
"WHAT?!"gulat na tanong nito.Hindi kaagad ako makasagot dahil bakas pa rin ang pagaalangan.
"Is it true mikee?!"pero sadyang napipi na ako."TELL ME?IS IT?!"hindi na niya mapigilang mainis kaya't nabalingan na nito ang manubela niya.
"S-sorry ric.Pinigilan ko namang wag mahulog sa iyo,pero hindi ko talaga kaya."nakayuko na lamang ako ng sabihin sa kaniya iyon.
"Tama naman na lumayo na ako sa iyo.Kase ayoko pang umabot sa puntong wala naman pala akong maasahan at isa pa sana matanggap mo kung ano at sino ako.patawar..."dugtong ko pa subalit pinutol niya iyong ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Look wala akong pakialam sa kung ano o sino ka.Ang gusto kong malaman ay kung anong nararamdaman mo sa akin?Kaya mikee,totoo ba?"sinsero nitong sabi habang matiim na nakatingin ang mga mata nito sa akin.
Kakaba kabang tumango ako.
Ilang sandali pa ay katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa.
"Rico.Okay lang.Okay lang na hanggang sa pagkakaibigan lang ang ituring mo sa akin.Atleast,were in good terms.Ayoko na may sama ako ng loob sayong lala..."
Pero pinutol niya iyon ng halik.
Halos ikalunod ko ito.Ang kaninang padampi dampi ay nauwi sa marubrob ngunit sa huli ay naging malumanay na.
"Don't leave...please"matapos ang pahalik nito sa akin.
Beep.Beep.Beep
Busina nang busina ang sasakyan sa tapat ng bahay.Napansin kong sumilip ang guwardya namin sa labas ng gate.Naglakad naman ako patungo roon.
Nang makalapit ako ay saktong pagpasok ng guwardya sa loob.Tinanong ko naman siya kung anong meron sa labas.
"Wala ser,laseng lang po yung nasa katapat na bahay.Bagong lipat nga po iyon."sagot nito.
So may nakabili na pala ng bahay diyan.
Pumasok na ako ng bahay.Ngayon yung araw ng pagdalaw ko sa ampunan at pagkikita namin ni miguel.
Maaga muling umalis si ric.Nalate ako ng gising kaya hindi na ako nakapagpaalam tungkol sa pagbisita ko sa ampunan.
Pagkababa ko ng taxi ay sumalubong agad si mang kaloy.Siya yung nagbabantay sa gate ng ampunan.
"Uy mikee napadalaw ka?Tara sa loob iho?"bungad nito.Sumunod na lamang ako.
"Naku tay,may isa pa kayong bisitang darating.Matutuwa kayo."balita ko.
Habang nagkukwentuhan kami ay may dumating na itim na sasakyan.Mukhang mamahalin pa.Huminto malapit sa tapat ng gate.At sandali pa ay bumukas ang pinto nito.
Lumabas roon ang may katakangkarang lalaki.
Si Miguel!
Labis ang pagkagulat at galak ni mang kaloy ng makita si miguel.Para na kasi namin itong tatay at turing niya ay mga anak sa amin.
Nagkamustahan ang dalawa mababakas ang kasiyahan sa kanilang dalawa.
"Mikee!"tawag nito at dali dali akong nilapitan at sa huli niyakap.
"Namiss kita!"masaya kong sabi habang nakayakap sa kaniya."Ako rin miss na miss kita!kung alam mo lang.."bulong nito.
"Oy tama na yan masyado kayong pabebeng dalawa!"biro ni mang kaloy sa amin.
Natawa na lamang kami sa sinabi nito.
Kagaya ng naganap sa labas ay katakut takot na kasiyahan din ang nangyari sa loob ng ampunan.Masaya ang lahat.
Nagpadeliver naman pala si miguel ng mga pagkain.Tuwang tuwa naman ang mga bata sa pasalubong na mga laruan ni miguel sa kanila.
Masaya akong pinagmamasdan sila.
"Ano?Ba't wala kang imik diyan?"tanong nito ng tumabi sa akin.
"Wala lang masaya lang ako.Speechless kung baga."sagot ko.
"Ahh..mabuti naman pero kamusta ka naman pala?About your partner?i wanna know about him?"Sunod sunod nitong tanong.
VOTE and COMMENTS.
-C.G
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...