Chapter 38

203 4 0
                                    

Janelle's POV

I'm suppressing myself to smile. Kanina pa. I didn't know that a simple message to him will make my mood better.

I silently hum a song when my car stopped. The sun is so bright pa naman so I should not worry kung may lalabas na multo dito. Lumabas ako ng sasakyan ko para tingnan kung anong nangyari.

Shit! Flat na nga ako pati ba naman ang gulong ko? Aish!

I looked around to ask for some help. Luckily, may ilang sasakyan ang dumadaan... pero walang balak na tumigil.

Maya-maya pa...
"Ah.. Hehe hindi ako m-marunong magpalit ng gulong, " nagkakamot sa batok na sabi ni Vince. He's looking at me apologetically.

While waiting for some good samaritans kanina, natagpuan ko na lang na bumababa si Vince mula sa sasakyan niya. Feeling artista habang lumalabas, may nalalaman pang paalis-alis ng shades.

Napadaan lang daw siya. Siguro nga.

"Hanap na lang ako ng malapit na vulcanising station. Wala rin naman akong pamalit na gulong eh." He nodded of what I've said.

I took my bag and my cell phone from my car.

"Sige, ako na lang ang maghahanap. Baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo, " I told Vince and checked my car if it was locked.

He looked at me and pinasadahan ng tingin ang suot ko. Then he removed his gaze from me. "S-Sumabay ka na lang sa 'kin, madadaanan ko ang bayan niyo."

Medyo nagtataka man ako sa reason niya, hindi na ako nag-inarte. Isa pa,  makakatipid pa 'ko sa pamasahe.

Pagkapasok sa sasakyan niya, I was startled to see my picture on the dashboard. Napatingin rin siya doon.

"Ah.. Hindi ko na tinanggal, nasanay na rin."

"But... if hindi mo tatanggalin 'yan, baka magselos girlfriend mo." Tumingin siya sa 'kin. Nagtaas ng kilay at saka... umirap. Tapos may binulong-bulong na hindi ko naintindihan.

"I have no girlfriend."

"Eh di nililigawan? " He started the engine then started driving.

"Malapit na. Maybe I'll apply on her work place para matutukan ko siya."

Wow! 
"Eh di tatanggalin ko na nga 'tong picture ko!"

"Tss. That's mine, 'wag kang makulit." I pouted and rolled my eyes.

Tumahimik na lang ako buong byahe. Paminsan-minsan siyang sumusulyap pero hindi na rin nagsalita. No one dared to broke the silence reigning between the two of us.

I realized na posible pa rin pala 'to, siya at ako sa ilalim ng iisang bubong. In my case, time heals the pain. You just have to endure the torturous process. You have to move on and start again.

"Sa may 7/11 na lang ako, " he stopped the car near the convenience store.

I unbuckled my seatbelt and smiled at him. "Uh.. Thank you, una na 'ko. " He nodded at me.

"Take care." Pero mukhang may iba pa siyang gustong sabihin.

***

"Pero bakit mo nga ako iniwasan noon? " I arched my right eye brow to Nicholas. Pagkatapos niya 'kong iwasan dati, bumalik din siya at parang walang nangyari. Kinukulit ko siya kung bakit pero wala siyang sinasabi.

Tinitigan niya lang ako. He intently looked into my eyes then... to my lips. He swallowed slowly and looked away.

Nandito kami sa office at naghahanap ng qualified teacher para sa pasukan. We need two senior high teachers and one Elem teacher. Ang problema, kakaunti ang nagpasa.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now