( M I K E E )
Naghahanda kami ngayon ni rico.May napag usapan na kasi sila ni Chris/Christian na pupuntahan namin patungkol sa huling pag uusap namin.
Hindi ko nga alam kung saan iyon pero mukhang exciting naman.Sikreto daw,Hindi na ako nagtanong tanong pa dahil pupunta rin naman kami roon at makikita ko rin naman.
Nagulat nga ako ng paglabas ko ng banyo kagabi.Siya kasi ang nagempake ng mga damit ko sa maleta.Wag ko na raw tangkain pang silipin at baka parusahan niya pa ako.
Nang makarating sa tagpuan ay saka kami sumunod sa sinasakyan nitong sasakyan patungo sa lugar na iyon."Ric,saan ba talaga tayo pupunta?"pasimple kong tanong sa kaniya habang nagmamaneho.
"Secret nga diba?Malayo pa naman tayo,matulog ka muna."Napanguso naman ako."Ang daya niyo naman.May pasecret secret pa kasing nalalaman."reklamo ko pa.
"Wag ka ng sumimangot pa.Sundin mo na lang ang sinabi ko.Baka ihinto ko pa itong sasakyan para lang mahalikan ka dyan sa kinauupuan mo."Ikina ismid ko naman iyon.Tatahimik na lang ako at susundin siya dahil nakakahiya naman kung gagawin niya iyon.Ano na lang iisipin ni Chris sa amin.
Nagpatugtog naman ito pampatanggal siguro ng pagiging bagot ko.
Kakatingin sa mga nadaraanan namin ay napagod ang mata ko saka ako naka tulog.
Masarap sa pakiramdam ang hangin na gumising sa akin.Rinig ko rin ang paghampas ng tubig.
Napabangon ako agad sa kinasasandalan ko ng matanaw ko ang dagat.Ang mga taong lumalangoy at nagsasaya.Tinanggal ko muna yung seatbelt ko saka hinanap yung katabi ko ng mapansin kong wala ito.
Pati yung sasakyan ni chris walang laman.Posibleng magkasama ang mga ito.
Lumapit ako sa mismong dalampasigan.Saka natuwang mapagmasdan ang iilang pamilya at magkakaibigang nagkakasiyahan.
"How's your sleep?"hinapit nito ako sa bewang saka masuyong hinalikan sa labi.Nahiya naman ako bigla ng mapansin ko ang tingin ng ilan sa aming dalawa.Bakit nga ba hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong gesture niya.Eh noong magkasintahan kami.Lakas maka PDA nito.
"Magpalit ka na,naghanda na ako ng maisusuot mo kanina nung tulog ka pa."saka ko lang napansin ang suot niyang damit.Labas na labas ang ganda ng katawan niya.
"Wag mo akong titigan ng ganyan,baka sa kama tayo mag enjoy hindi sa dagat."Pinaningkitan ko lang ito ng mata.
Hindi ko alam pero parang bumabalik na yung dating siya na palabiro at maalalahanin sa akin.Dito ako nahulog sa kaniya ng husto noon.
Nasalubong naman namin si chris.May maibubuga rin pala siya bukod sa medyo built in nitong katawan.Eh makinis at maputi pa ang balat.
"Oh!Gising ka na pala.Okay na yung reservation ng room.Tayo na ng mailagay na natin yung mga gamit."salubong nito.
Sumunod naman kami ni rico.Inayos muna namin ang mga gamit papunta sa cottage.Magkatabi lang ang kwarto namin nila chris.
Nang maayos na ang gamit saka ako nagpalit.Simpleng tee shirt ang pinasuot ni rico at board short na rin.
Magkakasasabay kaming lumabas sa mismong cottage.
BINABASA MO ANG
The Masochist Husband(MxM)COMPLETED✔
General FictionMikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang isang Bussiness Tycoon na si Rico Rodriguez III. Ano ang mga magaganap sa dalawang tao na paglalaruan...