T M H : 53.3

6.7K 143 10
                                    

'Cedric,bakit mo ginawa yun sa kaklase mo?'mahinahong tanong ng ama sa kaniya.

Pinatawag kasi ang magulang nito matapos magsumbong ang kaklase niya na bugbugin ito.Hindi sumagot ang bata sa kaniyang ama.

Madalas ay mabugnot sa mga bagay bagay niya sa paligid.Hindi na rin niya nagagawang mag aral gaya ng ginagawa niya noon kasama ang kakambal.Pati si christian ay madalas niya na ring awayin.Nagkaroon pa ng araw na pagtripan niya ito.Kinulong niya ang kakambal sa banyo ng kalahating araw.Walang nakapansin dahil sa bakanteng palikuran niya iyon ginawa.

Minsan ay nagagawa niya na ring sumagot ng hindi tama sa kaniyang ama.Kabaligtaran sa kaniyang ina.Takot siya,ngunit mas triple ang takot niya sa kalaguyo nito.

Nais niya mang magsumbong subalit takot siya sa maaring gawin sa kanila ng kanilang kinagisnang ina.

'Sa tingin mo ba,kapag ipinatapon ko kayo ng kakambal mo sa pinagmulan ninyo ay may kukupkop pa sa inyo!kaya itikom mo yang bibig mo cedric kung ayaw mong mapadpad kayo ni christian sa kalye!'

Ang lalaking lumalapastangan na sa kaniya ng ilang ulit.Hindi niya kayang manlaban sa murang katawan niya.

Nais niyang tumakas.Tumakbo.Lumayo.

Takot siyang sumubok.

Hindi niya alam ang gagawin sa hindi malamang sitwasyon niya sa sarili.

Nang matapos pagsabihan ng ama ay nagkulong siya sa silid.

Dumating naman ang kaniyang kapatid ng sandaling iyon.

'Ced,ano bang nangyayari sayo?bakit parang nagbago ka na?bakit lagi ka na lang galit sa akin?kausapin mo naman ako.Kambal tayo diba?'pakiusap ni chris.

Nanatiling nakatalukbong ito at walang imik.

'Kakampi mo ako diba?walang iwanan pa.Bakit parang iniiwan mo na ako?'hindi maiwasan magdamdam nito lalo pa at napapansin niya ang pag iwas sa kaniya ni cedric.

Narinig ni cedric ang pagsigok ng kakambal.At siya nitong pag upo.

'Sorry.Sorry kung ganoon ang nararamdaman mo chris.Hindi ko gusto iyon.Pero..'

'Pero ano?ano cedric?sabihin mo naman.Walang sikreto diba?pwera lang sa mga surprise gift natin sa isat isa?'pag aalaala ng kapatid niya.

Hindi niya sinabi ang totoo.Bagkus tinago niya sa sarili ang sakit at galit na nararanasan.

Pinilit niyang ibalik ang dating samahan nila ng kakambal.Maging masaya at gawin ang mga ginagawa ng malayang bata.

Subalit ang trauma ay hindi mawawala sa isang gaya niya lalo pa at nandiyan ang mga taong nagpapaalala sa kaniya ng mga bagay na dapat niyang ikadapa.At hindi makabangon.

Sinampal siya ng kaniyang ina ng malaman na isusumbong daw niya ang nakita sa kaniyang ama.Nalaman ito mula sa kaniyang minamahal na kalaguyo.

'H-hindi po!hindi ko po iyon gagawin.Maniwala po kayo sa akin mommy.'pagsusumamo niya.

Hinila siya nito malapit sa pool area.Dapit hapon ng oras na iyon.Walang makakapansin sa kanila kung sakali dahil sa laki ng kanilang bahay.

'Magsisinungaling ka pang bata ka!dapat sayo tinuturuan ng leksyon!dapat sa inyo ng kapatid mo itapon sa basurang pinagmulan niyo!nagsisisi akong nagpalaki ako ng mga kagaya niyong mga suwail!sigurado akong alam na rin ito ng kakambal mong matabil ang dila!'mariing hawak sa kaniya nito sa braso parang pinipilipit.

'Huwag po mommy!wala pong alam si chris dito.'nagtatangis na ang mga luha sa mukha ng sandaling iyon.

Marahas siyang kinakaladkad nito ngunit sa takot na balak nitong gawin sa kaniya tinulak niya ito.Saktong sinalo ng tubig mula sa pool ito.

May kalaliman ang bahagi nitong pinaglaglagan.

Kawag ng kawag ang kaniyang ina mula sa tubig.Halo halong kaba,gulat at takot sa kaniyang sarili.

Tahimik.

Nakatitig lamang siya sa lumulutang na katawan ng ina sa tubig.

Kusang gumalaw ang kaniyang paa paalis sa lugar na iyon.

Wala siya sa sariling pumasok sa kaniyang silid.Dumiretsyo sa palikuran nito.

Nakatingin sa salamin.Pinagmamasdan ang sariling repleksyon.

Nakita niya ang isang bata na walang imbot ang kasiyahan.

Habang siya ay napupuno ng pagkasuklam sa nangyari.

Tama lang ang ginawa mo.Cedric.

'Hindi!namatay siya nang dahil sayo!'siya nitong sabi sa kaniyang kaharap.

Tama lang ang ginawa mo.Hindi ka na niya masasaktan..

'Hindi!namatay siya ng dahil sa akin!'

Tama lang iyon.Mahal ka niya kaya niya nagawa iyon..

'H-hindi!hindi niya ako mahal!pinatay ko siya!'siya nitong hagulgol sa sarili.

Mahal ka niya.Ikaw at ako.Mahal niya tayo..Walang iwanan.Kambal tayo hindi ba?

Dinama niya ang pagyakap nito sa kaniya.

Nakikita niya ang mukha ng kaniyang kakambal.Ang kakambal niyang takot maiwan.Ang kakambal niyang nais lamang siyang makasama sa buong panahon ng kanilang buhay.

Ang sariling repleksyon ay ginagawang ilusyon ang kaniyang kapatid.Ang nabuong mga emosyon dulot ng mga pangyayari sa kaniya ang nagbunga ng isang katauhan sa kaniyang sarili.Iniisip na siya karugtong ng mga bagay na magpapawaglit ng kaniyang mga naranasan.

Subalit hindi,hindi malulunasan sa pagkakataong lumalalim na ang bangungot sa kaniya nito.

A/N:Kamusta naman ang nadrain kong utak.Haist!

The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon