Chapter 37

217 4 0
                                    

Janelle's POV

"You know, if you really want to date me... just tell me, " the bored Nicholas said. Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa 'kin.

Wala na namang magawa sa buhay.
I rolled my eyes at him and looked at my phone. Kanina ko pang iniisip kung i-a-accept ang friend request ni Vince.

I unfriend him years ago and himala na ngayon lang nag-send ng friend request. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero, duh...

I looked at Nicholas again and he made puppy eyes.

"Tigilan mo 'ko, mag-review ka na lang ng mga résumés and---shaks! "I accidentally hit the accept button!

Shit!

Should I block him na lang? Parang OA naman yata. Aish!

"Anong meron sa cellphone mo? Kanina pang masama ang tingin mo diyan."

"Kasalanan mo eh! Kung hindi ka sana nangungulit, hindi ko ma-a-accept ang friend request ni Vince!" His facial expression changed. He sighed before taking all the folders and stood up.

"That's better. Para hindi ka na mahirapan ka-i-stalk sa kanya," he said and stormed out from the office.

Anong problema no'n? Na-basted na naman siguro ng single na teacher dito. Bahala siya.

And me? Stalker? Asa! Ilang beses ko lang namang binisita ang profile noon eh. Tsaka, I was so bored and as if ako lang ang bumibisita sa profile ng ex. Marami kaya kami.

From: Vince
Hi:)

What should I reply? Mataman akong nag-iisip ng ire-reply when he sent another message.

From: Vince
Sorry, wrong sent.

The eff?! Wow! J-Just wow!
Inis akong lumabas ng office at hinanap si Nicholas. Nakita ko siyang nakikipagtawanan kay Teacher Irish, single na teacher. Lumapit ako at ngumiti.

"Let's go Nicholas, kain tayo sa cafeteria." I said and waited for his response.

"I'm not hungry," he said and nilampasan ako. Nagtataka ko siyang nilingon.

"Binasted mo Teacher Irish? " Tumawa lang si Ma'am.

"May ibang gusto si Sir Nico, Ms. Janelle."

"Sino? Parang lahat naman yata ng single dito e gusto noon eh." She looks at me na parang na-a-amaze.

"Baliw ka talaga," she said with matching iling pa.

Sabay kaming nagpuntang cafeteria ni Teacher Irish. Nakita ko si Nicholas na mag-isang nagmemeryenda. Not hungry, huh?

Bumili ako ng sandwich at nagpasiyang lumapit sa kanya. Naupo ako sa harap at nagsimulang kumain. Paubos na ang kinakain niyang pasta nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin.

He stood up and bought something. Bumalik siyang may dalang mineral water at juice. He gave the juice to me and left again.

***
Teacher Mich, Teacher Irish, and Teacher Joanne resigned from our school. Magpaparank na raw sila.

"Ilang linggo na 'kong hindi pinapansin ni Nicholas e, sa tingin mo Kree, dahil ba 'yon sa tatlong teacher na umalis? " Kree and I decided to meet each other.  Lumuwas ako kasi siya naman ang madalas bumista sa amin dati.

I wore a flower dress paired with beige korean sandals and curled the tips of my long black hair. I even put a light make up, para magmukha naman daw akong tao sabi ni Mommy, baka raw makakasungkit na 'ko ng nobyo. As if naman.

"Nanliligaw na ba siya sa 'yo?" I almost spilled my Iced tea dahil sa tanong ni Kree.

"Gosh! Pati ba naman ikaw?" They always tell me na it's because Nicholas likes me. Kung gusto niya nga ako, bakit hindi siya namamansin?

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now