( M I K E E )
Ilang araw na rin ang lumipas ng mula ng mabasa ko yung txt messege na yun.Hindi ko alam kung dapat akong maniwala o hindi.Pero gusto ko sanang masiguro kung totoo nga iyon.
Maaga naman siyang umuuwi galing opisina,Tapos tinitignan ko rin yung mga mga pinaghubaran nitong damit galing sa trabaho.Baka may kissmark ng lipstick kagaya sa mga napapanood ko sa tv.Tapos tuwing gabi sinisilip ko yung mga call logs at inbox ng cellphone niya.Wala naman kakaiba.
Tsk,baka naman na wrong send lang ng kung sino.
Kasalukuyan akong nagluluto ng chicken curry ng tumunog ang cellphone ko.
"Hello."sagot ko.
"Nak,kamusta na.Hindi ka na nadalaw rito.namimiss ka na ng mga bata."bungad sa akin ni nanay.
"Nay,pasensya na po ah..kung ganoon namimiss ko na rin po kayong lahat diyan.Hayaan niyo at bibisita ako sa susunod na araw."sagot ko.
"Oh,kamusta naman kayo ng asawa mo?ayos lang ba kayo?"tanong nito.Napabuntong hininga na lamang ako.Hindi kasi ako nagsasabi kay nanay sa mga away na nagaganap sa amin ni rico.Ayoko naman na malaman niya pa ito.Ayoko siyang mag alala pa.Isa pa ay talagang hindi ko muna gustong pumunta roon dahil pinahihilom ko muna ang mga sugat at pasa ko.
"Nak,mike andyan ka pa ba?"tanong muli nito.
"Oho,ayos naman po kami ni rico.Busy nga po sya sa trabaho kaya inaasiko ko po siya agad sa pag uwi nito."sagot ko.
Medyo okay na naman kami itong mga nakaraang araw.
Matapos ang tawag ay pinagpatuloy ko ang pagluluto ng ulam.Gusto ko naman kasi na may magawang ibang bagay dito sa bahay.
Matapos kong magluto ay nagligpit ligpit ako ng aming kwarto.Gusto sana ni aling rusing na siya na ang magligpit ngunit pinilit kong ako na dahil sa nababagot na ako,iyon ang idinahilan ko.
Nagpalit ako ng kobre kama at ilang sapin ng unan namin.Tapos ay nagwalis walis at nagtanggal ng ilang alikabok sa mga kabinet at mga gilid ng silid.
Nang mapunta ang pawawalis sa ilalim ng kama.May sumabit na kung ano sa hibla ng walis.
Tinignan ko iyon.
Isang bracelet?
Hindi pamilyar sa akin ito.
Inilagay ko muna sa aking bulsa.
Matapos kong maglinis ay nagpahinga ako sandali at naligo.
Nagpupunas ako ng tuwalya ng lumabas sa banyo.Nadatnan ko na naghuhubad ng damit niya si rico.Nakauwi na pala.
Sinalubong ko ito ng halik at kaniya naman iyong tinugon.
Tumungo ito ng banyo at ako naman ay patuloy sa pagpapatuyo ng buhok.
Hapag kainan...
"Ric,magpapaalam sana ako..bibisita sana ako sa ampunan.."pamamaalam ko.Napatingin naman siya sa akin ng matiim.Tila nagdadalawang isip.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
Narrativa generaleMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...