Ex or Rebound

1.2K 27 2
                                    

Chapter 1

Janelle's POV

"KYAAAAAAH!!!! GO TJ!!!!!! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! TJ! ! TJ! TJ! TJ!"

Napapangiti na lang ako dahil sa sigawan ng mga schoolmates namin while shouting my boyfriend's name. Kung sa iba eh bwisit na bwisit at mag-uumpugan ang mga kilay dahil sa selos, well I'm not. Nakakaproud lang talaga na ako ang girlfriend nya.

"Grabe, sikat talaga si boyfie mo no! Kung ako talaga merong ganyan, ay naku iuuwi ko na yan sa bahay!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Kree, bestfriend ko.

"Kung pwede nga lang ginawa ko na."

"Pssh. Eh kasi naman ikaw yung girlfriend na walang kasamaan ng ugali sa katawan, napunta lahat sa babaeng yun." Tapos inginuso nya si Aicka.

"Ssshhh. Baka may makarinig sayo." Pero hini nya ko pinansin at nagtuloy lang sya sa pagdada.

"Tingnan mo nga, bakit naroon yun eh hindi naman sya girlfriend! Haller! Eto o, eto ang syota ni TJ pero kung makalapit sya sa boyfriend mo, eh akala mo kanya!" I just smiled on what she said. I trust TJ and that's enough. He will never break my heart because I know that he loves me.

"BOOOOH!!! BWAHAHAHAHA!!! B-BWAHAHAHAHAHA!!" biglang sigaw at tawa ni Vince.

Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya at tinaasan naman siya ng kilay ni Kree.

Tss. Anong nakakatawa?

"H-Hindi ba kayo n-nagulat?" natatawa pa rin nyang tanong habang nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa.

"Ano namang nakakagulat?" tanong ko sa kanya.

"Mga walang sense of humor." Bulong nya na gusto rin namang iparinig samin.

"Hay naku Vince, lumayas ka na lang sa harap namin." Sabi sa kanya ni Kree.

"Tss. Hindi ikaw ang ipinunta ko."

"Si TJ?" Napalingon naman ako kay Kree dahil sa tanong niya kay Vince.

B-Bading si Vince? Karibal ko siya!

"Si Janelle ang ipinunta ko! Hi Janelle!" sabi ni Vince at kumaway pa, feeling niya yata magkalayo kami.

"Hay naku! Ikaw talaga Vince aasarin mo na naman yang kaibigan ko porket wala kang pinagkaka-abalahan ngayon. Okay, gotta go! Im leaving na Janelle, ingat ingat!" sabi ni Kree at umalis na.

"I think your bestfriend is crazy," sabi ni Vince habang sinusundan ng tingin si Kree na naglalakad papalayo.

Ikaw ang baliw.

" Lumayas ka na sa harapan ko kasi naalibadbaran ako sa pagmumukha mo." sabi ko at ipinagpatuloy ang panonood sa laro ni TJ.

"Naaalibadbaran ka sa gwapo kong 'to?" Sabi nya at itinuro pa ang sarili. Inirapan ko na lang siya. Ang yabang talaga, pero kahit ganyan 'yan sikat din siya sa school gaya ni TJ.

Natapos ang game at at panalo ang team nina TJ.

"Pssh. Yabang. " rinig kong bulong ni Vince, bigwasan ko kaya 'to.

Lalapit na sana ako kay TJ ng bigla siyang lapitan ni Aicka at bigyan ng towel at water.

That should be me. Ako yung girlfriend e, ako dapat ang gumagawa niyan at hindi siya.

"Tsk tsk ang tamis..." Ani Vince at nilingon ako.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at naglakad na lang ako papalapit kay TJ na masayang nakikipagkwentuhan kay Aicka.

"Hon, congrats!" Sabi ko ng makalapit sa kanilang dalawa at akmang yayakap kay TJ pero umiwas siya.

"Im sweating." Sabi niya at ngumiti sakin.

Okay lang dati at ikaw ang mismo ang yumayakap sakin.

Ngumiti na lang ako ng mapait habang pilit na itinatago ang selos na nararamdaman ko.

"P're let's go. May celebration pa tayo. Oh, hi Janelle sasama ka?" Sabi ni Mark, isa sa mga kateam- mates ni TJ.

"Kung pwede sana?" Nakangiti 'kong tugon at tumingin kay TJ.

"Ang awkward naman na kasama ka pero si TJ e hindi?" Biglang singit ni Aicka sa nakakainsultong paraan.

"Sorry bro but I'm not coming." Wika ni TJ.

"GUYS, HINDI RAW SASAMA SI TJ!" Sigaw ni Mark sa iba pang kasama.

"IT'S ALRIGHT! BAKA MAGDE-DATE PA SILA NI JANELLE!" Pabalik na sigaw ng isa pa sa mga kagroup mates nila. At nagtawanan sila. Sanay na ko sa kanila kasi simula ng naging kami, nakilala ko na rin ang mga kateam-mates niya.

Tinanguan na lang sila ni TJ at umalis na si Mark at ang iba pa.

"Ahhmm... Let's go?" Pag-aaya ni Aicka.

"We're going." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni TJ sakin.

"A-Ah... s-saan kayo pupunta?" Napapahiya kong tanong. Ano ba tong nararamdaman ko, baka naman may project lang sila.

"Mini celebration." Nakangiting sagot ni Aicka. Isa pang salita nito paliliparin ko na ang mukha niya.

"Girlfriend ka para makisaya?" Naiirita kong sagot. Hindi yata tama yung sinabi ni Kree kanina na sobra kong bait, yabang lang 'yon.

"Well, he invites me so what's the matter?" Tanong niya at humakbang palapit sa akin.

Tiningnan ko muna si TJ bago ako sumagot.

"The matter is I am the girlfriend. I am the one who should be with him, doing what you did a moment ago. Stop acting like a jealous girlfriend because you don't have any rights to do that!" Sabi ko at tinignan sila ng masama.

Hinawakan ni TJ ang kamay ko at unti-unti akong inilapit sa kanya para yakapin.

"Don't mind her. Gagawa lang kami ng project, okay." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo. I sighed and looked at him. Unti-unti akong tumango.

"I understand." Sabi ko sa kanya at humiwalay sa pagkakayakap niya.

"Do you want to come with us?" Tanong niya at tumingin kay Aicka na umirap lamang.

"Hindi na, tiwala naman ako sayo. At isa pa may gagawin pa rin akong research." Ngumiti lang si TJ at muli akong niyakap.

"Hindi pa ba kayo tapos?" Panira talaga 'tong babaeng to.

"Aalis na kami." Sabi ni TJ at bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Sige ingat. Mahal kita."

"Mahal din kita." Sabi niya at umalis na sila ni Aicka. Pero bakit ganon, wala na yung ningning sa mata niya habang sinasabi niyang mahal niya rin ako? Bakit pakiramdam ko habang naglalakad siya palayo at may kasamang iba, tila mawawala na rin siya?

Mahal din kita... Sana nga... Sana nga ako pa.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot nakasalubong ko si Steve, isa sa mga kaibigan ni TJ.

"Janelle pwedeng magtanong kung nasaan si TJ?" Tanong niya sakin.

"She's with Aicka, m-may project daw silang gagawin e." Sagot ko naman sa kanya. Bahagya siyang nagulat dahil sa isinagot ko sa kanya.

"Project? Baliw talaga 'yon. Wala naman kaming project sa pagkakatanda ko..." Pahina nang pahina niyang sabi. Tila hindi namamalayan ang isinagot niya.

Project pala, great!

"Ganon ba... Baka naman nakalimutan mo lang na may project kayo." Nag-nod lang siya dahil sa sinabi ko.

"Siguro nga nakalimutan ko lang... Una na ko sayo. Ingat na lang." Pagkatapos niyang magpaalam ay agad din siyang umalis.

Hon, b-bakit kailangan mong magsinungaling?

















Ex or ReboundWhere stories live. Discover now