( M I K E E )
Napatingin ako sa bandang tabi ng dagat kung saan naroon ang mga bata.Masaya silang gumagawa ng mga sand castle.May ilang pamilya ring nagsasaya sa mga cottage.
Nakakatuwa lang.Pamilya.Anak.May pag asa ba kaming bigyan nito.Sa kagaya naming parehas ang seksuwalidad.
Kung papalarin man ituturing ko na iyong biyaya para sa aming dalawa ni rico.Hmm..kailan kaya mangyayari ito?
"ARAY KO!"Napahawak kaagad ako sa ulo kong tinamaan ng kung ano.
Napansin ko ang pagulong ng bola sa bandang paanan ko.
"At talagang sa ulo ko pa inasinta?!"reklamo ko habang hinihimas himas ang natamaan sa akin.Naalog ata ang utak ko roon.
"HEY!"napalingon naman ako sa boses na iyon.Kakaunti lang ang tao rito sa resort mukha naman kasing private din ito.
Sa isang lalaki pala galing ang boses na iyon.Matipuno ang kaniyang pangangatawan base sa aking nakikita.Nakaboard short lamang ito at lantad na ang kahubarang bahaging taas nito.
"Hey!"nakalapit na pala siya sa akin.
"Sorry kung natamaan man kita.Napuruhan ba kita?Pakisabi na lang ng madala kita sa clinic rito."sunod sunod na sabi niya.
"H-hindi.Ano..O-okay lang!"pinulot ko ang bola na nasa paanan ko sa inabot sa kaniya.
Nang iaabot ko sa kaniya iyon ay napansin ko ang kakaibang paghaplos nito sa aking kamay.Pasimple ko agad itong tinanggal.
"Jeric nga pala."pakilala niya.
"Mikee."sabi ko.
Napansin ko ang pag abot ng kamay nito sa akin.Tatanggapin ko na sana ng may kamay na humapit sa aking bewang.
"Rico..Rico Rodriguez,His husband."
Halata ang gulat ng kaharap kong si jeric sa kaniyang mukha.At maging ako man din.
"Hmmm.I get it,maybe i need to go now.Anyway nice meeting the both of you.goodluck."saka umalis sa harap namin.
Tila nangasim pa ang mukha nito ng pagmasdan si rico.
Inalis ko naman ang kamay niyang naka angkla sa akin."Ano ka ba ric,mukhang natakot sayo yung tao."
"Dapat lang matakot siya."Ang sabi niya.
Naglalakad lakad na kami ng sandaling iyon.
"E wala naman ginagawang masama yung tao para takutin mo ng ganun."paliwanag ko.Bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko.Bibitaw sana ako ng pagsaklupin niya iyon.Kaya hindi ko na naituloy ang aking gagawin.
"Meron,and i know that you knew it.Right?"napanguso naman ako sa wari nito.
"Nilalandi ka niya hindi ba?"Sartisiko nitong sabi.
"Hindi naman sa ganoon malay mo nakikipag kaibigan lang siya.Ikaw talaga.Tama na nga yan at nagugutom na ako.Si Chris,lumabas na ba ng silid niya?"ayoko naman isipin pero ramdam ko na naman ang umiiral sa pag uugali niyang ito.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...